October
Ilang araw na lang at tapos na ang Unang semestre sa taong ito. At halos lahat ng estudyante ay nagkukumahog na sa mga gawain sa bawat unit.
Ngarag.
Ito ang nakikita ko sa bawat estudyanteng nakakasalubong ko sa university.
Hawak ko ang aking obra upang ipasa sa aming professor sa Art Appreciation, ito ang magsisilbing Final ko sa subject na iyon.
"Elyon!" Napalingon ako sa babaeng tumatakbo at may hawak na puting cartolina. Huminto siya sa harapan ko at hingal na hingal.
"Bakit ka kasi tumatakbo?" Tanong ko kay Vanessa na sapo ang kanyang dibdib at halos hindi na makapagsalita. Itinaas nito ang kanyang dalang cartolina "Akala ko nakapagpasa ka na?"
Umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko "Bilisan natin baka hindi natin maabutan si Sir Peter."
Dahil hatak ang aking kamay kung kaya wala akong nagawa kundi ang magpati-anod na lamang at makitakbo na rin habang panaka nakang tumitingin sa pambrasong orasan si Vanessa. "Bakit ba parang ang layo ng Building natin?" Reklamo nito, hindi ko siya pinansin at hindi din ako nagsalita dahil baka maubos ang energy ko kapag ginawa ko yun.
Sa pagliko ay hindi namin napansin ang isang taong pasalubong pala kung kaya't nabangga namin siya at sabay kaming na napaupo sa sahig.
Sapo ang pwet ay nagkatininginan kaming tatlo. "Ikaw pala Khorie pasensya na." Paghingi ng paumanhin ni Vanessa.
Halos sabay sabay kaming tumayo at nagpagpag ng dumi sa aming damit. Kinuha ni Khorie sa lapag ang aming mga obra.
"Ngayon palang kayo magpapasa?" Tanong niya sa amin.
Sabay naman kaming nagtanguan "Eh, ikaw napasa mo na?"
"Naman ako pa ba? Hahaha." Nagkatinginan kami ni Vanessa at nakitawa na rin.
Nakaramdam ako ng vibration sa bulsa ng aking pantalon at agad kong kinuha ang aking phone. Si Rune ang nagregister sa screen kung kaya't agad ko naman iyong sinagot "Ahnyonghaseyo Rune." Bati ko sa kabilang linya.
"Omg, Ely!!!" Nailayo ko ang phone sa aking tenga. Masyado atang hyper ngayon si Rune at gusto pa atang pasabugin ang eardrum ko.
"Rune yung eardrum ko maawa ka." Kita ko naman na nagtawanan ang dalawa kong kaklase dahil sa sinabi ko.
"Ay sorry Ely, excited lang ako masyado." Dinig ko na kinikilig kilig pa ito sa kabilang linya kung kaya napapailing na lang ako.
"Ilang kilong asukal ba kinain mo at sobra ang hyper mo ngayon?!" Sinenyasan ako nila Khorie na magpatuloy na kami sa aming paglalakad. Sinilip ko ang oras at ilang minuto na lang ay malilate na ako sa meeting ng darktavern, ganundin baka hindi kami makaabot sa tamang oras para sa final.
"Haha, itatanong ko lang kung nasan ka na? Kasi nandito na kami at ikaw na lang ang kulang." Lakad takbo na ang ginawa namin para lang makarating sa office ng mga professor.
"Wait lang Rune, tawagan kita kapag on the way na ako.... bye." Agad kong binaba ang aking phone kahit na parang may sinasabi pa ito sa kabilang linya.
Pagkarating ng office ay kaming dalawa na lang ni Vanessa ang pumasok at agad na nagtungo sa table ng mataba at tsinitong muka ni Sir Peter. Binaba namin ang aming bitbit sa kanyang harapan kasama ng ibang pang cartolina "Umabot kami Sir ah!" Hingal na hingal kami sa kanyang harapan.
Sinilip naman nito ang kanyang pambrasong orasan. " Late kayo ng three minutes." laglag ang balikat naming dalawa. "Hindi ko na tatanggapin yan."
"Sir baka pwedeng pagbigyan mo na kami." Pagmamakaawa ni Vanessa pero hindi talaga ito pumayag.
CZYTASZ
The Lost City #Wattys2018 Longlist
PrzygodoweAnong gagawin mo kung sakaling maligaw ka sa lugar na hindi nakikita sa mapa? Halina't samahan ang adventure ng grupo ng darktavern sa lugar na pinaniniwalaang.............. Sekreto muna... Basahin niyo na lang para masaya.
