I woke up feeling the light rays through my face. It's another boring day of my boring life.
Bumuntong hininga ako at nagtungo sa banyo para maligo.
"Ma!" Tawag ko kay mama pagkababa.
"Oh?"
"Anong ulam?" Tanong ko.
"Pritong itlog, hala sige bilisan mo at malalate ka na!" Paalala ni mama.
"Ateeee!" My little sister called me with a sleepy tone.
"Oh, bakit?"
"Youtube." Sabay bigay sakin ng ipad nya.
"Hay nako! Kay aga-aga kate ha?" Angal ko
Pero nilagay ko pa rin naman sa youtube. Pagkatapos non, tumakbo na rin sya sa kwarto.
Napailing-iling nalang ako.
Pagkatapos kumain at magtoothbrush inayos ko na ang mga gamit ko at sumakay sa service na nagreklamo pa dahil alas syete na raw at malalate na kami.
Pagkapasok ko sa classroom ay ito agad ang bungad sakin ni Yumi.
"CLAIRE TINANGGAL SILA SA S.O.T.Y PAKSHET TALAGA YANG AHAS NA MNET NA YAN!!!!" Agad kumalat ang inis sa sistema ko kaya lang may pahabol sya. "PERO KINGINA BES NANALO YUNG SPRING DAY!"
"Dapat lang hano! Grabe kaya yung meaning ng song at ang ganda-ganda pa ng Music video."
At dahil konti palang kami sa classroom nag tilian at plinano namin kung pano namin pag papatayin ang nakakalokong Mnet na yan.
"Sabi ko naman sa'yo, languyin natin ang sokor tapos pag may coastguard raratratin ko ng armalite-" napatigil ako sa pag papalano nang dumaan yung crush na crush kong grade 10.
Napasabay yung tingin ko sa paglagpas nya sa classroom namin. Napansin yata ni yumi kaya binatukan ako.
"Aray naman!"singhal ko sa kanya
"Pa'no na si Yoongi bes? Ano? Akin nalang."
Hinampas ko ang braso sya sa braso "Gaga ka talaga. Akin lang ang asawa ko!"
"Oo na inaasar lang naman kita! Kailangan bang manakit?" Sabi nya habang hinahaplos ang braso.
Na-guilty naman ako kaya nag sorry agad ako. Sakto namang dumating yung anti kong kaibigan.
Kesyo dapat daw kokobop nanalo.
Inirapan ko nalang sya para wala nang gulo.
Dumating na ang English teacher namin at nagcheck ng attendance.
"Fjord?"
"Present!" Napasulyap ako sa kabilang row. Nakita kong napatingin rin sya at sakto ang pagtama ng aming mga mata. Agad akong napaiwas ng tingin.
Hindi ko alam pero sya lang ang lalaking hindi ko makausap ng matino. Yung tipong di makatingin sakanya ng diretso kapag nagsasalita. Ewan ko ba! Alam ko naman sa sarili ko na madaldal ako pero... Di talaga eh!
"Bring out 1/4 sheet of paper we'll be having a pop quiz." Sabay ngisi ni ma'am.
Naglabas ako ng papel pero wrong move. Nagsitayuan silang lahat at humingi sakin. Halos mngalahati nalang yung papel ko. Huling humingi si Fjord. "Thank you." Sabi nya sabay ngiti.
Biglang tumibok ng malakas yung puso ko... Hmm... Napangiti nalang ako.
