Prologue

101 1 0
                                        


"Fey, ano ba ang wala ako na meron siya?!"

I raised a brow at this rude man, who appeared out of nowhere and started to yell at me. Seriously? I'm Alvie Fay Forbes and how dare he raise his voice like that!

"Oh? Did you just raised your voice at me?" I asked in an intimidating way.

Kita ko na nanigas siya sa pwesto niya. He looks like a statue right now, haha! serves him right! Dapat hindi niya sinisigawan ang isang Forbes na katulad ko dahil ang lahi namin... palaban at walang inuurungan.

Unti-unti ko siyang nilapitan hanggang sa inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya, "You know... parehas naman kayong walang kwenta. Mga babaero. " Nang lumayo na ako ay binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.

I flipped my hair saka nag- walk out na dun. Okay, I don't really want to cause anymore trouble right now dahil nandito ako sa company namin. If Dad finds out about what happened earlier... naku, malilintikan talaga ako!

Inayos ko ang sarili ko before walking inside Dad's office. Hinga ng malalim Alvie, I'm sure hindi pa nakakarating sa Dad mo ang kagagahang nangyari kanina. You can do this.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng office ni Dad ay bumungad sa akin ang nakasimangot niyang mukha. Now, I'm screwed.

"So, pang-ilang lalaki na yan na sumugod dito sa company dahil lang sayo?" he asked me while emotionlessly looking straight into my eyes. "Ayusin mo naman ang buhay mo, pwede ba?"

I sighed. Sabi na nga ba't hindi ako makakaligtas ngayon. Paano niya agad-agad na nalaman yun? Craaaaaap, feeling ko talaga my enhanced hearing to si Dad.

Yumuko ako at diretsong umupo sa sofa. "I'm sorry Dad." mahinang sambit ko.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan pero nabasag ito nang magsalita muli si Dad, "Anyway, pack your things. We're going back to Barangay Matiwasay."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon, "What?! Really?! Oh my gosh!" napatalon pa ako sa sofa nang dahil sa tuwa!

Actually dalawang beses na ako nakapunta dun eh, nung unang beses ano 3 years old palang ako nun tapos yung pangalawa naman nung 17 years old ako. Miss na miss ko na ang mga tao roon lalo na yung 14 years old na batang lalaki na palaging may suot na weird na necklace, well I kinda forgot his name.

Who would've thought na after 8 years ay makakabalik ulit ako dun?

"You must be really happy huh?" nakangiting tanong ni Dad.

"Of course! kahit na medyo gloomy ang lugar na yon, masaya dun!" the smile on my face disappeared when I suddenly realized something. "Wait, why is this so sudden? May nangyari ba doon sa Barangay Matiwasay?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni Dad while looking at me, "Sabi ni Lukay Domeng na mukhang magbabalik si Karimhali, or shall I say Aden. Kani-kanina lang ay tinawagan niya ako para tumulong."

"I see..."

Isang researcher si Dad at matagal na siyang pumupunta sa Barangay Matiwasay dahil sa isang Karmihali na naniniharan sa Bundok Kalumbayan, sa Visayas noon. Sa pagkakaalam ko ang Karimhali ay isang halimaw na ang anyo ay lobo. May nagsasabing mabangis ito at may nagsasabing mabait ito.

Ang Barangay Matiwasay ay malapit sa Bundok na kung tawagin ay Bundok Kalumbayan. Doon nagsimula ang trahedyang pag-iibigan nina Aden, ang pangalan ng Karimhali at ng isang normal na taong babaeng si Victoria. Ngunit trinaydor ni Victoria si Aden at itinuro niya sa mga opisyal ang tinitirhan ni Aden at doon... namatay ang Karimhali na iyon.

Dahil sa galit ni Aden ay nilagyan niya ng sumpa ang buong Bundok Kalumbayan at nadamay ang Barangay Matiwasay. Naging maulap at malamig sa lugar na ito dahil napapaligiran ito ng hamog kaya minsa'y mahirap makapasok sa Barangay Matiwasay dahil mawawala ka talaga dahil sa kapal ng hamog.

Walang patunay na namatay si Victoria. Ang alam lang nila ay bigla nalang itong nawala na parang bula.

At ang Victoria na iyon... ay isa sa mga matalik na kaibigan ni Dad.

"You should go home now to pack your things. Mamayang 1 ng madaling araw tayo aalis. Susunduin ka nalang namin ni Mang Seph."

Tumango ako and bid my Father goodbye, kitakits, muwah muwah chup chup.

Nang makalabas na ako ng company namin, I immediately went to the parking lot. I saw my car and went inside, starting the engine. Since 9PM palang... siguro pupunta muna ako sa favorite spot ko.

-------------

Narito ako sa Manila Bay ngayon, syempre enjoy na enjoy ko ang pagtanaw sa dagat rito. Hay, mukhang mamimiss ko to. Mamaya lang ay makakarating na pala kami sa Visayas upang bisitahin ang Barangay Matiwasay. I can't believe that I won't see this wonderful scene tomorrow.

Kamusta na kaya si Anna doon? Si Resmond? Khael? Hailey? Sina Lukay Domeng at yung apo niya...? Come to think of it, hindi ko pa pala natatanong kung ano ang pangalan ng apo ni Lukay Domeng. Sa pagkakatanda ko noong 17 years old palang ako, 14 palang yung apo ni Lukay Domeng ayun yung tinutukoy kong bata kanina. Madalas ko pa nakakausap yung batang yun at mukhang napaka-inosente pa niya.

Pero ang weird ah? Kasi nung 3 years old ako nung pumunta kami doon, wala akong nakikitang baby kina Lukay Domeng. Hmmm, I wonder how that kid got there?

"Hija? gusto mo bang hulaan kita?" Isang matandang babae ang lumapit sa akin. Nahalata niya siguro na nag-aalangan ako sumagot kaya ngumiti siya, "Huwag ka mag-alala, libre lang ito."

"A-ah, sige po."

Kinuha ni Lola yung kamay ko at ilang minuto niyang sinuri ito. I innocently smiled at her while waiting for her answer.

"Mabuti sigurong... huwag ka lumapit o pumunta sa mga Bundok ngayon..." seryoso nitong tugon kaya naman kinabahan ako.

Wut? Eh paano yun? Pupunta kami sa Barangay Matiwasay at for sure isasama ako ni Dad sa Bundok Kalumbayan para mag-imbestiga. Aishhhh, so complicated.

"A-Ano naman po ang mangyayari kung pumunta ako ng Bundok...?"

"Makikilala mo ang taong nakatadhana sayo...."

Huh? Isn't that a good sign then? Omg! Makikilala ko na ang Mr. Right ko!

"Edi mabuti po hehe! pinakaba niyo ako dun Lola ah! Wew!"

Kita ko pa rin na hindi nagbabago ang seryosong ekspresyon sa mukha nung Lola kaya kinabahan ulit ako. Jusko po, ano ba to? Horror movie? Palagi nalang akong pinapakaba ng Lola na to ah. Aishhhh, so complicated.

"Hija, kailangang mong iwasan ang kapalarang ito, kailangang iwasan mo ang lalaking nakatadhana sayo. Kung 'di ay isa sa inyo ang mamamatay."

Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo ko nang marinig ko ang mga katagang iyon....

Isa sa inyo ang mamamatay...

Isa sa inyo ang mamamatay...

Isa sa inyo ang mamamatay..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tragically, MythicallyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon