Dito sa mundong ibabaw hindi natin alam kung sino ang magmamahal satin ng tunay at ating mamahaling tunay. Sadyang dumadating lang yun at hindi na natin mapipili pa dependi lang sayo kung choosy ka pa o sadyang manhid ka lang. Sa kauna-unahang pagkakataon di mo sukat akalain na may pwede palang magmahal na same sex na higit pa sa sarili mo. Mahirap pero masarap sa feeling, mahirap lang dahil same sex kayo, masarap kasi sobrang mahal na mahal ka.
Nagsimula ang love story na ito since nung bata pa kami, Apat kami na mag best friends, magkababata na puro lalaki si migz, mike, Jason and me. Since were childhood friends magkaklase,magkapitbahay pa kami sa first section simula elementary, hindi na kami nag nursery direct na kami nag elementary. Kaya sabay kami lage papuntang skul until we finished elementary then high school. Nagkahiwala na kami nung college dahil sa magkaiba kami ng kurso sa koleheyo si Migz nurse, si Jason police at kami ni mike nag seaman. Sa aming apat ako lang ang hindi kagwapohan at hindi katangkaran silang tatlo matangkad, matipuno at may kagwapohan na pwedeng mag artista.
Nag uusap usap lang kami sa phone paminsan paminsan lang dahil sa sadyang mga busy at sadyang malalayo ang aming mga lugar. Sa aming apat kami ni mike ang magkasama sa isang lugar, apartment, at higit sa lahat sa skwelahan dahil sa iisa lang an gaming pinapasukang paaralan. Magkasama kami lage papuntang skul at sa classroom, magkasama kami lage sa kadahilanang block section kami at sabay kami nakapasa sa entrance exam. Magkasama kami lage kahit sa gimik at kung san man ako magpunta. Nahiwalay lang kami ng mag part time ako sa isang fast food, kaya minsan nalang kami maka bonding. Kasi work ako sa gabi graveyard, then pasok sa skul sa araw minsan tulog pa ako sa room. Mga ilang years na kami magkasama sa skul hanggang kami mag third year. Nung minsan sumahod ako at na promote na ko mula regular to junior manager, naisipan ko syang e treat kasama ko mga tropa ko din sa trabaho. Inuman, kantahan, sayawan, lasingan na ang lahat. Kaya naisipan na naming umuwi nun, kanya-kanyang uwian na. Magkasama na kaming umuwi ni mike nang nasa apartment na kami biglang umiyak si mike. Pero kahit na umiiyak sya hindi pa rin mabawasan ang kanyang ka gwapohan at kakisigan. At bigla nalang nyang sinabi sa akin na “ mahal na mahal kita”.
Binaliwala ko lang sa ko lang yun dahil nga lasing kami pareho at nagmamahalan kami dahil sa mag best friend kami at magkakabata pa at higit sa lahat marami syang babae dahil nga na siya ay makisig at gwapo. Ako naman nag ka girl friend din nmn hindi nmn sa dahil gwapo ako, inaamin ko naman na hindi ako kagwapohan katulad pero malakas lang din ang appeal ko at sadyang ako ay malambing masyado, Pareho kami may girl friend. Parehas kami straight pero nagulat ako ng sinabi nyang ” mahal na mahal kita ewan ko kung bakit mahal na mahal kita sa araw-araw pag di kita kasama lage kitang na mimiss. Sabi ko naman lasing lang tayo tol, bukas mawawala din yan. Sagot namn niya sa akin “manhid ka ba high school palang tayo mahal na kita di ko lang masabi sayo dahil baka iwasan at kutyain nyo ako. Kaya nga din nag seaman ako dahil sayo, tol mahal na mahal kita gusto kita makasama lage at sana matanggap mo ko.niyakap nya ako ng mahigpit hindi ko alam kung anu gagawin ko. Mga ilang araw at lingo iniiwasan ko siya kahit sa skul, di ko lubos maisip na mamahalin ako ng taong para ko nang kapatid. At sabi ko sa sarili ko hindi kami talo, lage siyang lumalapit sakin ako namay panay iwas dahil di ko matanggap.
