PAGSUBOK - POEM
Isinulat ni: kariyazjhomer
I.
Sa bawat segundo, minuto, araw, buwan at taong nagdaan
may mga pagsubok na lumalatag saaking harapan
pagsubok na lalong nagpapagulo sa aking isipan
pagsubok na di ko alam kung paano ko malulutasan
II.
Ito na marahil ang pinaka mahirap takasan
dahil ang pagsubok ay lagi kang pinapahirapan
at tilay ito'y wala ng hangganan
pagsubok na ayaw kang lubayan at tila ikaw na ang nag sisilbing tahanan
III.
Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagsubok?
nararanasan ito ng dalawang taong pareho ang itinitibok
pagsubok na bigla bigla na lamang pumapasok
hanggang sa di mawari'y kawalan ng pag'asa'y pumuputok
IV.
Lahat ng tao pagsubok ay nararanasan
ito ang nagdadala sakanila upang maging makasalanan
dahil sa sobrang hirap at kawalan
papasukin lahat kahit magbenta ng katawan o maging kawatan
V.
Minsan ba naitanong mo na sa iyong sarili?
kung ba't ang pagsubok saatin ay humahalili?
yong tipong sa sobrang hirap gusto mo ng tumili
ngunit hindi mo magaw dahil alam mong mali, maling-mali
VI.
Kahit na sa iyong sitwasyon ika'y naiipit
mga tao sa paligid mo halos sayo'y di makalapit
dahil higit pa sa makasalanan tingin nila sayo ay malupit
dahilan upang sila sayoy mag ngitngit sa galit
VII.
Bakit ganoon? bakit ganoon kalalim
simpleng salita talaga pala'y matalim
ika'y naliligaw ng landas at tinatahak ang makipot at lugar na madilim
pagsubok na wawalong letra pero malalim pala ang kahulugan at tila'y may itinatagong lihim
VIII.
Pagsubok na nakakapagod at nakakawala ng pag-asa
pagsubok na dahilan ng iyong pagkabalisa
tanong na naglalaro sa isip mo kung bakit ito'y iyong tinatamasa?
pagsubok na walang makakahigit dahil ito'y hasang-hasa
IX.
Hasang-hasa sa pagsira ng buhay, pamilya't relasyon
pagsubok na di maintindihan ang pinagmulan at kung ano ang pundasyon
pagsubok na nagdadala saatin sa masalimuot na sitwasyon
pagsubok na muling dadanasin at titiisin ng mga susunod pang henerasyon
X.
Balang araw, mga tao'y maghapon na lamang tutulala
titingala dahil sa pagsubok sila'y dalang-dala
paulit-ulit, darating ang panahon ito'y mas lalong lalala
at parang ulan na lamang nilang hihintaying tumila
XI.
Pagsubok na sa sobrang dami, halos mamilipit kana sa kirot
pagsubok na nakakapagod, nakakabagot, nakakyamot
pagsubok na naghahatid sayo ng kilabot
pagsubok na hindi ka iiwan, hanggang ang buhay mo ay unti-unti ng malagot..
MORE POEM?? SPOKEN POETRY,, STORIES AND MORE?? FOLLOW ME ON MY WATTPAD ACCOUNT kariyaz jhomer,, OR ADD AND PM ME ON MY FACEBOOK ACCOUNT JHOMER KARIYAZ
LEAVE COMMENT, VOTES AND LIKES GUYS,, ESPECIALLY TO ALL MY LOYAL READERS.. AND READ MY STORY CAN'T YOU SEE,, THANK YOU SO MUCH
