Nitong mga nakakaraan, masyado akong nahumaling sa panonood ng It's Showtime at GGV.
Ang galing kasing mag-host ni Vice. Nakaka-aliw. Kuhang-kuha niya ang kiliti ko pagdating sa komedya.
Pero hindi ko inaasahan na sa sobrang pagka-aliw ko sa kanya, ay mararamdaman ko itong kakaibang feeling na ito sa tuwing makikita ko siya. Hindi si Vice Ganda, kungdi si Wave Sandoval. Isang bi na volleyball player na archi student sa university namin. Hay. Sa dami-damu ng guy, sa isang bi pa 'ko bumigay.
Minsan tuloy, napapatanong na lang ako sa sarili ko.
'Nasobrahan ba 'ko sa panonood ng shows ni Vice?'
'Masyado ba 'kong natuwa sa kanya?'
Dahil mahirap. As in mahirap palang ma-fall, tapos di mo alam kung saan ka kakapit para makaahon.
Mahirap palang magpapansin sa taong walang pakialam sa'yo.
Mahirap palang kunin ang atensyon ng taong may iba nang tinitignan.
Mahirap palang umasa sa wala.
Mahirap palang ipagpilitan ang sarili sa taong itinutulak ka palayo.
Kung alam ko lang na ganito pala ang magmahal, hindi sana ko masasaktan.....
"Hoy Cadness! Bakit hindi ka pa umuuwi? Magdamag ka ng nandito."
Nabaling ang atensyon ng dalaga sa kararating lang na kaibigan niya. Tila sandaling nawala sa isip niya ang kung ano mang gumugulo dito.
"Ayokong iwanan siya ulit." Ngumiti man ay hindi ito umabot sa kanyang mga mata. At naiintindihan 'yon ng kaibigan niya.
"Kung pwede lang mag-teleport sa past, para sana napigilan ko 'tong bibig ko dati. Kaya lang wala tayo sa movie." seryosong pahayag ni Sabrina.
“Kahit makabalik tayo, hindi mo naman kayang pigilan yang bibig mo.” tugon ni Cadness kaya napuno ng palitan nila ng tawa ang buong lugar.
******
Updated 🩷
YOU ARE READING
When He Learns To Love A Girl
RomanceSi Cadness Ferrer ay isang NBSB na na-inlove sa isang beki na nagngangalang Wave Sandoval. May patutunguhan kaya ang panliligaw nya dito? o mauuwi lang lahat ng efforts nya sa wala? o baka naman----
