"Stop grinning like an idiot, mukha kang manyak." Saad ko dito, and I rolled my eyes on him. Natawa naman ito ng bahagya.

Napatingin ako muli kung saan ako nakaharap, isang malaking kastilyo ang nasa harap ko ngayon. I wonder kung diyan na ba kami titira.

"Dad, dito ba talaga tayo titira?" Tanong ko dito, lumingon ito sa akin at ngumiti.

"You'll know it later." He said with a genuine smile. Sinenyasan naman ako nitong tumabi sa kaniya sa pinakaharap ng gate, may pinindot ito sa medallion na suot ng tigre.

Bumukas naman ng kaniya ang gate, ma-fog ang kapaligiran sa loob ng nasasakupan nitong kastilyo. Trimmed din ang mga damo sa paligid at may isang malaking fountain sa harap ng pintuan ng kastilyo.

Pag-aari rin ba ito ng mga Thomlinson?

Ilang metro din ang layo ng gate sa main door ng kastilyo, kaya malayo-layo pa rin ang aming lakarin. Hindi ko maramdaman ang pagod, nakaka-relieve ng stress ang nakikita ko ngayon.

Wala masyadong puno sa nasasakupan ng kastilyo, kaya kitang-kita kung gaano kalawak ito at kitang-kita rin kung paano nila naalagaan ang lugar. Sementado ang isang mahabang daan papunta sa main door, but I feel something about this place.

Nang marating na namin ang main door ng kastilyo, kumatok si Dad dito. Ngunit nagbukas ito ng kaniya na aming ikinagulat ni Dion.

"W-what kind of sorcery was that?" Turo ko doon sa pinto, but I received Dion's silence as his answer.

Hindi ko alam kung tahanan ba talaga ito, or nasa Academy na kami ng Mages. Kita ko ang lawak ng ngiti ng Dad habang nakatingin sa akin, weird.

"Finally, Amaris. You're home." Aniya, kumunot naman ang aking noo. What the hell, isa nanaman ba 'to sa mga prank ni Dion?  Pumasok si Dad sa loob, sumunod naman kami nila Mom.

Biglang nagbago ang atmosphere pagpasok namin ng kastilyo, sa malamig na gabi. Naging masigla ang paligid. Marami ang nandito ngayon, kaliwa't kanan. May sari-sarili silang ginagawa ngunit ng makita nila kami, para silang nakakita ng multo.

Isang malawak na ngiti ang kanilang pinakawalan, pare-pareho sila ng suot, ang mga babae'y naka-bun ang kanilang buhok, at puting longsleeves. Naka-necktie ang mga ito na may pattern na black and maroon. Bukod don may black coat din silang suot, na may logo na katulad ng nakita namin sa gate at ang kanilang pang baba'y maroon na palda at black na high socks. Sa lalaki nama'y ganoon din, ang pinagkaiba lang ay imbis na palda, pants ang kanilang suot.

Paaralan ata ang pinasok ko at hindi bahay. Pero what the actual fuck, pinangarap ko maging uniform 'to!

Hindi pa rin naaalis ang kanilang tingin, hindi sila nakatingin kina Dion. Pero sa akin ang mga ito nakatingin. Is my presence too intimidating to look at me like that? Napalunok naman ako, agad akong tumabi kay Mom at Dad. Nagsibalikan naman sila sa kanilang ginagawa.

Pinagmasdan ko ang busy na paligid, kahit madaling araw ganito sila ka-busy? Baka graveyard shift sila.

Medieval ang istilo ng kastilyo, mula sa carpet nitong pula at may embroided na gold sa gilid nito, at ang kanilang kurtina na ganoon din ang design. Lumang bookshelves, mga statues sa gilid, and paintings. Ilang taon na kayang nakatayo ang kastilyong 'to?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Stars Are Watching Us TonightWhere stories live. Discover now