“Pwede rin. Malay mo, mainspire ako sa sagot mo at tumakbo akong presidente ng country na ‘to.” Nakangiti niyang sabi saakin. Yung ngiting peace tea kasi paasa masyado? Haaaayst.

            “Inspire mo muka mo. Di kita iboboto eh.”

“Well, I’m too handsome to be bothered.” Sabi niya sabay sandal sa upuan ko.

“Wala ka naba ibang masabi kundi yan? Parang kahapon mo pa sinasabi yan eh.”

“Ganun ang linya ng mga gwapo.” Peace tea. Mas mayabang pa kesa sakin eh. Pero sabagay, totoo naman din yun.

Maya maya pa’t dumating na ang sensei naming hot para mag simula na sa klase. Ang hot niya talaga na sensei. Yung oriental niyang balat, bagay sakanya. Hindi ko alam diary kung makikinig ba ako o pagnanasaan ko nalang ang sensei na to.

Buong oras ko lang siyang tiningnan diary. Hindi si sensei pero si Carkmichael. Oo nga gwapo naman talaga siya. Ang puti niya. Ang ganda ng mga ipin niya. Pati porma ng ilong niya maganda rin. European ang look niya. Brown eyes pa saka maganda ang porma ng kilay. Mahahaba rin ang kanyang mga pilik mata.

Kapag napapatingin siya sa direksyon ko ay binabago ko ang direksyon ng tinitingan ko. Kung hindi ako nakatingin kay sensei ay nakatingin ako sa notebook. Yung kunwaring nagbabasa o nagsusulat ng notes eh yun pala wala naman.

Diary, pwede mo bang sapakin si otor? Kasi naman pangatlong entry palang to ay pinagdadrama niya na ako. Kainis lungs ko butas.

“Okay class, prepare a speech regarding the topic that we’ve discussed. I’ll give you five minutes to prepare. Pass your papers with your name so that I’ll pick who’ll recite later here in front.”

HA?! Anong speech niyo muka niyo? Anong papers papers yan ah? Ha? ANO!? Nagpanic mode ako. Tinignan ko ang oras… May 30 minutes pa bago matapos ang klase. So ibig sabihin pwedeng makaspeech ang lahat ng estudyante dito?

Nagsipagsulatan na ang mga kaklase ko at ako nalang ako naiwang gulat at nakatunganga saming lahat. May dalawang options lang naman ako eh…

Option number 1: Sabihing natatae ka at mag excuse ka nalang muna

O di kaya

Option number 2: Wag magpasa ng papel. Siguro naman hindi nila mahahalata yun diba?

Nako naman diary! Wala talagang mabuting naidudulot ang paglalandi!

Nagpanic na talaga ako nun. Halos maiyak na ako sa halong kaba at takot. Diary, help me! Ay di ka pala sumasagot. Ano ba yung topic kanina?

“Topic: Importance of studying different language and culture.” Sabi niya sakin. Oh eh sino pa ba? Yung katabi kong saksakan ng gwapo!

“I passed a paper with your name already. Gumawa ka na ng manuscript para sa speech mo. Baka kasi ikaw ang pinaka-unang mabunot.” Nakangiti niyang sabi sakin sabay yuko at nagsulat na.

“Sa..salamat.”

“Next time kasi, kay sensei ka tumingin at magfocus. Wag sakin.”

Medyo napahiya ako nun diary. Pansin naman ata niyang tinitingnan ko siya. I mean, mararamdaman naman yun diba? Naman oh. Nakakahiya naman talaga.

Nagsulat nalang ako para sa speech nay un. Natapos ko. Nakasurvive naman ako. Nakaraos naman kahit papano. Medyo dumugo lang kaunti ang ilong ko.

Isa-isa nang pinagtatatawag ang mga kaklase ko at nag simula na silang mag speech. Ang hahaba ng mga speech nila kaya hindi na ako nakapagspeech. Kahit na gusto ko nang pumatay dahil sa effort ko, masaya nadin ako. HAHAHA hindi na ako natawag YES.

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng FapDonde viven las historias. Descúbrelo ahora