1 A.M. (Fanfic)

623 30 20
                                    


“Chie, gising na" hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Marlon, hayaan mo nang magpahinga si Chie. Bumalik ka na lang bukas."

Kilala na ako  ng nurse dahil nag-OJT ako sa ospital na to noong nag-aaral pa ako ng BS Psychology.

Dito ko din nakilala si Chienna. Isang pasyente dito sa ospital.

Maganda siya. Hindi ko iyon maipagkakaila. Nang malaman ko ang kundisyon niya, nanghinayang ako dahil wala nang lunas ito.

Pinanonood ko lang siya noon habang wari'y may kausap siya sa telepono.

Ibinaba niya ang telepono at saka nagsalita "Kailangan kong puntahan si Dalton."

"Lon! Pasensya ka na na-late ako" sigaw nung kapalit ko sa shift.

Nagbihis na ako at saka bumiyahe pauwi.

Nakakaidlip na sana ako sa byahe sa jeep nang huminto ito at magsigawan ang mga pasahero "May nasagasaan!"

Agad na bumaba ang mga pasahero para maki-usyoso. Sino ba kasi ang tatawid sa express way?

Bumaba na rin ako. At sa pagbaba ko, nagulat ako sa nakita ko

"Chienna!"

Hinawi ko ang mga tao "Kilala ko siya. Padaanin niyo ako!"

Duguan ang ulo niya "Tumawag kayo ng ambulansya!"

Dinala siya sa ER at inoperahan. At ayun, the doctor declared that she's in a coma.

"Bye Chienna, babalik ako bukas"

Pagkalabas ko, may nakasalubong akong isang lalaki at babae. "Dalton, dito daw yung room niya" sabi nung babae

Siya? Siya si Dalton? Siya ang dahilan kung bakit ganito si Chie!

"Pwede ka bang makausap?" Sabi ko kay Dalton

"Sino ka?"

"Ako ang nagdala kay Chie dito. At ang nurse niya. Pwede ko bang malaman kung paano siya nagka-ganoon?"

Kalaunan ay nalaman ko lahat. Lahat-lahat.

Lahat ng naranasan ni Chie, siguro magkakaganoon talaga ang isang tao. Pero wala na ba talagang pag-asang gumaling siya? Isang milagro. Iyon ang kailangan niya.

Kinabukasan, bumalik muli ako sa ospital. Walang nagbago.

Binulungan ko siya "Chienna, si Marlon to. Gumising ka na oh, andito naman ako para sayo. Di gaya ni Dalton na iniwan ka nalang sa ere"

Nakita kong gumalaw ang daliri niya nang banggitin ko si Dalton.

"Si Dalton nalang ba? Paano ako?"

**

Lumipas ang limang bwan. Araw-araw, pinupuntahan ko si Chie sa ospital. Heto parin ako, naghihintay na magising siya.

"Teka lang Chie ha, bibili lang ako ng pamalit dito sa bulaklak"

Lumabas ako at bumili ng tulips. Bakit tulips? Hindi ko alam. Bagay lang siguro sakanya ang tulips kaya ko napili.

Pagbalik ko kay Chie, natigil ako dahil dinala si Chie sa ICU.

"Nurse! Nurse! Anong nangyayari?"

"She's having a heart attack!"

Heart attack. She might not survive this. Paano na? Nangako pa naman ako kay Dalton na aalagaan ko si Chie.

Lord, humihingi po ako ng milagro. Iligtas niyo po si Chie. Balato niyo nalang? Mahal ko na po kasi siya eh. Kahit di niya ako kilala.

Ilang oras pa, lumabas na ang doctor "I think just witnessed a miracle." sabi niya

"Miracle?" taka ko namang tanong

"Yes. Her attack episode suddenly ceased and her heart's normal. And there's one more thing..."

"Ano po yun?" baka panibagong complication ulit


"She's now awake"

आप प्रकाशित भागों के अंत तक पहुँच चुके हैं।

⏰ पिछला अद्यतन: May 15, 2014 ⏰

नए भागों की सूचना पाने के लिए इस कहानी को अपनी लाइब्रेरी में जोड़ें!

1 A.M. (Fanfic)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें