Hindi niya na napigilan ang sarili na lapitan ang mga iyon. Robots, toy cars, basketball...ang dami! Ang dami niyang laruan!

"Masaya ka ba, Dylan?" tanong ni Mommy Venus.

"Sana tama ang mga binili naming laruan para sa'yo. Nahirapan kaming pumili kaya binili na lang namin lahat," natatawa pang sabi ni Daddy Angelo.

Lumapit si Dylan sa mga ito at niyakap ang mga ito. "Maraming salamat po! Maraming salamat po na inampon niyo 'ko. Pramis ko po sa inyo na magiging mabuting anak po ako! Hindi po ako magiging makulit. Mag-aaral po ako ng mabuti," pangako niya sa dalawa. Hindi nito alam kung gaano siya kasaya na sa wakas, may umampon din sa kanya. May mag-asawang gusto pala siyang maging anak!

Daddy Angelo patted his head. "Alam namin na magiging mabuti kang anak, Dylan."

"At magiging mabuting parents din kami sa'yo." Niyakap siya ng mahigpit ni Mommy Venus at hinalikan sa pisngi. "We're happy to have you, Dylan."

"Mula ngayon, hindi na 'Dylan' lang ang pangalan mo, ha? Ikaw na si 'Dylan Javier Anderson Guevarra'."

Tumango siya. Pati ang pangalan niya ay pangmayaman na rin. Magpapakabait talaga siya sa mga ito. Hinding-hindi niya dudungisan ang bagong pangalan na binigay ng mga ito sa kanya.

Kahit pala iniwan siya ng totoo niyang mga magulang sa ampunan noong baby pa lang siya ay hindi pala magiging tuluy-tuloy na malungkot ang buhay niya. Dahil ngayon, may Mommy Venus at Daddy Angelo na siya.

Lumipas ang mga araw at natuto si Dylan kung paano manamit ng maayos. Asikasong-asikaso siya ng Mommy Venus niya tuwing nasa trabaho si Daddy Angelo. Kapag naman umuwi ang bagong ama ay nakikipaglaro ito sa kanya.

Dumating ang araw na pinakilala si Dylan sa malaking pamilya ng Mommy Venus niya. Magiging kamag-anak na daw niya ang mga nakikita niyang mga tao sa sala nila ngayon.

"Nako, ang guwapong bata naman nito!" sabi ni Tita Ria. Asawa daw ito ng kapatid ng Mommy niya. Marahang kinurot pa nito ang kanang pisngi niya.

Ngumiti siya. "Maraming salamat po, T-Tita."

She smiled back. "At napakagalang pa." Bumaling ito sa Mommy niya na hawak-hawak ang kamay niya. "Hindi na'ko magtataka kung bakit siya ang kinuha niyo."

"Dylan is really a good boy. Kaya love na love ko 'tong anak ko na 'to," masayang sabi ng mommy niya habang nakatingin sa kanya.

"Ang mabuti pa, pakilala mo na rin siya sa mga magiging pinsan niya."

"Oo nga pala! Dylan, pumunta ka muna sa garden, anak. Nandoon ang mga magiging pinsan mo. Mga kaedaran mo sila at lahat lalaki kaya naman sigurado akong magkakasundo kayo," utos sa kanya ng ina.

"Pagkatapos mo silang makilala mamaya," singit ni Tita Ria. "Ipapakilala ko rin ang bunso mong pinsan. Ang anak ko. Baby pa kasi siya at natutulog pa kaya pagkagising na lang niya mamaya."

Tumango siya. "Sige po," magalang na sabi niya at saka lumabas na ng garden nila. Pagdating niya doon ay may mga batang lalaki na naglalaro ng habulan ang nakita niya. May iba namang naglalaro ng basketball sa mini-court na tinayo ng daddy Angelo niya para sa kanya.

"Ang daya-daya mo naman, Reynald! Di mo naman na-shoot, eh!"

"Na-shoot ko! Di mo lang nakita, Charlie!"

"Oy! Taya na si Ram! Taya na si Ram!"

"Hindi ako, Gideon! Si River kaya una mong nahawakan sa likod."

Making Love - Published by PHRWhere stories live. Discover now