"Anak! Bumangon kana dyan! Tanghali na! Ano kaba?!" - ayan nanaman ang bungaga ni mudra. Juscolored!
"Maaga pa ma! Maya na" -inaantok pa kasi ako e. Anubayern! Wala namang pasok e kainis!
"Anong maaga pa?! Magaalasdose na nga. Tumayo kana dyan!" - si mama naman e di man lang makisama bakasyon naman hayst!
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo. Niligpit ko muna ang higaan bago ako lumabas ng kwarto at baka ratratin nanaman ako ng nanay ko.
Dumeretsyo ako sa banyo para magmumog at maghilamos. Pag tapos ko lumapit ako kay mama upang batiin at halikan sya ng mabawasan naman ang init ng ulo nya. Hahahaha!
*FAST FORWARD*
1pm ng natapos kaming maglinis, kumain ng tanghalian at tapos nadin magayos si mama dahil papasok na sya. Si mama ay isang Assistant Branch Manager sa trabaho nila. Matagal na din syang nagseserbisyo don. Mahigit 30 years? Di ko sure matanda na kasi si mama e. Bwahahahaha!
"Anong matanda na? Kahit matanda na ako maganda padin ako" with matching irap pa. Teka! Pano nya narinig yung sinasabi ng isip ko? May powers ba sya? Myged! Nakakatacute!
"Sira! Wala akong powers. Sinumbong ka lang ni author sakin. Salamat author" - tawa ng tawa si mama
"Author naman e! Bakit mo ko sinumbong? Shhh ka lang! Kainis ka naman e! Hmp!" - para akong batang nagmamaktol
"Hahaha sarreh ekey serreh! Di mo naba ako mapapatawad?" - sabi ni author habang tumatawa
"Chee!" - gigil mo si ako author e!
"Oh sya! Papasok na ako at baka malate pa ako mayare nanaman ako sa aking manager na suplada" - talaga tong si mama magpagka ano din e no.
"Ay wait ma! Nga pala tatambay daw po dito sila pards. Kaboring daw sa bahay nila wala daw kasi sila tita Nath. Saka bakasyon naman daw e. Okay lang po ba?" - pumayag ka. Pumayag ka. Hahahaha
"Okay basta wag magpapagabi okay? Text ka sakin. Sige na bye! Labyu nak nak!" - sabay kiss sa pisngi ko. Yakak! May lipstick pa. Ewww. Ayoko talaga ng lipstick!
"Gusto kaba?" - itong si author bigla-bigla na lang sumusulpot parang kabute.
"Tigilan mo nga ako author!" - iritang pagkasabi ko. Kanina pa ako ginigigil nitong author na to e. Bibingo na to sakin.
So ayun, chinat ko si Pards. 10 minutes daw nandito na sila kasama daw nya si Kaps may goodnews daw sila sakin. Pupuntahan na lang daw nila ako. So habang hinihintay natin ang nga kaibigan kong mga tukmol ay kukwento ko muna sila sainyo.
Ang pards at kaps ay tawag ko lang sakanilang dalawa pero si pards ang totoong pangalan nya ay Andrew at si kaps naman ay Jerald. Sila ang mga bestfriend ko. Nakilala ko si Andrew nung grade 8 pa lang ako, nung birthday ko. Samantalang si Jerald nakilala ko sya nung grade 10 ako. Grade 11 na ako ngayon. Sakanila ako lumalapit pag may problema ako. Wala kasi akong masyadong kaibigang babae. Ayoko ng kaibigang babae kahit babae ako. Half naman ako kaya okay lang yun. Hahaha! Nagkaallergy na ako sa mga kaibigang babae kasi pinlastic lang nila at binackstob lang. Kaya ayun lalaki na ang nga kasama ko, at iwas na din ako sa mga babae. Kaya nga ako naging tibo e.
