Itinaas niya ang kanang kamay at tinapik nang dalawang beses ang ulo ko habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Ingat ka sa pag-drive, okay?" marahan niyang wika. Pinigilan ko ang sarili na huwag matulala.

I should act cool.

Inikutan ko siya ng mga mata at marahas na inalis ang kanyang kamay sa aking ulo upang takpan ang aking naramdaman. "Oo naman! Duh. 'Di ako pwedeng mamatay! Magiging architect pa ako, 'no!"

And because he was still blocking my way, I pushed him aside and walked towards the door. Pilit ko pa ring kinakalma ang puso ko na nagwawala dahil sa ginawa niya kanina. Shit. Hindi niya ba naiisip ang magiging epekto ng mga galaw niya sa akin?

"Sungit," sambit niya pero hindi ko pinansin. He followed me until we were outside.

I faced him and showed him the car key. "Pupunta na ako. Uuwi ako bukas. 'Yong extra na cellphone na binigay ko sa 'yo, gamitin mo pang-text sa akin, ha, incase may emergency rito."

Suminghot siya at tumango. "Sure." He gave me a small smile. Sinisipon yata ang gago. Kanina pa siya singhot nang singhot na para bang nakahithit.

"May Neozep sa medicine box. Alam mo naman siguro 'yon. Inom ka no'n nang gumaling ka." Tumango naman siya sa akin.

"Thanks, Three As." He gave me a smile. Tumingala siya sa kalangitan. "You should go now. Palalim na ang gabi." Muli niya akong tiningnan. I just nodded at him and averted my gaze before bidding him goodbye.

Naglakad na ako papunta sa kotse at binuksan iyon. I turned the engine on and looked at him. Kumaway-kaway siya sa akin kahit tinted ang glass. May ngiti sa kanyang mga labi at kumikinang ang kanyang mga bughaw na mata.

Shit. Why is he like this? At talagang naaapektuhan ako sa mga simpleng kilos niya kasi naman, even before he got out of the canvas, crush ko na siya! Paano na kaya ngayong sa personal, abot na abot niya pala ang standards ko nang walang ka-effort-effort?

Ipinilig ko ang aking ulo. I shouldn't be thinking about my feelings for him.

Mabilis kong iniwas ang aking tingin at pinatakbo ang kotse. Hindi ko na siya muling tiningnan pa at nag-focus lang sa daan.

Baka kapag muli akong lumingon, lilipad na naman ang isip ko.

Mahirap na.

"TAPOS KAPAG GA-GRADUATE na tayo, sure naman akong itatapon lang nila 'to," nakasimangot na saad ni Deah habang naggugupit ng cardboard at in-adjust ang kanyang glasses.

"Sayang nga effort natin, eh. Hanapin na lang natin sa basurahan pagkatapos ma-defend." Inikot ni Celine ang kanyang mga mata sabay hawi sa buhok niyang hanggang leeg.

"What if susunugin nila?" pag-o-overthink ni Cane habang nagluluto ng kropiks kaya sinamaan namin siya ng tingin.

"Eh, kung kropiks mo ang masunog, Cane? Patay ka talaga sa amin," pabirong pagbabanta ko sa kanya. Tangina talaga nitong pag-o-overthink niya! Pero useful naman ang overthinking skills niya minsan.

"'Di ‘yan. Sus. Idi-display ‘ata ‘to nila. Gagawing exhibit. O baka ibibigay sa atin after defense. Huwag muna kayong mag-overthink at magpadala sa sinasabi ng mga senior natin noon," kalmadong saad ni Manel habang busy sa pag-drawing at pag-measure sa cardboard.

Ang sabi-sabi kasi ng mga seniors namin, itinapon lang daw ng faculty ang miniature nilang pinaghirapan nila ng ilang buwan. Parang gago nga, eh.

"Syempre, ‘di tayo papayag na babuyin nila miniature natin. Suntukin ko sila isa-isa, eh. ‘Ta mo." Bumuga ako ng hangin at ginupit ang cardboard na tapos nang lagyan ng drawing ni Manel.

The Dreamer's NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon