Chapter One || Meeting Him

175 10 0
                                    

[Samantha in the picture above]


(Chapter 1)

Habang naglalakad sa sariling mall ay panay ang tingin sa kanya ng mga tao. As usual, nandito na naman sa Green Castle ang nag-iisang anak nina Monica at Joaquin Green na si Zoey Samantha Green.

Hinubad niya ang suot na shades na libo-libo rin ang halaga at binigyan lang ng sulyap ang mga tao at nagpatuloy sa paglalakad.

"Wow, ang ganda naman niya."

"Oo nga, ang kinis tapos ang sexy pa."

"Pero playgirl daw yan tsaka pasaway."

"Narinig ko nga. Pagod na sigurong magbilang ng pera kaya lalaki naman ang binibilang."

"Sa tingin mo, birhen pa ba yan?"

"Siguradong hindi na. Ganyan naman usually di ba kapag mayaman."

At maraming kumento pa ang narinig niya.

Hmmp, sabihin niyo naiingit lang kayo. Nasa isip ni Zoey at walang paking naglakad nalang ulit ng biglang tumunog ang cellphone niya.

"Hello?"

"Hi Babe," Sino 'to?

"Hi, why did you call?" Kahit hindi alam kung sino ang tumawag ay sumagot pa rin siya. Apat kase ang boyfriend's niya ngayon. Wala, pampalipas-oras lang at kailangan niya din para mapauwi ang mga magulang.

"Wala lang, 'san ka ba ngayon?" Paglalambing nito.

"Nandito sa mall, nagboboy-hunting."

"Boy-hunting? Babe, are you breaking up with me?" tanong nito.

"Well, dahil namention mo na din naman. Yes, bukas pa sana kita hihiwalayan pero sinabi mo e." Diretsahan niyang sagot.

"W-what? Pero Babe, isang lingo palang tayong mag-on."

"So? Ayoko na sayo, you're so boring."

"W-what? F*** you! B***H!!! Pinaglalaruan mo ba ako? So feeling mo manghihinayang ako? You f***! E hindi ka nga nagpapahalik." Bulyaw nito sa kanya.

Napangiti siya, usual reaction.

"Oh! Sorry! Did I hurt your ego? I'm sorry Babe, sa susunod kase kapag gusto mong makahalik sa ibang babae siguraduhin mong mabango ang bibig mo, minsan kase nasusuka ako kapag kausap ka, mas masahol pa sa mabahong imburnal kaya tinitiis ko nalang. Okay bye, enjoy your life, *muah*" tapos inend ang call at tinapon ang cellphone sabay tapak dito hanggang mabasag.

Sino nga ba yung tumawag? Nalilito na siya, hindi niya inaalala ang mga pangalan ng mga 'boyfriend's' niya. In the end, hindi naman niya sineseryoso dahil alam niyang pera lang ang habol nito kundi katawan niya or fame.

Dumiretso siya sa shop ng mga cellphone at agad naman siyang binigyan ng pinakalatest na cellphone ng saleslady at agad na siyang umalis. Hindi na niya kailangan magbayad. Sa kanila ang mall na iyon at walang makakapalag sa kanya.

Nakakita siya ng tattoo shop at biglang may naisip. Napangiti siya at agad na pumasok doon.

. . .

Napangiti si Zoey habang nakatingin sa katawan sa salamin. Siguradong uuwi ang parents niya kapag nakita ang gagawin niya sa balita.

Lumabas siyang nakatwo piece at may napakalaking ngiti sa mukha.

Lahat napapatingin sa kanya, lalo na sa katawan niya. Well, hindi niya masisi ang mga itong tumingin sa katawan niya, she knows she have a perfect slim body. 34-24-34 ang body statistics niya and has a desirable model figure.

Loving HimOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz