Chapter 1

196 3 5
                                    

Levy Rose's POV

"Eye glasses, check! Black doll shoes, check! Headband, check! Curly hair, check! Pink floral blouse at maikling short na maong, check! Nude make up, check," excited kong sabi habang nakangiti sa harapan ng salamin pagkatapos ay inaayos na ang mga make up kit ko na regalo pa sa akin ng bestfriend kong si Kiara.

Siya nga pala, bago ko makalimutan nais ko munang magpakilala. Ako nga pala si LEVY ROSE MONTE, but my families and friends calls me "Levy". I'm 18 years old, and I'm a second year college student taking for Business Administration.

Dali dali akong bumaba sa may hagdan at saktong nakasalubong ko si Kuya na paakyat sa hagdan.

"Hey, little sister! Where are you going?" Taas kilay na tanong sa akin ni Kuya sabay harang sa akin sa pamamagitan ng pag-stretch ng kanyang kanang braso.

He's  John Monte, 20 years old na siya at 4th year college student, he is also taking for Business Administration. He is a basketball player in our school, bale siya ang team captain ng team nila.

"Tsk, little sister talaga kuya?! Kaka-18 ko lang last week. Little sister pa rin ang tawag mo sa akin? Dalaga na ako Kuya ah! Tabi nga dyan!" Inis kong bulyaw tsaka ko inalis ang braso n'ya na nakaharang sa akin at tsaka ako dumaretso sa may sala upang tikman ‘yung chips na nakapatong sa may table, siguro snack niya ito.

"Tsk, nadagdagan lang ng isang taon ang edad mo kung umarte ka d'yan! Kahit edad 40 ka na tatawagin pa rin kitang little sister." Kahit nakatalikod ako'y ramdam ko ang paglapit niya sa akin.

Humarap ako sa kanya at inarapan siya,
"yuck...tsk Kuya, 40?! Little sister pa rin," taas kilay kong tugon sa kanya't napamewang ako, "tsk..oh my gosh! Sa taong iyon baka may anak at apo na ako n'on, tapos ganoon pa rin ang itatawag mo sa akin? Grrr...kilabutan ka nga d'yan Kuya." Dagdag ko pa sabay subo sa chips na kinuha ko sa may plato tsaka ko inaksyon 'yung pangingilabot.

"So, 'yun eh! Kung...magkakaasawa ka! Sa panget mong 'yan...hahaha." pang asar niya pa sa akin sabay pisil sa pisngi ko.

"Aray! Ano ba?" sigaw ko at tiningnan s'ya ng masama.

"Haha, ano 'to?" tanong niya nang mapansin ang aking headband pagkatapos ay kinuha niya ito mula sa aking ulo tsaka hinawakan ang baba ko at tiningnan ang magkabilang pisngi ko, "aba! Nagpaganda ka pa talaga ha? Tell me, where are you going?" Biglang sumeryoso ang mukha ni Kuya.

Nagpouty lips muna ako bago nagsalita, "hmp...akin na nga 'yan, Kuya! Akin na!" Pinipilit kong kunin 'yong headband pero pilit din niyang itinataas ang kanyang kamay, aaminin ko mas matangkad siya sa akin kaya hindi ko abot 'yong headband ko na hawak niya.

"Just tell me where are you going? At ibibigay ko sa iyo 'to." Kondisyon pa niya na nakataas pa rin ang kamay niyang may hawak sa headband ko.

"Ok fine! Pupunta lang ako kina Kiara," I rolled my eyes sabay upo sa couch at nangalumbaba.

"Kina Kiara ka lang pala pupunta kung makaporma ka wagas! May pa-make up make up ka pa riyan na nalalaman, alisin mo 'yan!" Huminga ng malalim si Kuya medyo nagiging strikto na siya.

Tumayo ako, "Kuya naman ang kj mo!I am now 18, and besides wala naman kaming gagawing kalokohan ni Kiara ah. Sa bahay lang nila kami mag-stay..may sasabihin lang naman daw siya sa aking importante, 'yun lang." Nakasimangot akong nagpaliwanag.

"Don't worry Kuya, kung iniisip mong sasamahan ko siya sa isang date?Hindi mangyayari 'yun dahil pareho kami ng goal ni Kiara, magtatapos muna kami ng pag-aaral bago niyan.." kumpyansa kong tugon sa kanya, "tsaka 'pag may manligaw sa kanya Kuya eh...ipapaalam ko 'to agad sa'yo. Hahahaha." Nang-asar pa ako sa kanya.

Wildest DreamsWhere stories live. Discover now