[41] The Root of All Evil part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

"Don't do anything yet!" mabilis na tutol ni Blake. "Let's be patient. I know they won't do anything to Alex until they get what they want. Ako ang pinadalhan nila ng text kaya siguradong sa akin sila may kailangan. Surely, it's all about money."

"Tama si Blake. Mabilis gumawa ng paraan para hanapin si Alex but we need a perfect plan to save her and we have to be very careful with our action para matiyak ang kaligtasan niya. Unang-una kailangang may marinig muna tayong feedback mula sa mga kidnappers. We have to psychoanalyze them kung ano o bakit nila kinidnap si Alex. To have the courage to abduct a police officer means that they are not ordinary kidnappers," paliwanag ng matandang heneral.

"Papa paano kung hindi naman pera ang habol ng mga kriminal na yun! Paano kung gusto lang talaga nilang gantihan ang anak ko dahil isa sila sa mga nakabangga ni Alex sa trabaho! Hihintayin pa ba nating may lumutang na lang na balita na may natagpuang bangkay ng isang babae...." sabay haguhol ulit ng ginang.

Napapikit si Blake at napamasahe sa batok nang dumaan sa mga tenga niya ang sinabi ng ina ng dalaga. "Tita, please. Stop saying negative things," mahina ngunit madiing pakiusap niya.

"Oo nga naman Mom! Pwede ba kinakabahan na nga ang lahat tapos nag-iimagine ka pa ng mga brutal na eksena," sabat ni Dennis na noon ay nakatayo sa tapat ng salaming dingding nang nakahalukipkip at napapakutkot ng mga kuko sa daliri habang tinatanaw ang tanawin ng lungsod.

Tumunog ang telepono ng isa sa mga bodyguards. Sabay-sabay na napalingon sa lalaki ang lahat.

"Who's calling?" di makapaghantay na tanong ni Blake.

"Sir, si Ocampo po, yung isa sa mga naglolocate ng motor ni Capt. Valdemor."

Magkasalubong ang kilay na inagaw ni Blake sa tauhan ang cellphone. "Hello. What's the update?" agad niyang tanong.

"Sir natagpuan na po namin ang ginamit na motorsiklo ni Ma'am Alex!"

"Where? Is Alex there?" tarantang wika niya.

"Nakaparada sa tapat ng isang Japanese restaurant dito sa may Pasay Road pero wala po si Ma'am Alex dito," may katamlayang sagot ng tauhan.

"Nakapagtanong-tanong ba kayo?"

Ang Syota Kong Astig! (Published Under Summit/Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon