1:00

8 1 0
                                        

Maliwanag Ang mga kalangitan at walang kahit anong bahid ng pagulan.

May isang sasakyan Ang patungu sa liblib na lugar malayo sa sibilisasyon, sakay nito Ang dalagitang nagngangalang Ana.

Tulala itong nakadungaw sa bintana ng sasakyan, nagbabalik tanaw sa lahat ng kanyang pinagdaanan.

Simula pagkabata nito ay wala syang ni isang naging kaibigan kahit na lumaki sya sa isang ampunan Kong saan napakaraming bata.

Tingin kasi sa kanya ng lahat ay isang halimaw maging ang mga madri ay kinatatakutan sya.

Gayun pa man ay walang kalungkutan syang nararamdaman sa kabila ng tingin at pakikitungu sa kanya ng mga taong nasa kanyang paligid.

Mas gusto nyang mapagisa.

At sa kabila ng katangian nya ay may naglakas loob paring umampun sa kanya at sa kanyang palagay ay napagod na rin ang mga ito kung kaya ipinapadala sya sa ibang lugar upang doon manirahan.

Napangisi sya habang nakatanaw sa labas ng bintana nitong sasakyan.

Ilang minuto rin Ang lumipas ng huminto Ang sasakya.

Gayun pa man ay di parin gumalaw Ang dalagita at nanatili paring nakatanaw sa bintana ng sasakyan at para bang may malalim na inisip.

Tumikhim Ang driver upang mabalik Ang ulirat ng dalaga.

Naging matagumpay naman ito dahil napatitig sa kanya si Ana. Ngunit labis Ang kanyang panlalamig ng dahil sa tinging ipinukol nito sa kanya.

Mabilis ibinalik ng driver Ang kanyang paningin sa kalsada upang makaiwas sa mata ng dalagita.

Nanginginig na nagsalita Ang driver.“Nandito po tayo ma'am, nais nyo na po bang bumababa?". Tanong nya at nagaalinlangan muling sumulyap sa dalagita.

Laking gulat naman ng driver ng makitang matamis na nakangiti Ang dalaga sa kanya at sabay sabing. “ Opo baba na po ako paumanhin masyado po atang napalalim Ang pagiisip ko,di ko namalayang tumigil na po pala tayo”.

Ikinagulat ng driver Ang naging sagot ng dalaga at dalidaling lumabas sya ng sasakyan, binuksan nya ang pinto para sa dalaga.

“Maraming salamat po”. Nakangiting wika ni Ana.

Tumawa naman Ang driver.“ Walang ano man”. Matapos pagbuksan si Ana ay dalidaling kinuha ng driver ang kanyang malita mula sa likod ng sasakyan.

Matapos ay nagpaalam na ang driver upang makaalis na.

Nakangiting kumaway si Ana sa papaalis na sasakyan at ng mawal na ito sa kanyang paningi ay parang bulang naglahu ang kanyang mga ngiti.

Ibinaling nya Ang kanyang pangin sa mansyong na sa kanyang likuran. Napangisi sya ng makita ito.

Dahan dahan syang lumapit sa gate na malawak na nakabukas, para bang hinihintay talaga Ang kanyang pagdating.

Dahandahan syang naglakad patungo sa mansyon ng biglang bumagsak Ang malakas na ulan.

Sa kabila nito ay natili paring tipid Ang mga pinakawalang hakbang ni Ana palapit sa pinto ng mansyon.

Kaya ng maabot nya Ang pinto ng mansyon ay basang basa na Ang kanyang kasuotan.

Ilang segundo syang napatitig sa pinto, pinagmasdan nya itong mabuti. Di nya inalintana ang patuloy na malakas na buhos ng ulan at may kasama pang pagkidlat.

Unti unti nyang inangat ang kanyang kamao upang kumatok.

Matapos ang tatlong katok ay bigla itong bumukas.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FearlessStories to obsess over. Discover now