Hanggat dumating ang isang gabi la akong pasok gumimik kami ng mga kasama ko sa trabaho nag inuman kami at pagkatapos umuwi ako lasing. Pumasok na ako sa apartment naming sakto wala din siya, tulog na tulog ako dumating siya hating gabi na di ko napansin pumasok siya sa kwarto. Nakalimutan ko pala e lock ang pinto. Tumabi sya sakin nagising ako ng niyakap niya ako, hindi ko maware at biglang uminit ang katawan ko, hinalikan niya ako sa pisngi at sa aking bibig. Di ko alam bakit di ko siya mapigilan at akoy napaganti ng halik sa kanya. Dahil bas a lasing ako o uminit lang katawang lupa ko o dahil sa mahal ko na rin siya. Hanggat sa may angyari samin nung gabing yun, naisip ko sa sarili ko bakit di ko siya kayang tanggapin eh best friend ko siya. Kaya nag pasya akong tanggapin siya, mula nun lage na kami magkasama ulit pero humingi ako ng kondisyon ayaw ko na mangyari ulit nung nagyari samin. Sabi nya sakin ok basta mahalin mo lang ako, kaya sinubukan ko siyang mahalin nagawa ko naman. Masaya kami lage pinagluluto niya ako ng almusal, walang mapaglagyan ang kasiyahan saming dalawa magkasa kami lage. Pero may mga girlfriend pa din kami. Mula nun nag graduate na kami nagging manager ako sa fast food na pinagtrabahuan ko. Si mike namn hindi nya tinuloy pag seaman niya kahit nag graduate siya.
Kinuha siya ng parents niya sa Canada at dun na sila tumira, mga ilang buwan lumipas nag resign na din ako nag barko na ako. Lumipas ang ilang buwan nasa barko ako nun nang nag chat kami sa fb na magaasawa na daw siya. Pero kahit ganun mahal na mahal niya pa rin daw ako. Masaya ako nalaman ko sa kanya iyon atleast magkakapamilya na siya at Masaya di namn siya. Hindi ko na siya inisturbo mula nun. Tuloy-tuloy na ang aking sakay sa barko ako nun ng may kasama akong Chinese gwapo ,makinis, matangkad. Nagkagusto sakin pero hindi ko na sinubukan muli iyon binaliwala ko lang iyon kahit gusting gustong Chinese sakin. Ilang beses siyang nag attempt buksan ang aking cabin pero itoy nka lock kaya di niya mabuksan. Nang magka duty kami ng Chinese sinabi ko sa kanya di pwede ang gusto niya, sumagot siya sa akin ang lambing lambing ko daw kasi at ang mabait daw. Sinabi ko sa kanya pwede tayo maging friend pero lover hindi. Kaya mula nun din a napilit sakin ang Chinese sa kanyang naramdaman para sakin.
Lumipas ang ilang taon nasa pinas na ako nasa bakasyon ako kasama ko girlfriend ko. At nang minsan ako mag isa sa bahay nag aayos ng mga papelis ko. May nag doorbell ng binuksan ko bumungad sa harap ko mas gumwapo pang si mike at bigla niya ako niyakap. Mag isa lang siya at yun nag ka kwentohan kami sbi niya sa akin “namimiss kita at kahit kailan di nawala ka nawala sa isip ko ” hindi ko maitago sa sarili ko na namimiss at mahal ko na din siya kahit bawal. Nagmamahalan kami kahit bawal pero tuloy pa din ang buhay importante samin di nawawala ang pagtitinginan.kahit wala ng sex importante magkasama kami at Masaya.
Hay ang pag ibig nga naman kahit bawal basta makasama mo at mahal na mahal ka niya. Na masasabi mo talaga na someone like you na magmamahal sayo ng tunay at walang hinihinging kapalit. Mahal ka dahil sa ikaw hindi dahil mahal ka dahil kailangan ka niya o kailangan ka niya dahil mahal ka. Importante nagmamahalan kayo at Masaya kayo.
Sana agustuhan ninyo ang aking kuwento kayo na bahalang humusga…
