⏳ Two ⌛

6.2K 67 4
                                    

Nandito si Elly sa mall ngayon may binili lang sa isang department store.

Nang lumingon siya sa may National bookstore ay di niya aakalaing makikita na naman niya ang lalaking naka kulay orange kagabi dun sa bus.

Nakita ko na naman siya for the second time around. Ibig sabihin ba nito ay totoo ngang ito na ang tatapos sa aking pagiging SINGLE?

Wala na siyang sinayang na sandali dahil agad niyang sinundan sa loob ng bookstore yung lalaki na ngayo'y naka black jacket.

-------------------------------

Habang namimili ng libro si Edward sa malaking bookshelf ay napapansin niya na may kanina pang sunod ng sunod sakanya.

" Hi... 😊 "

He turned around and he saw the same woman he meet last night at the bus.

" Your so obvious. "

" Na ano? "

" That you are following me.. "

" No, I'm not.. Nagkataon lang na bibili din ako ng libro at di sinasadyang makita ka rito. "

" Oh really? Okay. Excuse me. "

Tumungo na siya sa counter at binayaran ang librong napili saka lumabas ng bookstore.

Agad namang binili ni Elly ang librong kagaya ng binili nang binata at madali niya itong sinundan sa labas.

" Hooyyyyy! Sandali, hintayin mo naman ako. "

Kahit anong tawag niya dito ay hindi parin siya pinapansin.
Mahirap nga naman kasi magpapansin sa taong ayaw ka namang pansinin. 😑

Kung wala sanang taning sa buhay niya bakit naman siya mag aapurang magka lablyf diba?? 😒

Nang sumakay ito ng Bus ay sumakay din siya. Wala nang mauupuan kaya standing ovation silang dalawa ngayon.
Bigla pang nagb-break yung sasakyan kaya na o-out balance siya at lumalanding naman sa likuran ng binata.

" Hindi assurance ang pagbiglang pag break ng Bus para dumikit ka sa akin ng ganyan. Humawak ka ng mabuti sa railings nang di ka matumba.. Now keep distance."

Wala sa mood na wika nito saka siya inirapan.

Agad naman siyang dumistansya, baka isipin pa nitong humu.hokage movez siya! Hahaha 😂😂

Ang arte! Anong akala niya sakin my skin disease?!  😕

Nang bumaba ito ay bumaba narin siya, kahit di niya alam kung saan pagutungo ang lalaking to, ang alam niya lang ay masundan niya ito.

Lakad lang sila ng lakad habang isang pulgada ang distansya nila sa isa't-isa.
Hanggang sa marating nila ang tinatawag na enchanted garden
Kung saan tanaw na tanaw mula rito ang isang batis.

Napamangha siya sa Ganda ng lugar. Like she has been on a fairytale.

May mga taong namamasyal din dito dahil narin sa lawak ng lugar na napapalibutan ng mga puno at iba't-ibang klase ng bulaklak at paruparo.

Sariwang hangin talaga ang nalalanghap niya dito and it's good for her heart.

Hinahanap ng kanyang mga Mata ang binata at nakita niya naman ito sa isang Banda. Nakaupo sa isang bench sa ilalim ng malaking puno habang seryosong nagbabasa ng libro.

Till my last breath Got awayWhere stories live. Discover now