chapter 2

76 3 0
                                    

CHAPTER 2

May 12, 2013- MAKATI CITY

Naghahain na ng almusal si manang Lita.  Ito ang kusinera ng pamilya Benitez.  May nakaserve itong steamed lapu-lapu, may vegetable salad, sliced pineapple at may mainit agaricus coffee at chocolate drink.

        Mapapansing puro healthy food ang nakahain dahil ang amo nitong si Mrs. Pauline Benitez ay napaka health conscious.  Maingat iyon sa kanilang diet. Hindi man ito vegetarian dahil kumakain din naman ito ng meat at fish. Pinababalatan naman nito ang chicken at halos lean meat lang ang allowed kainin sa bahay na iyon.

       Nagmula si Pauline sa family of doctors. Ang mama niya ay isang Obsterician –gynecologist,  Ang papa niya ay isang internist, at ang ate niyang si Deborah ay isang dermatologist. Si Pauline ay isang civil engineer.  Siya lang ang naiiba ng profession sa kaniyang pamilya dahil naman iyon sa influence sa kanya ng kanyang asawang si Vince.  Family of engineers ang pamilya ng asawa niya at big time contractor ang mga ito. Childhood sweethearts sila ni Vince kaya naconvince  siya nito na kumuha ng  kursong engineering bagaman ang talagang pangarap niya sana noon ay maging isang pediatrician.  Di naman pinagsisihan ni Pauline ang naging desisyon niyang kumuha ng engineering dahil naging very successful naman sila ngayon ng kaniyang asawa sa kanilang napiling profession.  Nagmamay-ari sila ngayon ng isang malaking construction firm. 

        32 years old  si Pauline ngunit dahil sa healthy lifestyle nya, she looks younger  than her age.  Maraming nagkakamaling 25 lang siya.  5”6 ang taas niya.  Napakaputi niya at flawless ang skin niya from head to toe. Maganda rin ang hubog ng kanyang katawan bagaman may isa na siyang anak.  Biniyayaan din sya ng napakagandang mukha.  Wala siyang hilig sa music.  Ang hilig niya ay sports at books.  Magaling siya sa bowling. Maging sa volleyball.  Hindi rin siya marunong magluto because she hates cooking.  Disente siyang manamit at kumilos.  Siya ang in-charge sa office at si Vince naman ang nagmomonitor sa field.  Kapwa sila busy sapagkat malaking kumpanya ang  Benitez Construction Firm.

       Ang asawa nyang si Vince ay napakahardworking.  Nag-iisang anak ito kaya sa balikat nito nakasalalay ang tagumpay ng Benitez Construction Firm na minana pa nito mula sa mga magulang nito.  Madalas itong mag-out of town para sa monitoring ng kanilang mga projects.  Magkasing-edad silang mag-asawa. Magkabatch sila mula elementary.  Guwapo si Vince. Maganda ang hubog ng katawan nito dahil di nito kinakaligtaang mag-exercise.   5’11 ang taas nito. Matangos ang ilong, mapang-akit ang mga mata at mapula ang mga labi dahil hindi ito naninigarilyo. Ito ang tinaguriang CRUSH NG BAYAN noong ito’y nag-aaral pa. Kung sabagay, hanggang ngayon naman ay napakarami pa ring kinikilig dito.  Madalas pa ring may nagpapa-charming dito kahit na alam na alam namang napakaganda din ng asawa nito.  Marami pa rin talagang babaeng may pagka-inday… Inday-Garutay! 

      Alam din naman naman ng lahat na very loyal naman ito sa kaniya.  Ang tanging karibal niya lang sa asawa ay ang trabaho nito.  Halos maubos kasi ang time nito sa dami ng mga projects nila.  Iyon marahil ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin nasusundan ang anak nilang si Shayne.

        7 years old na si Shayne. Grade 2 na ito pagpasok. Maganda at matalinong bata.  Mahilig ito sa music kaya ini-enroll nila ito sa isang Summer Piano Class. Madali itong matuto bagay na ikinatuwa naman niya  Matagal ng frustration ng kanyang mama ang matuto siyang magpiano nung bata pa siya ngunit sadyang wala siyang hilig na tumugtog.  Sa anak man lang niyang si Shayne matupad ang pangarap ng mama niya para sa kanya.

        God fearing ang pamilya Benitez.  Si Shayne nga in her very young age ay may malaking tiwala sa Diyos.  She prays a lot.

        Dahil very busy ang mag-anak ay sinasamantala ni Pauline ang ganitong mga pagkakataon na kumpleto sila sa almusal.  Madalas kasing maagang umaalis si Vince lalo na kung malayo ang mga projects na pupuntahan nito.  Kadalasan ay hatinggabi na rin ito na nakakabalik.

JUST CALL ME RAIZA PAULINE BOOK 1 (chapter 1)Where stories live. Discover now