1

3.2K 52 0
                                    


Alessia

"Uy best! Bakit ka na naman nakatulala dyan?"

"Nanunuod kaya ako ng t.v!" Nakita ko naman na parang hindi siya sang-ayon sa sagot ko sa kanya kaya hindi ko na lang siya pinansin

"Patay naman yung t.v bes eh!" Napaayos ako ng tingin sa t.v at patay nga!

"Ka...Kakapatay ko lang!" Nakita kong napairap siya sakin

Tumabi naman siya sakin sa kama kaya napatingin ako sa kanya

"Iniisip mo na naman siya?" Umiwas naman ako ng tingin. "Best, move-on na! May bago na nga yung tao eh"

"Hindi ganon kadali. Hindi ganon kadali na iniwan ka ng tatay mo para sa ibang babae"

"Alam mo, kung nakikita ka ni tita ngayon sa langit ay papagalitan ka non"

Naaalala ko pa nung namatay si mommy.

"Anak, nasaan ang daddy mo? Bakit hindi mo siya kasama?"

Binaba ko ang dala kong mga prutas sa may lamesa niya at minasahe ang ulo niya

"Anak"

Hindi ko na nakayanan ay umiyak na ako sa harap niya kaya napabangon siya ng kaunti at niyakap ako

"Anak? Anong problema?"

Patuloy lang ako sa pag-iyak ng hawakan niya na ako sa dalawang balikat kaya napatingin ako ng diretsyo sa kanya

"Si Daddy, nakita ko siyang may ibang babae. Kasama niya kanina" Nakita kong kumunot ang noo ni mommy pero wala akong makitang reaksyon

"Ahhhh anak, tumawag ka ng nurse. Masakit kasi ang paa ko eh" Sa sobrang taranta ko ay dali-dali akong lumabas para tumawag ng doctor.

Nakita ko namang dali-dali sumunod ang mga nurse na nakita ko sa nursing station.

Pagdating namin sa kwarto ni mommy ay nakita kong nakahiga na siya ng walang malay habang hawak hawak ang mga aparatus na tinanggal niya mula sa katawan niya.

"Mommy!"

"Mommy, Wag mo akong iwan!"

"Huy!" Inis naman akong napatingin sa kanya

"Bakit ba?"

"Alam mo best, ngayon ko lang narealize na maganda ka pala"

Hindi ko alam pero napatingin ako ng matagal sa kanya

Hindi ko maintindihan yung mga bagay na gumuhulo sa tiyan.

Kinikilig ba ako?

My Bff, My Girl (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon