sa harap ng mga empleyado ng Circe. Anito ay mas mabubuko sila kung gagawin nito iyon. At sang-ayon siya doon.

Kapag kasi may dumadalaw man na mga nobya nito dito sa opisina noon, hindi talaga nila ito nakikitang nakikipaglambingan sa nobya. Kontra ito sa ideya ng public display of affection.

Bagamat kapag magka-agapay silang lumalakad papasok o pauwi mula opisina ay laging naka-alalay sa likod niya ang kamay nito. Hula niya, iyon na ang version nito ng holding hands.

"Ganoon ba kaimposibleng magustuhan mo ako sakaling

niligawan nga kita ng totoo?" untag nito.

Eksasperadong naiikot naman niya ang mga mata.

"Natural ang reaksyon nila, Sir---"

"Simoun," kunot-noong pagtatama nito sa kanya.

Tila mas nadagdagan ang pagkayamot sa anyo sa muli niyang pagkakadulas sa pagtawag ng Sir dito. Bagamat amo pa rin niya ito, hindi nito gustong patuloy na tawagin niya itong sir. Tinulungan din siya nitong mawala ang nerbiyos at kaba niya sa tuwing nasa paligid nito.

Paano? Simple lang.

"Just think of me picking my nose so you'll forget your nervousness whenever you're with me. Believe me, taliwas sa paniwala ninyong lahat, hindi ako naglalakad sa ibabaw ng tubig o nakakaggawa ng ginto sa isang pitik lang ng mga daliri ko," ang payo nito sa kanya habang kino-coach siya kung paano siya aakto bilang nobya nito.

Bago iyon ay inalam din nito lahat ng mahahalagang bagay ukol sa kanya. Mga impormasyon na kung totoo nga niya itong nobyo ay dapat alam daw nito.

At habang iniisa-isa niya ang pagsagot sa tila slum book nitong pagtatanong at paglilista ng mga bagay ukol sa kanya, gayundin naman ito ukol sa mga bagay na anito ay dapat alam din niya ukol dito.

"Talaga? Allergic ka sa hipon? Too bad, paborito ko pa namang pagkain iyon," bulalas nito.

"Alam ko," wala sa loob na nasambit naman niya.

Kusang umarko ang mga kilay nito. nagtatanong na napatingin sa kanya.

"Paano mo nalaman?"

"Um, nabanggit kasi iyon minsan ni Lola Dorinda. Sabi niya kayang–kaya mo daw umubos ng tatlong kilong hipon sa isang upuan lang," pag-amin niya dito.

Hindi na niya binanggit na bukod sa mga paborito nitong pagkain, inumin, kulay, damit, sports team, nilalarong sports noong college ay ultimo bilang ng mga arwards at medalyang nakamit nito noon ay alam niya. Salamat kay Lola Dorinda na hindi itinago sa kanya ang pagnanais nitong siya ang gusto nitong maging nobya ng apo.

Marahang tumangu-tango naman ito.

"I see. Well, seems like you know quite a lot about me but I know so little about you. Kung gayon ay ipagpatuloy mo na ang pagsagot mo sa mga ito. Ano ang paborito mong sports?"

"Um, nakakain ba iyon?" pabirong tugon niya.

Umarko naman ang isang kilay nito.

"Meaning wala kang hilig sa sports?" anito.

"Natumbok mo. Kasi naman, hawakan ko lang kahit pingpong ball, naaksidente na ako. Kaya payo nina Kuya at ng mga tiyuhin ko, huwag ko na daw pangarapin pang matuto ng kahit anong sports kung ayaw kong mabaldado bago pa ako tumuntong ng beinte noon."

Aseron Weddings-Anywhere For YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora