Napatitig naman si Papa sa akin at gumanti ng ngiti sabay pisil sa mukha ko.
"Sus ko! Ang anak ko talaga! Napakabait!Mana sa Papa niyang guwapo!"patawa niyang sabi sabay hawak sa tiyan niyang malaki.
"Sus Maryosep ka Brando! Ang tanda mo na para magmukhang guwapo! Cute nalang siguro, ang laki na ng tyan mo eh!" biglang sabat ni Mama na kagagaling lang sa CR.
At diyan na magsisimula ang pikunan ng dalawa. Eto yung hinding hindi ko gustong baguhin sa buhay ko. Mahal na mahal ko sina mama at papa eh.
Pero, itong klase ng buhay lang talaga ang gusto kong baguhin.
Pagkatapos kung tulungan sina Mama at Papa, ay agad akong naligo at nagbihis pagkatapos ay ginising si Jamila.
...
"Ate, may love letter na naman pala akong natanggap. Sa tingin mo teh, sasagutin ko ba yung si Henry?"tanong ni Jamila sa kin habang naglalakad sa may daan.
"Huwag kang magtatangkang sagutin ang ano mang hindi kasali sa pag-aaral mo Jamila Rhian Rosario! Mapapatay talaga kita kung ganon!"
Napaatras naman ng pabiro si Jam-jam sa sinabi ko.
"Ate naman! Parang joke lang naman yun eh! Imposibleng siya yung sasagutin ko teh nuh! Siyempre yung si Daniel sa t.v. pa rin ang mamahalin ko habang buhay!"
"Che! Kahit na yang si Daniel o si tipaklong pa yan, basta mag-aral kang bruha ka! Ang hina mo sa Math teh!"pan-asar ko sa kanya.
Ganito kami palagi ni Jamila. I'll act like a bossy and she'll act like a servant. Strikta ako kung umasta pero hindi naman talaga seryoso yun, konti lang. At alam naman ni Jamila ang totoo kung ugali eh.
Magkaibang magkaiba talaga kami sa lahat-lahat. Kahit sa itsura at pananaw sa buhay. Kung siya mahilig magbasa ng mga novels, ako naman mahilig magbasa ng Geometry. Mahilig siya sa mga cute na bagay habang ako naman, walang paki sa mundo kung cute o ano ba yan basta makakain o mabebenta. Mahilig si Jamila sa pagluluto, habang ako naman mahilig magbilinag ng pera. Mahilig siya sa crush crush na yan habang ako, well,admire lang siguro? Kontento na rin sa buhay si Jamila tulad nina Mama at Papa hindi tulad kong, gustong yumaman.
Sa totoo lang, naiinggit ako kay Jamila. Ang saya na kasi niya eh.
"Oh, nandito na 'ko teh. Bye ate! Ingat!" sabay kaway ni Jamila papalayo sa kin. As usual, hinihintay siya ng mga kaklase at bestfriends niya.
"O sige.." bulong ko nalang habang tumalikod. Mabuti pa si Jam, may mga kaibigang matuturing samantalang ako, yung future ko talaga ang iniisip ko. Speaking of future, kelan pa kaya ako yumaman? Nakaipon na kasi ako ng pera simula nung napag-isipan kong gusto kong yumaman eh.
Believe it or not pero nakaipon na ako ng five thousand pesos pero ginamit kasi namin ng pambili ng gamot ni Papa kaya nagsimula ako ulit sa limang daan. Mabuti nalang at scholar ako, kaya madali akong nakaipon lalo na't nililibre ako palagi ni Mam Lea ng snack! Si Mam Lea lang naman ang homeroom teacher namin since first year. Ang bait bait niya suuuuper bait niya at ang ganda pa! Lahat nga ng boys sa school namin, si Miss Lea yung crush nila!
Hay naku, bakit ko ba kinukuwento sa sarili ko ang mga bagay na to?
Dumating ako sa Academy kung saan ako nag-aaral since first year. Nakasulat sa isang napakamalaking haligi ang bagong pinta na," SALMONTE ACADEMY". Isang elite school na makikita lang sa probinsya. At bakit sa probinsiya mismo? Kasi, dito tahimik. Walang masyadong sasakyan, usok at kung anu-ano pang polsyun meron sa City.
Pumasok ako sa loob matapos akong pinapasok ni kuya guard.
Habang nglalakad sa pathway, inayos ko muna ang gamit sa loob ng bag ko, hindi ko kasi naayos kaninang umaga sa kakabusy. Nang biglang humangin ng malakas. Bigla nalang my papel na dumaan at tumkip sa mga mata ko.Kinuha ko ito at laking gulat ko nalang.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
FantastikAccidentally, Jamie met and rescued a Watchmaker from danger who turns out to be a timetraveller. Bilang regalo, binigyan siya ng pagkakataong mag-Timetravel. This time, the truth which she tought it was, is actually not.Friends that she'd been call...
Chapter 1~ The Time has Started
En başından başla
