Thirty Six||BP

Magsimula sa umpisa
                                    

"Gelo," I said. Gumalaw ito pero hindi pa rin niya ako tinitingnan. Mukhang nagalit ito sa mga sinabi ko kanina, well, hindi ko siya masisisi. At hindi rin niya ako masisisi kung sinabi ko ang mga iyon sakanya.

"Pinapapunta tayo ni ma'am sa AVR," sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo pero humarap sa entrance ng Multi kaya nakatalikod ito sa akin.

"Maliligo muna ako saglit. Mabilis lang ito. Gusto mo bang hintayin mo na ako o mauna ka na dun sa AVR?" tanong nito sa akin ng nakatalikod.

Weird. Bakit kaya hindi ito tumitingin sa akin? Bumaba na ba ang confidence niya sa sarili? Duh.

"Mauna na 'ko." 

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at naglakad na papuntang Audio Visual Room. Nasa may dulo pa kasi iyon kaya medyo malayo. Dun sa part na iyon ay wala ng makikitang estudyante, dahil malayo na nga iyon sa mga classrooms.

Pagkapasok ko dun sa AVR ay nagtaka ako dahil malamig sa loob. Hindi ko alam kung sinadya talagang buksan iyon o may mga gagamit doon. Nasagot naman ang tanong ko nang lumapit sa akin si Kile, ang SCO President for three years, na may hawak ng remote ng aircon.

"Hi, gagamitin niyo ba?" tanong nito sa akin kaya tumango naman ako sa kanya. Grade 12 na ito at isa ito sa mga sikat na estudyante, hindi dahil mayaman o maganda siya, iyon ay dahil sa talino at leadership niya. Kung tutuusin mayaman ito kaso hindi lang halata sa kanya dahil sa simple lang ito kung mag-ayos. Maganda ito kaso hindi iyo napapansin dahil sa makakapal nitong salamin na parang kay Justin.

Sasagot na sana ako kaso bigla namang sumagot si Ma'am na kakapasok lang.

"Huwag mo na munang i-off, Kile. Kami na lang ang mag-ooff niyan mamaya. Magpapractice pa kasi sila," pagpapaliwanag ni ma'am.

Tumango naman si Kile at ibinigay ang remote ng AC kay Ma'am pagkatapos ay nagpaalam na sa amin.

"Nasaan na si Gelo, Hazel?" tanong ni ma'am sa akin.

"Maliligo muna daw po siya. Susunod na lang po siya pagkatapos," sabi ko. Tumango naman si ma'am pagkatapos ay umupo sa mga armchairs doon at pinaupo rin niya ako sa may tabi niya.

"Kumusta na 'yung mga susuotin mo? Anong susuotin mo pala?" tanong ni ma'am sa akin. 

Kinuha ko naman ang phone ko at ipinakita sa kanya ang mga gagamitin kong damit bukas. May casual wear, sports wear, at long gown kasi. Buti na lang talaga at walang swimsuit dahil hindi pa talaga ako ready para ipakita ang katawan ko. Ipinakita ko rin ang susuotin ko para sa talent ko. Medyo mas revealing siya compared sa dati. 

"Magaganda. Sa tingin ko ikaw na mananalo sa long gown at sa casual wear. Magaganda kasi, halatang pinaghandaan," komento ni ma'am.

Tumawa ako ng bahagya nang naisip ko kung gaano talaga pinaghandaan ni Lander itong event na 'to, "Design po iyan ni Lander Jimenez.." 

Nanlaki ang mga mata ni ma'am, "Iyong estudyante dito na Grade 12?" tanong niya kaya nakangiting tumango ako. 

"Akala ko gawa ito ng mga professionals talaga. Galing naman pala ni Lander," sagot nito sa akin. Naniniwala ako sa sinabi ni ma'am, pati kasi si mama nagustuhan talaga ang mga designs ni Lander. She even asked him to design a dress for her. Sobrang natuwa ni Lander no'n kaya pagkauwi niya ay nag-stalk ito sa instagram ng mama ko para mas makuha ang fashion sense ni mama.

Madami kami pang napag-usapan ni ma'am, may mga tanong siya but not too personal.  

"Let's start?" 

BROKENHEARTED PLAYGIRL (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon