CHAPTER TWO

8.6K 167 4
                                    


NAKAALIS na si Drei sa mansiyon ng mga Moretti ay iniisip pa din niya ang mga sinabi ni Rian.

"Kung gusto mong makilalang mabuti si Ate Issa, gumawa ka ng paraan at huwag kang tuluyang umalis sa bahay na ito." seryosong bulong nito.

"Ano ka ba, hayun nga at hindi na makapaghintay ang amo mo na mapalayas ako. Huwag kang mag-alala, paniguradong babalik ako dito." aniya at bahagya pang ginulo ang buhok nito.

"Seryoso ako, Kuya Drei. Hindi ka na makakapasok pa sa bahay na ito sa susunod na pagbalik mo, o kaya naman ay hindi mo na kami maaabutan pa dito. Pag-isipan mong mabuti ito kung gusto mo talagang mapalapit sa kanya." tumingin pa ito sa paligid na para bang sinisiguradong walang ibang nakikinig sa usapan nila.

Naputol ang pag-uusap nila dahil sa tawag ng kanyang ina. Gusto sana niyang si Issa ang makausap para personal na sabihin dito ang mga napiling paintings ng Mama niya pero si Manang Lupe na ang humarap sa kanya.

Hindi yata at nasa loob pa lang siya ng bahay na iyon ay iniiwasan na siya ng dalaga? Imposibleng mahiyain ito dahil parang wala iyon sa karakter ng dalaga. Walang nagawang itinuro na lamang niya kay Manang Lupe ang limang paintings na ipinapatira ng kanyang ina. Sinabi ng matandang kawaksi na si Issa na lamang daw ang bahalang magsabi sa agent nito ang tungkol sa reservation nila at dito na din niya malalaman kung magkano ang mga iyon.

Itinigil niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Hindi pa siya gaanong nakakalayo sa tahanan nito at baka mabangga siya ng wala sa oras dahil iniisip niya kung gaano ba niya gustong makilala si Nerissa. Maganda ito, pero madami din namang magagandang babae ang naghahabol sa kanya sa Maynila para piliin niyang bumalik.

Ang sabi ng kanyang Mama ay mabilis daw siyang magkagusto sa isang babae at nagmamadali siya sa larangan ng pag-ibig, palagi pa nga niyang idinedeklara sa pamilya niya na inlove siya. May dalawa siyang kapatid na babae na mas matanda sa kanya at magkakatulong silang tatlo sa negosyo ng kanilang pamilya na construction business. His family owned Woodwork, one of the biggest and knowned hardware stores in the country.

Sa dami ng trabaho niya ay talagang isinisingit pa niya ang pagde-date para lamang hindi isipin ng mga nakakarelasyon niya na wala siyang panahon sa mga ito, he was born a charmer and romantic. Bilang bunso at solong anak na lalaki ay busog na busog siya sa pangaral ng mga itong huwag siyang manloloko ng babae. Pero kabaligtaran ng sinabi ng mga ito ang madalas na mangyari. Minsan ay iniisip niya kung ano ba ang kulang sa kanya at bakit hindi maisip ng mga babaeng minahal niya na seryoso siya sa larangan ng pag-ibig upang sa bandang huli ay iwanan siya ng mga ito para sa ibang lalake.

Ngayon lang niya pinag-isipan kung tama bang hayaan niya ang sariling mahulog ang loob niya sa isang partikular na babae. Para bang natatakot siyang walang kahihinatnan ang gagawin nyang effort kung sakaling bumalik siya at siya lamang ang masasaktan sa huli. Biglang lumitaw sa isipan niya ang magandang mukha ni Nerissa at hindi nagpaawat ang puso niya sa pagpapakitang gilas sa mabilis na pagtibok niyon. Wala pa yatang isang oras na na-kasama niya ang dalaga pero parang may mahika ito kahit wala namang magandang ipinakita sa kanya ang dalaga ay tila may parte ng pagkatao niya ang nagsasabing tama ang daan na tinatahak ng puso niya.

Kung tuluyan siyang aalis sa bayan na iyon ay baka habangbuhay niyang pagsisihan dahil hindi niya malalaman ang dahilan ng kalungkutan na nabanaag niya sa mga mata nito, kung ano ang pinagdadaanan nito. Bahala na si Batman!

NAPAPITLAG si Issa ng marinig ang sunud-sunod na katok sa may pinto. Nakatayo siya sa harapan ng isa sa limang paintings na sinabi sa kanya ni Manang Lupe na napili daw ng Mama ni Drei. Isang linggo pa bago dalhin ang mga iyon sa Maynila dahil may isa pa siyang tinatapos na painting. Nag-iisp siya kung tama bang lumipat na muli sila ng lugar na titirahan dahil iniisip niyang baka hindi lang si Drei ang makaalam ng kinaroroonan niya.

Take A Chance On Me (Published under PHR)Where stories live. Discover now