Napangiti ako dahil agad niyang hinawakan ang aking kamay na animo'y nasanay na siyang laging hawak 'yon. Kumain kami sa isang malapit na food chain.

Kinuha ko ang phone ko nang mag-vibrate ito. Saglit kong tinignan si Kiza na busy sa pagkain bago ibinalin ang atensyon sa phone ko.

"Where are you girls?" Hariz texted me.

I immediately replied the place where we are currently at. Matapos no'n ay kumain na ako ulit. Naunang natapos sa akin si Kiza na mukhang busog na busog na.

"Where do you want to go after this?" I asked her.

"Lady... We haven't picture together yet..."

Mahina akong tumawa bago lumapit sa kanya. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang camera. I pressed the front cam. Bumungad sa amin ang aming mga nakangiting sarili.

We took many shots with different poses.

"Yay! One more!" Nagulat ako nang halikan ako ni Kiza sa pisngi.

Matagal na rin kaming magkasama ngunit hindi niya pa iyon nagawa sa akin kaya hindi ko maiwasang magulat. Mukhang nahiya naman si Kiza dahil sa ginawa niya. Yumuko ito.

"I'm sorry, Lady..." She mumbled.

"What for, honey?" Niyakap ko siya at pinaulanan ng halik sa pisngi.

Tumawa ito nang tumawa dahil sa ginawa ko.

"You not mad?"

"Why would I?"

"But why did you avoid dad when he tried to kiss you?" Nagulat ako sa tanong niya.

Mukhang hindi naman niya alam na hindi magandang pakinggan ang tanong na iyon dahil bata pa siya. Nakangiti ito sa akin na parang simpleng tanong lang ang mga sinabi niya.

"You saw us?"

Ilang linggo na rin ang nakalipas matapos mangyari 'yon at wala namang nagbago sa aming dalawa ni Hariz. We are still what we used to be. Friends... That's all. We are friends.

"Uh, yeah. That's why I thought you would get mad at me too..." She giggled.

Wala akong nagawa kundi ang ngumiti dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko.

"Hi girls!"

Sabay kaming napalingon ni Kiza sa lalaking bagong dating. He was wearing a dark blue checkered polo shirt paired with black pants. Mabilis na tumakbo si Kiza palapit sa kanya at sinalubong naman niya ito ng yakap.

"Oh, baby. I already missed you."

"Dad! I hate crocodiles!"

Lumapit sila sa akin. Umupo si Hariz sa bakanteng upuan sa tabi ko habang nasa kanyang braso pa rin si Kiza.

"Hi..." He greeted me.

"H-Hey..." I said.

Matapos no'n ay pinuntahan namin ang ibang parte pa ng zoo na hindi pa namin napuntahan ni Kiza. Nasa braso ni Hariz si Kiza na masayang-masaya. Nakatingin lang ako sa kanila. Halata ang sayang walang pagsiglan sa mata ni Kiza at Hariz.

"Mommy! Let us have a picture with that snake!" Napatingin ako sa batang dumaan sa harapan namin. Hawak-hawak nito ang kamay ng kanyang mommy.

Napatingin ako kay Kiza na natahimik na naman. Sinubukang pasiyahin ni Hariz si Kiza na mukhang nahalata niyang nainggit sa bata kanina. Muling bumalik ang sigla ni Kiza.

"Join us, Lady!" Sigaw ni Kiza sa akin nang nagpa-picture sila sa isang maliit na tigre.

Napatingin ako kay Hariz na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti ito bago sinenyasan akong lumapit. Nangangatog ang tuhod ko habang nasa tabi ni Hariz. Naramdaman kong rumagasa ang braso niya sa balikat ko.

Napapikit ako bago mabilis na kumilos. Kunwari ay nilaro ko na lang si Kiza para mawala ang pagkakaakbay niya sa akin.

Matapos no'n ay bumili kami ng ice cream sa malapit na nagtitinda. Nanatili kaming nakaupo ni Hariz sa bench habang si Kiza naman ay nakatingin sa parrot na nagsasalita. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi niya pero manghang-mangha si Kiza.

Natigilan ako nang maramdaman muli ang braso ni Hariz sa balikat ko.

"Hariz..." Hinabol ko ang hininga kong mabilis atang kumawala nang dumapo sa akin ang kanyang kamay.

"Hmmm?"

Hindi ko na alam kung ano ang susunod na sasabihin ko. Basta ang ginawa ko ay tumayo at lumapit kay Kiza. Hindi ako lumingon para makita ang reaction ni Hariz.

This is bad... Hindi magandang tignan.

Napatingin ako kay Kiza nang tumakbo ito papunta sa elepante na dumaan. Mabilis naman na hinabol siya ni Hariz bago pa ito tuluyang makalapit. Humagalpak ng tawa si Kiza dahil sa pagbuhat sa kanya ng kanyang daddy. Inilagay niya si Kiza sa kanyang ulo habang naglalakad kami.

Nagpaalam muna ako na pupuntang CR. Habang nakatingin ako sa salamin ay nanginginig ang kamay ko. Hindi na bago sa akin ang ipinapakita ni Hariz... Kailangan ko siyang kausapin tungkol dito.

Pagkalabas ko ng CR ay agad na hinagilap ng mata ko ang mag-ama. Paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko sila agad. Naglalakad palapit sa akin. Hawak ni Hariz si Kiza sa kamay.

"Mommy!" Sigaw ni Kiza sa akin na labis kong ikinagulat.

Naging mas malapit ako sa mag-ama. Kahit papaano ay natututo na rin ako sa kanila dahil sa ipinapakita nila. Pero may parteng nabubuo na hindi ko nagugustuhan.

Ilang araw akong hindi nagpakita sa kanila. Kapag tinatanong ako ni Hariz sa text ay ang tanging sagot ko lang ay may importante akong inaayos. Pero ang totoo ay nagpapalakas ako ng loob para tapatin si Hariz at magkalinawan kami.

Pagkalabas ko ng unit ko ay gumulat sa akin si Hariz na nakatayo sa gilid. Napatingin siya sa akin. Pumungay ang kanyang mata.

"Coffee?" He asked.

Pumunta kami sa isang coffee shop pero siya lang ang nag-order dahil umiiwas ako sa gano'ng uri ng pagkain. Nanatili kaming tahimik, pinapakiramdaman kung sino ang mag-uumpisang magsalita.

Hinigpitan ko ang yakap sa akin ng jacket ko. Kahit na naka-heater na ang shop na ito ay parang tumatagos pa rin ang lamig mula sa labas.

"Chelsea... I like you."

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya at naghihintay sa susunod niya pang sasabihin.

"But if liking you means you--- leaving us especially Kiza... I would rather let this feeling go." Tipid na ngumiti ito.

He bit his lower lip while looking at me. Alam kong ayaw niya rin ang ganito pero sadyang hindi lang talaga mapipigilan ang pagdating ng mga hindi inaasahang pangyayari. Hindi ko rin tuloy maiwasang hindi malungkot para sa kanya.

"I really like you... And this should be stopped."

"I am already in love with someone else, Hariz. So damn much." I shook my head. "I am sorry..."

He nodded his head as he let a heavy sigh.

"I understand... I have a huge respect to you. You are such an amazing woman and that guy is so lucky to have you..."

"So am I..." I said.

I am also lucky to have him in my life. He is the only man I am seeing myself with until the end.

"I really am sorry for what happened--- What I did."

"It's okay. I am sorry too, Hariz. We can't be nothing but friends."

Tumawa lang ito bago humigop sa kanyang kape. I want to be honest to him. Alam kong naiintindihan niya rin ako. Mukhang nangungulila pa siya sa kanyang asawa.

"Kiza is already missed you... Can we go out again?"

I smiled.

"Why not?"

"Friends?" He offered his hand.

I nodded my head.

I held his hand and gently shook it.

"Friends..." I smiled at him.

Trapped (Book 2)Where stories live. Discover now