Start

7 1 0
                                        

Vampire's Obsession

Naglalakad si Michelle sa madilim na daan pauwi sa kanyang tahanan. Wala siyang nasakyang jeep dahil alas dose na ng gabi at mga private vehicles nalang ang dumadaan kaya wala siayng choice kundi maglakad.

Tahimik itong naglakad nang may maramdaman siyang presensya sa kanyang likuran. Tumigil ito at lumingon ngunit wala itong nakitang kakaiba.

"Baka nagkakamali lang ako?" Tanong nito sakanyang sarili at pinagpatuloy ang kanyang paglalakad. Pero di nagtagal ay may naramdaman ulit siayng presensya. Tumigil ito at naglakad ulit. Nagkibit balikat lang siya nang wala siyang nakitang tao sa likod.

Nang tumuloy sa paglalakad ay wala na siyang naramdaman pa kaya pinaniwala nalang niya ang sarili na maaaring guni-guni niya lamang ito.

'Marahil sa sobrang pagod ay kung ano ano na ang naiisipi ko.' sa loob-loob ni Michelle.

Nang makarating sa kanyang bahay ay nagtaka siya dahil bukas ang gate ng bahay niya. Aminado ito na madalas na hindi nalalock ang gate pero ang alam nito at sinara niya ito bago siya pumasok sa opisina. Inalis niya na lamang sa kanyang isipan dahil baka nakaligtaan nitong ilock ang gate kanina.

Habang papasok ay hindi niya maiwasang isipin kung nalock nga ba niya ang gate o hindi. Papasok na sana siya sa loob ng bahay nang may humila sakanya sa gilid lamang ng pinto. Base sa laki ng kamay nito ay lalaki ang humila sa kanya. At pamilyar ang kuryenteng dumadaloy dito papunta sa kanyang kamay. Kilalang kilala niya ang may hawak ng kamay niya ngayon. Si Trevor ito. Ang kanyang ex-boyfriend na matagal ng gustong makipagbalikan sa kanya. Matagal na niya itong tinatanggihan pero talagang makapal ang mukha nito at paulit-ulit parin siyang sinusuyo.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Michelle sa lalaki.

"Please naman Michelle. Balikan mo na ako. I can't live without you. Please, baby? Please?" He pleaded. Sa mga araw na nagkikita sila ay yan ang sinasabi nito. At kaunti nalang ay mamememorya na niya ang mga linyang iyon.

"Paulit-ulit nalang tayo Trevor eh. MAgmamakaawa ka at tatanggihan kita. Sa paulit-ulit mong ppagmamakaawa ay paulit- ulit ko ding pagtanggi. Hindi ka ba nagsasawa?" Tanong niya.

"Hindi ako magsasawa hanggat hindi mo ako napapatawad." She sighed.

"Matagal na kitang napatawad Trevor. Pero hinding hindi na ako babalik pa sa'yo. Umalis ka na kung maaari lang." At agad siyang pumasok sa kanyang bahay.

Nang makapasok ay binuksan na niya ang ilaw at dumiretso sa sofa.

Iidlip na sana ito nang may marinig siyang kaluskos galing sa kanyang kusina.

Tumayo siya at dahang dahang naglakad habang hawak hawak ang walis tampo sa dalawang kamay niya. Nagulat siya nang bumukas ang ilaw dahilan upang makita nitoa ang isang napakagwapong nilalang sa kanyang harapan na nagkakamot ng batok.

Ang cute niya.

What? Hindi! Hindi siya cute kasi baka isa siyang magnanakaw na nakapasok sa bahay ko!

Pero cute siya.

Fine! Cute siya pero magnanakaw siya!

"Sino ka?" Iyan agad ang bungad niya sa lalaking nasa harapan niya. Hindi ito umimik at niyakap nalang siya bigla na siyang ikinagulat nito.

Nang maghiwalay ay nabigla siya ng halikan siya nito sa pisngi.

"You'll be my Queen, soon" At sa isang iglap ay wala na ito sa kanyang harapan.c

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vampire's ObsessionWhere stories live. Discover now