"The place is also good for honeymoon," nabilaukan ako sa sariling laway dahil sa sinabi ni Rouve.

Napansin ko ang pagsilip ng isang tipid na ngiti sa labi ni Cielo kaya ibinalin ko agad ang tingin ko kay Rouve na hanggang ngayon ay tutok na tutok pa rin sa camera ko.

"I doubt it..." Cielo shook her head.

Pagkarating ng order namin ay agad na kinuha ko ang akin. Bahagya akong sumimsim doon nang hindi man lang tumitingin kay Cielo.

"Avoiding my gaze... Suspicious." I heard her mumbled.

"Who is she?" Napatingin ako sa tinuro ni Rouve sa camera ko.

"Oh, that's Faye. Gizo's girlfriend. Ryde's friend." I answered.

Nakatayo si Faye sa gilid ng puno ng niyog habang nakatingin sa malayo. Kinunan ko 'yon habang  nakatingin siya kay Gizo na kausap si Ryde.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot nang maalala ang pinagdadaanan niya ngayon. I hope she's fine now.

"I'm sure they had sex..." Napatingin ako kay Rouve nang sabihin niyo 'yon. Nanatili ang kanyang tingin sa camera.

"We didn't!" Matigas kong sagot.

Napatingin sa akin si Rouve na halatang naguguluhan.

"I meant was Faye and her boyfriend..." Kumunot ang kanyang noo. "I didn't say you and her." He added.

Namula ang mukha ko kasabay ng mahinang pagtawa ni Cielo. Agh! Am I too obvious?

Matapos no'n ay napagpasyahan na muna naming pumunta sa isang buffet restaurant. Ako ang nagmamaneho ng sasakyan ko, nasa tabi ko si Cielo at nasa likod naman si Rouve.

"You could have stayed there longer," Rouve frowned.

"Oo nga. Bakit tatlong araw lang kayo?" Tanong naman ni Cielo.

Pinanatili ko ang tingin ko sa daan. Humigpit ang hawak ko sa manibela nang maalala lahat ng sinabi sa akin ni Ryde.

"Nagkaroon ng konting problema sa resto ni Ryde." Maikli kong tugon.

Napatingin ako sa isang matanda na naglalakad sa gilid. Wala sa sariling mabilis na napreno ko ang sasakyan.

"Easy!" Angal ni Rouve.

Napatingin ako sa likod nang may bumusina. Mukhang nagalit ang kasunod namin dahil sa biglaan kong pagpreno pero mabilis din itong umalis.

Itinabi ko ang sasakyan sa gilid.

"Hey, what happened?" Hindi ako nag-abalang sumagot sa tanong ni Cielo.

Inalis ko ang pagkakalingkis ng seatbelt sa akin at binuksan ang pinto. Pagkalabas ko ng sasakyan ay napatingin sa akin si Lola na dala na naman ang isang kahon na naglalaman ng mga sigarilyo at candies.

Ilang segundo lang ang tinagal ng tingin niya sa akin bago 'yon pinutol. She turned her back and started to walk away.

"Lola... Sandali po!" Hinabol ko siya.

"Chels!" Dinig kong tawag sa akin ni Cielo.

Dahil sa medyo matanda na rin si Lola para maglakad ng mabilis ay naabutan ko siya agad. Humarang ako sa daan niya. Huminto ito at bumagsak ang tingin.

"Pwede po ba tayong mag-usap?" Tanong ko sa kanya.

Ilang araw na rin akong binabagabag ng mga nangyari tungkol sa bago ako nawalan ng malay no'n at kung bakit napunta sa kanya ang kwintas na sa pagkakaalam ko ay suot ko pa no'n.

Gumalaw ang kanyang kamay papunta sa kanyang bulsa at inilabas ang isang kwintas. Pamilyar iyon sa akin dahil 'yon ang binabalik niya sa akin dati.

Trapped (Book 2)Where stories live. Discover now