Meeting My Future Husband [one-shot]

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang naglalakad ako, pa-sway-sway pa ang mga kamay ko dahil nga sa excitement. Hindi ko nga rin matago ang kilig ko eh. Halos kasi lahat ng madadaanan kong stalls may posters o pictures ni Chino. Artista nga talaga siya.

          “OMG!! Si Chino ba ‘yun?!”

          “CHINO!!!”

          “GOSH! Ang gwapo niya!!” Rinig kong mga sigawan ng babae at halos manlaki naman ang tenga ko sa mga sinabi nila. Chino daw?? Sinundan ko ‘yung mga babaeng nagkakagulo. Nilabas ko na rin ang DSLR ko para makuhanan ko siya. Parang fan lang talaga? Hahaha.

          “Chino,” bulong ko with full of excitement.

Nang makalapit ako sa crowd, hindi na ako nakipagsiksikan at nakisali pa sa mga babaeng nagkakagulo. Hindi naman kasi ako fan, ‘di ba? Kaya medyo lumayo lang ako ng konti at tumuntong sa isang bakanteng upuan.

          “It’s really him,” sabi ko at natulala pa ako sa kanya.

Can’t even imagine na siya ang nakikita ng mga mata ko ngayon. Nakita na rin kita sa wakas, Chino.

Habang busy siya sa kakakaway sa mga fans niya ako naman todo picture lang sa pwesto ko ngayon, hoping na maligaw ang mata niya sa’kin. Makikita naman niya ako eh, kasi nga nakatuntong ako sa isang upuan.

          “Miss, upuan ko ‘yang tinutuntungan mo,” rinig kong may sumita sa’kin pero hindi ko siya pinansin. Busy ako eh, bakit ba? Hahaha.

Nakakainis. Hindi ka manlang ba titingin ditto, Chino? Tumingin ka please! Please! Kahit one second lang! Chino please, look at me.

Kakadasal ko sa isip ko, nabitawan ko ang DSLR ko. Buti na lang nakasabit siya sa leeg ko. Ang dahilan ng pagkahulog nito ay ang pagtingin ni Chino sa’kin.

Naramdaman kong namula ang mukha ko kasabay ng paghihina ng buong katawan ko. He remains looking at me. Wala akong ibang ginawa kundi mag-bow to send a greeting to him. Pagka-angat ng ulo ko, hindi na siya nakatingin pero hindi naman ako nalungkot, naging masaya pa nga ako kasi nakita na niya ako eh. Hahaha.

          “Miss, pwede umalis ka na diyan?” suway ng isang matandang lalaki sa’kin.

          “Sorry po!” nakangiti kong sabi at natigilan naman si manong habang nakatingin sa’kin. “Thanks sa upuan mo manong!” masigla kong sabi at naglakad na ulit.

Good thing, isang bag lang ang dala ko. Hehe. Sabi kasi nila daddy mag-shopping na lang daw ako ng mga gagamitin ko dito. I’ll be staying here for one month lang. Nag-aaral pa kasi ako sa America eh, pero babalik ako dito pagka-graduate ko.

          “Found it!” sabi ko nang makita ko na ang hotel na tutuluyan ko. Buti na lang hindi na ako pinahirapan ni Lord na maghanap. Thank you Lord! Thank you din kasi nakita ko si Chino kahit kakadating ko lang dito. Hehe.

Meeting My Future Husband [one-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon