“Feeble. Patay na ang Mahal na Hari. Patay na ang pinsan mo. Pinatay siya ni Ryeth sa harap mo. Gumising ka.”

Nagulat si Feeble sa narinig niya. Lumingon siya sa hapagkainan at nakatingin sa kanya ang kuya niya.

“May problema ba?” tanong nito sa kanya.

“Wala po.” sabi ni Feeble at bumalik na siya sa upuan niya.

“FEEBLE!” sigaw ni Stout.

TOK!

TOK!

TOK!

“Tama na, Stout. Hindi ako makikinig sa 'yo. Buhay si Kuya at hindi ko kilala si Ryeth.” sabi ni Feeble.

“Feeble. Nagmamakaawa ako sa iyo. Gumising ka na. Hindi ba sinabi mo sa akin noon na sabay nating babawiin ang sa atin? Ipinangako ko sa 'yo na ipaghihiganti natin ang pagkamatay nila…” lumingon si Feeble sa kanya ulit at nakita niya si Stout na puno ng dugo.

Agad naman lumapit si Feeble sa bintana. “Stout, anong nangyayari sa iyo? Ako ba ang may kagagawan nito?” tanong ni Feeble habang nakahawak sa bintana.

“… sinabi ko rin sa iyo na hindi kita pababayaan na bumalik sa nakaraan mo. Ayokong makita kang nagdurusa. Feeble, bumalik ka na. Ka-kailangan kita.” sabi ni Stout.

Nanlaki ang mga mata ni Feeble. Unti-unti niyang binuksan ang bintana at niyakap si Stout.

“Feeble.” tawag sa kanya ni King Rype.

Agad lumingon si Feeble at ngumiti. “Kuya, maraming salamat sa pagkain pero may misyon akong kailangan tapusin.” sabi niya at lumabas na siya ng bintana.

Nakangiti lang naman sa kanya si King Rype at ang asawa niya.

* * *

Dumating si Drown at nakita niya si Feeble na nasa anyong bestia at napaatras siya sa nakita niya. Agad siyang pumunta at binalot niya ng tubig sina Feeble at Stout. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Drown.

“Drown, anong ginagawa mo?” tanong ni Frail habang hawak pa rin si Faery.

“Hindi ko rin alam pero kusang gumalaw ang katawan ko.”

“Feeble, bumalik ka na. Ka-kailangan kita.” sabi ni Stout.

Tumigil sa pagwawala si Feeble at bumalik sa dati. Pumutok ang tubig at nakita nilang yakap ni Feeble si Stout.

“Kailangan din kita Stout.” sabi ni Feeble sa kanyang panaginip.

Agad binalutan ni Stout si Feeble ng tela dahil nawala ang suot ni Feeble na damit. Agad din nawala ang malay ni Feeble. Nanatili sa kanang binti niya ang isang malaking peklat na parang kinalmot ng bestia. Bagay na pinagtataka ni Stout.

Pumunta ang lahat kay Feeble. Binitawan ni Frail si Faery kaya walang nakapansin na umalis na si Faery.

“Anong nangyayari?” tanong ni Seph.

Tumingala si Drown at nakita ang bilog na buwan. Posible kayang Cold Wave ang dahilan kung bakit naging bestia si Feeble? Yang ang tanong sa isip ni Drown.

* * *

Nakaupo ang lahat sa harapan ng toldang kanilang ginawa. Si Stout ay nanatiling nakatayo sa pintuan ng tolda. Lahat ay tahimik hanggang sa magsalita si Drown.

“Hindi lang si Ryeth ang kailangan nating problemahin ngayon.”

Napalingon naman silang lahat sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Nakausap ko si Risk at sinabi niya sa akin na may kumakalat na sakit na Cold Wave at galing ito sa puso ng Frozen Time o mas kilala natin sa tawag na Ryeth.”

* * *

“Nagawa mo pang magpakita sa akin pagkatapos mong suwayin ang utos ko?” tanong ni Ryeth sa kanya.

“Pasensya na Ryeth. Gusto ko lang tumulong.” sabi niya.

“Hindi ka nakakatulong. Binabalak mo bang patayin siya kanina?” tanong ni Ryeth.

“Hindi ba dapat ko siyang patayin dahil naapektuhan na siya ng Cold Wave?”

“Cold Wave? Anong pinagsasasabi mo d'yan?”

“Huh?”

“Hindi Cold Wave ang dahilan na iyon.”

“Kung ganon, ano iyon?” tanong niya.

“At bakit ko sasabihin iyon sa katulad mo? Ang umalis dito o ang patayin ko? Mamili ka.” sabi ni Ryeth sa kanya.

“Bakit tila kumakampi ka sa kanila? Hindi ba dapat matuwa ka na malapit sila sa bingit ng kamatayan?” tanong niya kay Ryeth.

“Umalis ka na rito.” sabi ni Ryeth sa kanya.

“Sa susunod na pagkikita natin ay isang malaking supresa ang ihahandog ko sa iyo.” sabi niya at umalis na siya.

Naiwan naman mag-isa si Ryeth sa kwarto niya. Naiwan siyang nag-iisip.

Fairies: The Last Mission (Book3)Where stories live. Discover now