Chapter Eighteen.

Magsimula sa umpisa
                                    

"Magandang gabi ho," bati ni Matteo. "Ako po si Matteo, ang bagong dri—"

"Kaibigan ko siya, 'Nay," duktong ko bago pa matapos ni Matteo ang sasabihin niya. "Kinuha siya ni EJ na driver ko pero magkaibigan talaga kami. Siya po ang tumulong sa akin noong umalis ako."

"Tawagin mo na lang akong Nanay Liza," pakilala naman niya kay Matteo. "Mabuti pa at pumasok na tayo sa loob. Inihanda ko na ang hapunan. Pati ang mga gamit at kwarto ninyo."

"Salamat po," sabay naming sabi ni Matteo bago kami sumunod sa kanya.

Hinayaan kaming kumain ng tahimik ni Nanay Liza dahil alam niya raw na pagod kami sa biyahe. Hinayaan ko na rin siyang magpahinga pagkatapos niya kaming ihatid sa kwarto. Dalawang rooms ang inihanda niya para sa amin: mine and Ate Vea's old room that belongs to solely to me now, and the opposite room that used to be Kuya Vino's.

"Clean yourself up and rest. It was a long drive," habol ko kay Matteo bago siya pumasok sa kwarto. "And uhm... I brought your reviewers. Sorry, nakialam ako. Here..." sabi ko pa at inalabas ko sa bag ko ang mga booklets at worksheets na ginagamit niya.

"Salamat..." matipid niyang ngiti bago niya kinuha ang mga hawak kong gamit.

"No problem," I assured him. "Maaga tayo bukas. So get some rest, okay? Good night, Matteo."

"Good night..." balik niya. "...Vynn."

I gave him a smile before he closed his door. It is an improvement that he is calling me again by that nickname. Gustung-gusto ko siyang makausap ng normal but he is not letting me do that. I just want us to be okay again.

"Vynnice..." rinig kong tawag ni Nanay Liza sa akin bago ko maisara ang pinto ng kwarto ko.

"Nanay, bakit ho gising pa kayo?" tanong ko at muli kong nilakihan ang bukas ng pinto. "Pasok po kayo."

"Vynnice, anak... may gusto lang akong itanong," sabi niya nang umupo kami sa kama ko.

"Ano po 'yon?"

"Ano ba ang totoong dahil kung bakit ka naparito?" diretsong tanong niya.

"Lagi naman ako'ng sumasadya rito, 'Nay," dahilan ko.

"Anak, hindi sa nakikialam ako, pero hindi mo ugaling pumunta rito lalo pa't wala sa schedule mo," balik niya sa akin. "May kinalaman ba 'to kay Matteo?"

"'Nay..."

"Sa akin ka pa ba magsisinungaling?" tawa niya at may pag-aalala niya akong hinaplos sa ulo. "Vynnice, alam ko 'yong mga tinginan niyo ni Matteo. Itinatago niyo pareho pero ako, naiintindihan ko."

"Magkaibigan lang po kami..."

"Hindi nagsisinungaling ang mga mata, Vynnice," ngiti niya bago niya hinawakan ang daliri kong may suot na singsing. "Ililihim ko kung ano man ang nalalaman ko, anak. Pero alam mong hindi magiging madali."

Hindi na ako nagsalita pa. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin, matagal ko nang nararamdaman. Pero ayaw kong tanggapin. Hindi dahil mali si Matteo para sa akin pero alam kong magiging mas mahirap lang para sa kanya.

Marahas ang mundo na ginagalawan ko at hindi ko siya gustong masaktan ng mga taong nakapaligid sa akin dahil lang sa tingin nila, hindi siya karapat-dapat para sa akin.

This is the only way I know how I can protect him. Kahit alam kong masasaktan ako.

* * *

"Pupunta tayo sa Gabaldon after breakfast," I instructed Matteo while eating. "Long drive ba 'yon, 'Nay? Matagal ko nang gustong pumunta ro'n."

"Dadating kayo ro'n ng tanghali," sagot ni Nanay Liza. "Mag-t-trek ba kayo papunta sa falls?"

Eighteen Days to Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon