"Ako ang maghahanap sa kanya, hindi tayo." Sabi ko.

Nakatingin pa ang dalawang babae sa amin. Hindi lang iyon. Batid ko rin na nakatingin na rin halos lahat ng kaibigan niyang nandoon. Nakakahiya at alam kong nahihiya na rin si Rage sa presensya ko dito. Empleyado niya ako kaya pakiramdam niya ay responsibilidad niya ako ngayon. Isa pa, bumababa ang tingin ng mga kaibigan niya habang tinitingnan kaming dalawang mag kasama. Hinihila ko siya sa putik.

"Sira ang sapatos mo." Ani Rage.

Humalakhak si Lea. "We'll it looks old. Parang galing pa sa kanyang ninuno. It's not even fashionable."

Napatingin ako sa sapatos na pinahiram sa akin ng mabait na si Mia. Pinahiram lang ni Mia ito sa akin at nagpapasalamat ako sa kanya. Nakaipon ako dahil sa sapatos na 'to kaya naiinis ako kasi nilalait nila ito.

"Wala akong pakealam kung fashionable 'yong sapatos ko o hindi. Ang importante sakin ay manahimik ka na lang nang di kita mapakain ng sapatos ko." Hamon ko.

Pula na ang nakikita ko sa aking mga mata. Ang makita ang nanunuya nilang mga ekspresyon at natatawa nilang mga labi ay mas lalong nagpapaalab sa galit ko.

Nalaglag ang panga ni Lea sa sinabi ko. Napatingin siya kay Kara na ngayon ay nakatitig kay Rage. Wala akong pakealam kung anong iniisip ni Rage ngayon. Kung ihagis niya ako sa labas dahil binastos ko ang bisita niya, edi mabuti. Sana isama niya rin si Mia sa paghagis niya para sabay na kaming umuwi!

"Hindi lang cheap, palengkera pa!" Tawa ni Lea.

"Lea, stop it!" Sigaw ni Rage at bumaling siya sakin.

Matalim ko siyang tinitigan. Naghahanda na ako sa maaari niyang isigaw sa akin ngunit nagulat ako nang pumungay ang kanyang mga mata.

"Rage, next time i-filter mong mabuti ang mga empleyado mo nang hindi ka-"

Natigil si Lea sa kanyang pagsasalita nang bigla akong sinikop ni Rage mula sa pagkakatayo ko. Shit!

"Bitiwan mo ako! Kaya kong lumabas sa bahay na 'to ng mag isa! Bitiwan mo ako!"

Shit! I'm fired! Tanggal na ako panigurado at magkakapasa pa dahil paniguradong itatapon niya ako sa labas. Sana lang ay di ako tumama sa mga bato. Patay ako sa Marlboro Girls pag nagka peklat ako!

Nagsimula siyang maglakad. Hindi niya ako binibitiwan at nasa gitna na ako ng galit at pag iyak. Diretso ang tingin niya at gumagalaw galaw ako sa bisig niya nang sa ganon ay mahulog ako ngunit masyadong mahigpit ang hawak niya sa akin.

"Stop moving." Mariin niyang sinabi.

"Please, please, sir Rage, bitiwan mo ako." Pagmamakaawa ko nang narealize na mukhang hindi niya talaga ako bibitiwan. Takot akong magkapeklat. Ang pag gi-gig gabi gabi ang pinagplanuhan kong bubuhay sa akin habang nag aaral ako kaya kailangan ko 'to.

Napatingin siya sa akin at bumuntong hininga. "Ibababa kita mamaya. Just stop moving for now."

Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)Where stories live. Discover now