Chapter One: Cliche

4 1 2
                                    

Mandy

I was in the middle of darkness. All I can see was the intense lights from above. I slowly walked towards to the light and started to wonder. How did I get here? How did I ended up watching the beautiful starry night sky?

Naglakad pa ako hanggang sa natanaw ko ang isang bulaklak na nakalutang. Sinubukan ko itong hawakin ngunit nabigo lamang ako. Biglang nagliwanag ang aking paligid at nakita ang imahe ng nanay ko, nakatayo, nakasimangot, at sa palagay ko'y umuusok ang ilong.

"Mandy! Tanghali na! Sikat na sikat na ang araw, mainit na! 'yung mga damit! Hindi 'yon malilinis ng kusa!" agad akong napabalikwas sa kama at napatingin sa orasan sa may bintana. Alas-nuebe na ng umaga kaya naman napakunot ang noo ko. Agad na inayos ang kama at nagmadaling bumaba.

"Ma! Sorry! Sorry po!" agad kong paumanhin sa kaniya. Nagmadali akong pumunta sa likod ng bahay kung saan nandoon ang labahan, pinuno ko ng tubig ang washing machine at mga batya na kakailanganin ko ngunit nabigo ako. Sabado ngayon at napakahina ng tubig. Napa-iling ako at nanakbo papuntang kusina.

Nalungkot ako.

Nakita ko na naman ang kundisyon ng kusina namin. All I wanted in this life is to have my own kitchen where I can knead my dough and pipe icing on my cupcakes. Sighs. Pangarap na lang talaga ito.

"Ano na? Nasaan na ang almusal? Gutom na ako!" reklamo ng nanay ko. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Nagprito ako ng dalawang itlog at dalawang hotdog, sinangag ko rin ang natirang bahaw kagabi para hindi sayang. Sana naman makabawi na ako sa kaniya.

Naghain ako ng mga plato at kubyertos sa mesa nang naalala kong nagpupuno ako ng tubig. Agad akong nanakbo papunta sa likod sa bahay at pinigilang mapuno ng sobrang ang washing machine. Binawasan ko ang laman nito at inilipat sa isa sa mga batya. Bumalik na naman sa isip ko ang napanaginipan ko. Sa lahat ng napanaginipan ko, ito ang pinaka weird. Walang ibang tao, walang kakaibang plot, at napaka-iksi at bilis ng mga pangyayari.

Bumalik ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kusina. Nakita ko na kumakain si mama. Agad naman akong inalok nito na kumain kaya tumabi agad ako sa kaniya.

"Pasensya ka na anak. Alam mo naman kasing dalawa na lang tayo sa bahay na ito. Tayo na lang ang magtutulungan dito. Tulungan mo naman ako anak." kumirot ang puso ko. Simula kasi nang mawala ang papa ko, naging mahirap para sa amin ni mama ang mabuhay sa araw-araw. Pero sa awa ng Diyos, nakakaya pa rin namin. Minsan nga lang, palpak lang talaga ako.

"Pasensya na, ma. Pasensya na po kung hindi ako perpektong anak." ngumiti siya sa akin at nagpatuloy sa pagkain.

Walang bago, sanay na rin ako sa mga pagsusungit ng nanay ko. She is the only one who never left me behind. She is the reason why I am still alive. And I thank God for giving me such a mother. Minsan nga lang may sapagkahalimaw lang siya. Pero mahal na mahal ko siya.

Matapos kumain ay dumiretso ako sa paglalaba. Kusot dito, kusot doon at pinilit na maalis ang mga mantsa. Tumagal din ako ng tatlong oras sa paglalaba dahil ako lang mag-isa.

Naligo na ako nag-ayos ng katawan dahil may make-up class na naman ako sa isang subject. Panira ito sa mga plano ko kapag sabado. Ilang linggo na ring ganito kaya nakakasawa.

Walang bago sa buhay ko. Matahimik ang buhay namin ni mama hanggang ngayon. Kahit namatay si papa at si kuya, pinilit naming maging masaya. Kaya naman lalo akong nangarap sa buhay. I didn't waste every effort that my mom made. I cherish it and will cherish it for the rest of my life.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

M and MTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon