Chapter 1: The Audition

Start from the beginning
                                    

"Friend, bakit ba tayo nandito?" tanong ni Shin hye.

"Naku! Alam mo, kaya ka nandito para mag-audition, malay mo mapasok ka sa JQueens." sabi ng kaibigan nya.

Ang JQueens ay isang girl group na binubuo nang 5 members kaya lang kailangan pa nila nang isa pang member kaya nagpa-audition sila. Ni-release din ng Safe Disc Ent. ang grupong yun.

"Teka, alam mo na ba kung anong kakantahin mo?" tanong ng kaibigan nya.

"Iurong nalang kaya natin to?"sabi ni Shin hye.

"Hindi pwede Shin hye. Nandito na tayo. Pagkakataon mo na to. Sayang naman yung pangarap mo. " - Shin hye's friend.

"Pangarap ko?" sagot ni Shin hye.

"Oo! Hindi ba pangarap mong maging asawa ni Drake? Alam kong medyo mataas yung pangarap mo pero ito na yung chance mo." sabi ng kaibigan ni Shin hye at bigla itong tumawa.

Shin hye's POV

Sa bagay, kung papalagpasin ko pa yung pagkakataong ito, baka masayang lang. Eh talagang sayang. Saka paano yung pangarap ko para samin ni Drake? Yun nga yung dahilan kung bakit ko ginawa yung mga katagang "I'm Married to my Bias but He did'nt Know". Kaya kailangan kong ituloy to!

----------

Buo na ang tiwala ni Shin hye na kaya nyang makapasok sa audition sa tulong ng isang kaibigan at ng isang pangarap na gusto nyang matupad.

Desedido't sigurado na si Shin hye na ituloy ang pago-audition nya. Tinawag na ang mga number at ngayon ay number 19 na. Palapit ng palapit ang number ni Shin hye.

"Shin hye! Anong desisyon mo?" tanong ng kaibigan nya.

"Desedido na ko, itutuloy ko na to. Your Saranghae nalang ang kakantahin ko." sagot ni Shin hye.

Number 20! Tinawag na yung sumunod na number. Habang nagpe-perform yung number 20, nagpra-practice naman si Shin hye. Practice at practice at practice. Kahit kinakabahan sya para pagtinawag na sya, wala na syang problema.

"Number 21! Park Shin Hye!" sigaw nung host. 

Umakyat na si Shin hye sa stage. Kahit anong gawin nya, kinakabahan parin sya. Eh sino ba naman ang hindi kakabahan kung manonood sa performance mo ang founder ng group na paborito mo.

"Kaya mo yan Shin hye! Kaya mo yan! Para kay Drake! Woohoo" cheer ng kaibigan ni Shin hye.

"OK, you may now start." sabi ng host kay Shin hye.

"It's been so long, Me liking you and you never know."

First line ng Your Saranghae na kinanta ni Shin hye. At tinapos nya hanggang huli.

Pagkatapos kumanta ni Shin hye, nagsalita si Shin Jin Woo.

"Wow! What a nice song. Talagang Your Saranghae pa yung kinanta mo. Tingin ko isa yun sa mga bagay na makapagpapasok sayo dito sa audition na to. Nice."

Ikinatuwa naman ni Shin hye yung sinabi ni Shin jin woo. Tingin nya talagang may chance sya sa program na yun. Sana nga tama yun tingin ni Shin hye. Sana nga mapasa nya yung audition.

Pagkatapos ng performance ni Shin hye, pagbaba nya mula sa stage, nakahinga na sya ng maluwag. Nawala lahat ng kaba nya lalo nung narinig nya yung sinabi ni Shin Jin Woo. At pagkatapos ng mahigit limang daang auditioners at masinsinang pagpili ng mananalo,  ito na rin ang pinaka-hihintay na part ni Shin hye.

"Ngayon, ia-announce ko na po kung sino yung mapalad na magiging bagong member ng JQueens!" sigaw ng host.

"Naku! Sana makapasa ako. Ito na yung pag-asa ko. Ito nalang." sabi ni Shin hye.

"Ano ka ba? Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ni Shin Jin Woo? May chance ka friend! Malaki talaga pag-asa mo." sabi ng kaibigan ni Shin hye.

"Oo nga no! Sa bagay, sa lahat ng nag-audition dito ako lang yung sinabihan nya ng ganon." sagot ni Shin hye.

"At ang maswerteng magiging bagong member ng JQueens ay si.."

"Park Shin Hye!!!!" sigaw ng host.

"Oh My!! Totoo to? Ako? Ako ba? hahahaha Thanks lord! hooooo" sigaw ni Shin hye. 

Pag-akyat ni Shin hye sa stage, binigyan sya ni Shin Jin Woo ng bulaklak. At marami rin ang nagsi-palakpakan. Tuwang tuwa si Shin hye. Hindi nya inakala na sa mahigit 500 na nag audition sya pa ang nanalo.

Shin Jin Woo: Congratulations! Ang swerte mo at ikaw ang nanalo. Binabati kita!

Shin hye: Salamat po. 

Pagkatapos ng program, kinausap si Shin hye ng kaibigan nya.

"Shin hye, Congrats ha! Pero siguro kailangan ko na umalis kasi kailangan mo nang mag-focus dyan eh. Saka may gagawin din ako." sabi ng kaibigan nya.

 "Friend, salamat ha. Kung di dahil sayo, hindi ko magagawa to. Ah favor naman, ikaw nalang magsabi sa prof. ko na tanggalin na nya lahat ng papeles ko pati na rin sa office ha please." sagot ni Shin hye.

"Oo naman, wala sakin yun. Sige, mauna na ko" paalam ng kaibigan nya. 

Napakaswerte nga naman oh. Dahil sa kaibigan ni Shin hye, heto't nanalo sa audition. Salamat naman talaga. Mataas man kung iisipin yung pangarap ni Shin hye na mapangasawa si Drake pero hindi na malabo yun sa ngayon.

I'm Married to my Bias but He did'nt know [ON-HOLD]Where stories live. Discover now