ENTRY #5: THE BIRTHDAY PARTY by Chenie8

87 3 4
                                        

"Beth, pinayagan ka ba ng parents mong pumunta sa birthday party ko?" Pambungad na tanong sa 'kin ni Gemel.

"Ano kasi... Pinayagan naman ako kaso kailangan daw na kasama ko si Alex. Okay lang ba 'yun sa'yo, Bestfriend?" Nakita kong naging malungkot ang mukha ni Gemel. Hindi pa siguro niya kayang makita si Alex, lalo na't kakahiwalay lang nila last month.

"To be honest, ayoko talaga siyang makita. Pero kung 'yun lang talaga ang paraan para makapunta ka sa party ko. Sige, okay lang sa 'kin." Mapait na ngiti ang pumakawala sa bibig niya. Bakas pa rin sa mukha niya ang sinapit nilang break-up. Ewan ko nga ba sa kanila, pabigla-bigla naman kasi e. Tinatanong ko si Gemel, pero mukha namang hindi pa niya kayang pag-usapan ang tungkol dun. Ganun din naman si Alex, kapag tinatanong, ngiti lang ang isasagot. Hay naku, ewan ko sa kanilang dalawa.

Niyakap ko na lang si Gemel at dahan-dahan na hinagod ang likod niya. "Salamat Gemel, ewan ko nga ba kay Mommy kung bakit ang laki lang ng tiwala niya sa gagong 'yun." Para namang natawa si Gemel sa pagsabi ko na gago si Alex. Ang bestfriend ko talaga, bitter.

-----

"Beth, kailangan ba talaga na kasama ako? H'wag ka na kayang pumunta?" Pagmamaktol ng katabi ko ngayon.

"Naku, hindi pwede. Naka-oo na ako kay Gemel e. Sorry talaga Alex ha? Naabala pa kita. Si Mommy kasi e, 'di pa 'ko pinayagang pumunta dun mag-isa."

"H'wag kang magsorry, Beth. Ano lang kasi.... may laro kami sa mga kabarkada ko mama-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at pinaki-usapan ko na lang siya ng pinakiusapan. Sana uubra 'tong 'Please, Alex' sa kanya ngayon. Wala pa naman sa mood 'to kanina.

"Osige na nga. Psalamat ka mahal kita. Ikaw lang ang nag-iisa kong prinsesa." Ngiti niyang sabi sa 'kin.

"'Yun oh, salamat Alex. The best ka talaga." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. Sanay na naman kami sa mga ganito e. Simula bata ganito na kami maglambingan. "Para talaga kitang Kuya. Kung Kuya Alex na lang kaya ang itawag ko sa'yo?" Sabi  ko sa kanya habang yakap-yakap pa rin siya.

May tumawag sa'kin mula sa likuran. Lumingon ako at nakita si Gemel na nakangiting nakatayo kasama ang ibang invited sa party.

Sa resort nila Gemel gaganapin ang party. Para makapunta doon ay kailangan mo munang sumakay sa bangka ng mahigit isang oras. Dalawang motor na bangka ang nakahanda. Kaya hinati ang grupo sa dalawa.

Kasama ko sa bangka sina Alex, Gemel, David - ex ni Gemel, at si Junie na kababata naman ni Gemel. Si Junie ang nagpatakbo sa motor na bangka namin.

'Yung mga malalapit naman naming kaibigan na sina Jane, Cathlyn, Noelyn at Lalaine ang nakasakay sa kabilang bangka. Si Justin, ang lalaking pinag-aral naman sa mga magulang ni Gemel, ang nagpapatakbo sa kanilang motor na bangka.

Medyo maalon ang dagat at makulimlim ang ulap sa pagbyahe namin. Mga kalahating oras pa kami sa laot nang makita kong malapit na pala kaming makarating sa isla. "Akala ko ba mga isang oras ang byahe papunta doon sa resort ninyo, Gemel? E malapit na tayo o." Turo ko doon sa isla.

Napatawa si Gemel sa sinabi ko. "Hindi, bestfriend. Sa susunod na isla pa 'yung resort namin." Napatango naman ako sa sagot niya.

Maya-maya pa ay narinig kong tumili si Jane sa kabilang bangka. Napatingin ako sa kanya at nakita siyang natataranta. Ganun din ang iba niyang kasama sa bangka.

Huminto muna kami para itanong sa kanila kung ano ang problema. Kalma namang sinabi ni Justin na may butas ang bangka nila.

"Ano? May butas? Paano na 'yan? Hindi ako marunong lumangoy." Natatarantang sabi ni Jane.

"Kalma lang kayo d'yan." Utos ni Junie at sumunod naman sila. "Malaki ba 'yung butas, Justin?" Kalmado niyang tanong.

"Hindi naman siya masyadong malaki."

HAMBRE ENTRIESDonde viven las historias. Descúbrelo ahora