Ilang araw nang hindi nakakausap ni Tin si Slater…Ipinagtataka naman niya iyon dahil wala naman siyang maisip na ginawa niya para magtampo o hindi siya kausapin nito…Nakakailang emails at texts siya sa isang araw, swerte na lang kung mag reply si Slater…
“Ano na kaya ang nangyari sa mokong na yun? Bakit hindi lang man nagpaparamdam? Oh My! Baka napa trouble o may sakit!” Sabi ni Tin habang naghihintay parin ng response mula kay Slater..
Ilang minuto lang ay nakita niyang online si Wendy sa skype kung kaya’t tinawagan niya ito..Sumagot naman ang kaibigan..
Tin: Hi Wends!!!
Wendy: Chararat! Kumusta? Miss na miss na kita!
Tin: Ayos lang ako…Parang d naman tayo nag usap last week sa lagay na yan! Hahaha eto, medyo nagsasawa sa Singapore, halos napuntahan ko na ata lahat eh..Ikaw kumusta? Si Carlo?
Wendy: Sosyal ka talaga! Eto, okay lang rin…Kasama ko siya ngayon (sabi nit okay Tin habang nagvvideo call sila) Babe, dali, hinahanap ka ni Tin! (tawag niya kay Carlo)
Lumapit si Carlo at saka nakipag usap kay Tin
Carlo: Hey Tin! How are you doin?
Tin: Hi Carlo! I’m good…Just chillin at home…
Sa gitna ng usapan ng tatlo ay hindi mapigilan ni Tin ang magtanong tungkol kay Slater..
Tin: Uh, Carlo, alam mo ba kung anong nangyari sa kaibigan mo? Ilang araw na kasing hindi nagpaparamdam eh…Hindi naman niya sinasagot yung mga tawag at texts ko..
Biglang natahimik at nagkatinginan sina Wendy at Carlo…Hindi nila alam kung anong isasagot kay Tin…Napansin naman ni Tin na binigyan ni Wendy ng isang matulis na tingin si Carlo, tila may pinapahiwatig ito..
Tin: Uh, anong nangyayari? Bakit, may nangyari ba kay Slater?
Wendy: Hay naku baks! Kung alam mo lang ---
Carlo: Babe! (Hindi na naituloy ni Wendy at sasabihin dahil pinigilan ito ni Carlo)
Wendy: Ano? Hello! Bestfriend ko si Tin so tama lang naman na sabihin ko sa kanya diba?
Tin: Sabihin na ano Wends?
Tinignan ni Wendy si Carlo at napabuntong hininga na lamang ito saka nagsalita si Wendy.
Wendy: Chararat kasi yang Deniesse na yan!
Tin: Deniesse? Bakit anong nangyari?
Wendy: Ayun, naglaslas, sinugod sa ospital.
Tin: Ano????? (gulat na gulat si Tin sa narinig) Paano yung bata?
Wendy: Oo noh! Buti na lang nakita agad ng maid kundi tsugi pati yung bagets sa tiyan niya!
Tin: Buti na lang talaga..Eh teka, si Slater ang tinatanong ko, bakit puro Deniesse ang kwento mo?
Wendy: Eh, eto na nga…Nung malaman ni Slater na nangyari yun, ayun, gorabels agad sa ospital!
Carlo: (muling sumingit) Babe, I think we need to stop here..
Tin: (Narinig ni Tin) No, Carlo (pigil nito sa binata), tapos ano pang nangyari Wends?
Wendy: Ayun, laging nasa ospital si Slater…nakabantay dun sa manlolokong babaeng yun…Ayaw paalisin eh…Eto namang si Slater, mukhang tanga lang na nagbabantay sa ospital…Parang d nasaktan…Jirits na jirits nga ako sa tuwing magkkwento tungkol kay Deniesse at sa ---
Muling naputol ang sinasabi ni Deniesse…sa pagkakataong ito ay si Tin na ang nagsalita.
Tin: Wends, I think I’ve heard enough…(gusto niyang maiyak pero pinipigil niya ang sarili niya)
YOU ARE READING
Love at Second Glance
FanfictionLoving for the first time may be the sweetest, but being hurt the first time around could also be painful. Love can make you blind. Love can make you do things you can't control. Love can control you. It could also destroy you. What happens when so...
