Chapter 7: Combat Practice.

Start from the beginning
                                    

 

“Hoy Carl! Ano ang ginawa mo kay Lina! Bakit ka niya kinakausap!?” Galit na pagkakasambit ni Annie kay Carl.

 

*Hah? Anong ginawa ko? Bakit, masama bang maki-pagkaibigan sa kaniya?” Tugon naman ni Carl.

 

“Ano!? Kaibigan mo si Lina?” Gulat na pagkakasambit naman ni Annie.

Sa mga oras na ito ay mabilis na napatingin si Annie kay Lina, napatingin din naman sa kaniya si Lina at dito ay malakas na siyang sumigaw.

 

“Lina! Totoo bang kaibigan mo itong si Carl?” Sigaw ni Annie.

Napalingon sa kaniya ang lahat ng kaniyang mga kaklase at ilang sandali pa nga ay tumango sa kaniya si Lina.

 

“See? Magkaibigan kami ni Lina at kung gusto mo ay pwede rin kitang maging kaibigan.” Nakangiting pagkakasambit ni Carl.

“No way! At kung anong spell pa ang ginamit mo sa kaibigan na’min ay aalamin ko yon at agad pawawalan ng bisa! Tandaan mo yon, Carl Culwen! *Hmmmp!Inis na pagkakasambit naman ni Annie.

Matapos magsalita ay agad na ngang bumalik sa kaniyang upuan si Annie. Hindi naman nagawang magsalita ng iba pa nilang kaibigan, kahit na sila ay nagulat din.

(Note: Kung bakit nagulat ang magkakaibigan sa kanilang nalaman tungkol kay Lina at Carl ay dahil, magmula nung nawala si Rain, dalawang taon na ang nakakalipas ay wala ng kinausap si Lina. Kahit silang magkakaibigan ay hirap itong kausapin, kaya lahat sila ay nagulat! xD)

Mapunta naman tayo ngayon kay Luke. Kasalukuyan siya ngayong tumatakbo patungo sa kanilang classroom. Halos tinanghali na kasi siya ng gising, dahil hindi sa kanilang dorm natulog si Carl, kundi sa kanilang bahay, kasama sila Hades sa may underground basement. Taga gising kasi niya itong si Carl. xD

“Patay! Late na yata ako!” Sambit ni Luke.

Sa sobrang magmamadali ay may nabangga si Luke na isang babae at sa lakas ng pagkakatama niya dito ay parehas silang bumuwal.

 

“Aray!! Hoy! Hindi ka ba tumitingin sa daan!?” Galit na pagkakasambit ni Eucy.

Pero matapos magsalita ni Eucy ay laking gulat niya ng makita niya ang nilalang na nakabunggo sa kaniya.

 

“Sorry, nagmamadali na kasi ako eh!” Sambit naman ni Luke.

 

“Rain? Rain Esfalls!?” Gulat pero mabagal na pagkakasambit ni Eucy.

 

*Huh? Eucy?” Gulat ding pagkakasambit ni Luke.

 

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Where stories live. Discover now