After 10 minutes may narinig na akong busina ng motor, nakamotor pala ang dalawa. Pinark lang nila sa garahe namin ang mga motor nila at saka pumasok sa bahay.
"Pards! May pagkain ba kayo dyan? Gutom na ako e." - talaga to laging gutom kaya mataba e. Hahahaha
"Ito kakarating lang pagkain agad. Nako! Pero kaps ano meron bang makakain dyan? Gutom nadin ako e" -nagacting pa. Hinawakan din yung tiyan na parang gutom. Gets nyo?
"Itong kamao ko gusto nyong kainin?" - maangas na sabi ko at tinuro ko ang kamao ko sakanilang dalawa
"Hehe joke lang pards. Ito naman di mabiro." - sagot ni Andrew sabay ngiti
"Oo nga. Busog na busog nga kami e" - sagot naman ni Jerald. Utot nyo! Pero narinig kong tumunog yung tiyan nila pareho. Hahaha kawawa naman tong mga to. Baka mangayayat. Pero maya na gusto ko munang marinig yung good news na sinasabi nila.
"Sabihin nyo muna yung good news bago ko kayo pakainin. Dalian nyo bago ko kayo masapak" -sabay kindat sakanila na may halong pananakot. Hahaha ganyan talaga ako sakanila. Sanay na sila sakin.
"Ito na nga e sasabihin na nga e. Kalma ka lang ah" - sabi ni Jerald sakin.
"Ano nga???" - iritang sagot ko
"Bago kasi kami pumunta dito ni Jerald dumaan yung isa naming kaibigan sa bahay. Ininvite kami na sumali sakanila. Naghahanap kasi sila ng sasayaw para sa gaganapin nilang event. Tapos ayun. Naisip ka namin na isali din kasi alam naman naming gustong-gusto mo ang pagsasayaw e"-sabi ni Andrew
Speechless ako. Syete! Matagal na kasi akong tumigil sa sayaw pero ito na ngayon! Makakasayaw na ulet ako. May grupo kami nila pards at kaps dati. Kaso umalis ako kasi pinatigil ako nila mama. Kaya no choice ako kahit labag sa kalooban ko, umalis na lang ako kaysa mag-away pa kami.. Pero hindi e. Pag dancer ka talaga, walang makakapigil sayo sa pagsasayaw. Kaya paglalaban ko to.
"Sige ba! Game ako dyan! Kailan ba practice?" - masigla kong sagot sakanila. Di na ako nagdalawang isip. Oo na agad! Hahaha excited na ako shemaaay!
"Bukas na daw agad e. Papatraining daw sila. Mga umaga siguro daanan ka na lang namin dito" - sabi ni Jerald.
"Osige. At dahil natuwa ako sa sinabi nyo. Pwede na kayo kumain" - sabi ko sakanila. Dali-dali naman silang pumunta sa kusina at kumuha na ng kanya-kanya nilang plato at sumandok na. Pag tapos nila sumandok pumunta na sila sa sala at binuksan ang tv at kumain. Jusko! Para namang mga timawa tong mga to. Pano ko kaya natiisan tong mga to?
Tumabi na lang ako sakanila at nanood na lang din ng tv. Sobrang saya ko talaga ngayon. Makakasayaw na ulet ako! Yes! Kaso may problema, kung pano ko ito sasabihin kala mudrakels at dada (short for daddy) E pinatigil nga nila ako sumayaw. Sana pumayag sila.. Goodluck sayo Jamine!
- - - -
Hello po! So ano po kamusta ang part 2? Hahaha Sorry po kung panget. First time ko lang po kasi magsulat ng story.. Pero i hope na nagustuhan nyo po😊 salamat po.
YOU ARE READING
BI-rus
RandomAng story na ito ay tungkol sa isang Bi or bisexual na babae. In short tomboy. Bata pa lang si Jamine ay puro panggawing lalaki ang ginagawa nya. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay may nakilala syang isang lalaki na nagpabago sakanya. Posible...
