PROLOGUE

2 0 0
                                        

"Papa! *sob* hindi mo na po ba.. *sob* kami mahal?" -umiiyak kong sabi

Patuloy lang sa pag aayos si papa. Ni lingon ay wala akong natanggap. Ang sakit.. ang sakit na mas pinili niya ang isa niyang pamilya. Ang sakit malaman na niloko niya si mama.

"Pa! Wag mo namang gawin to please.. paano na kami ng mga anak natin?.. pa naman.. please, wag mo kaming iwan." -pagmamakaawa ni mama kay papa

Ang sakit makitang nasasaktan ang nanay mo.. parang dinudurog ang puso mo. Ayaw kong makitang umiiyak ang nanay ko sa tuwing sinasaktan siya ni papa. Ayokong makita siyang mahina..

Tuloy tuloy lang si papa maglakad palabas ng aming tahanan. Susundan dapat siya ni mama pero pinigilan siya ni ate.
Tiningnan ko si papa na papalabas na ng pintuan at saka ko hinabol ito. Patuloy pa rin sa paglalakad si papa ng tinawag ko ito.

"Papa..." -tawag ko sa aking ama

Lumingon ito at nakita kong may lungkot sa kanyang mga mata. Ngunit wala nanaman akong natanggap na salita mula sa kanya. Tiningnan niya lang ako at saka tumalikod at sumakay sa kanyang kotse. Narinig ko ang pag andar nito at unti-unti itong naglalaho sa aking paningin

Habang sinusundan ko ng tingin ang kotseng sinakyan ng aking ama ay biglang nabunggo ako ng aking ina sa kadahilanang tumakbo ito palabas ng aming bahay upang habulin ang aking ama ngunit siya'y huli na.. nakaalis na ang aking ama..

Napaupo nalang ang aming ina sa damuhan sa sobrang panghihina nito dahil sa dami ng nangyayare ngayon.. Nilapitan namin 'to ni ate at saka niyakap..

"Mama.." -usal ko
"Sorry.. *sob* sorry Ara, *sob* s-sorry grid.. hindi ko nagawang pigilan ang tatay niyo.. ng d-dahil sakin kaya iniwan tayo ng tatay niyo.. sorry sorry.. mas pinili niya ang isa niyang pamilya kesa satin *sob*. Sorry diko magawang ipagtanggol ang pamilya natin. S-sorry..." -paghingi ng paumanhin sa amin ni mama habang siya'y nakayuko at umiiyak. Tinap ni ate ang likod ni mama at pinapatahan ito.
"Wala kang kasalanan ma.. hindi mo kasalanang humingi ng atensyon niya, hindi mo kasalanan ang mahalin siya, ang intindihan siya at ang pagbigyan siya sa gusto niyang mangyare.. Ma! Kasalanan niya yun. Dahil una palang ay alam niyang mahal mo siya pero all these fucking years ay niloloko ka niya! Nagpakasal kayo kahit na hindi ka talaga niya mahal. Hindi siya naging totoo sayo! Siya ang may kasalanan at hindi ikaw. Tama na ma please... tahan na."-wika ng aking ate at pagkatapos ay niyakap ang aming ina

Nakiyakap na rin ako. Nasasaktan ako sa lahat ng nangyayare. At nasasaktan ako pag nakikita kong ganito si mama. Hindi ako sanay, hindi ako sana'y na makitang mahina si mama. Gusto ko lagi siyang nakangiti at nakatawa. Gusto ko lagi siyang masaya. Dahil masaya na rin ako pag nakikita ko siyang ganon. Pero ng dahil sa tatay namin kaya nagkakaganto si mama. Ano bang mali sa ginawa ni mama? Minahal lang naman siya ng buong buo ni mama ah. Pero bakit? Bakit ginawa niya to kay mama!

"Tama na nga ang kadramahang ito.. tara na pumasok na tayo sa loob.." -humihikbang wika ni mama

Napahiwalay kami ng pagkakayakap ni ate sa kanya dahil tatayo na ito. Tiningnan lang namin siya. Nakatingin siya samin ng nakangiti, pero sa ngiting 'yon mababakas pa rin ang lungkot sa mukha nito dulot ng nangyare ngayon.

"Pumasok na tayo.. at matulog na kayo dahil may pasok pa bukas.." -wika ni mama sabay inakbayan kaming dalawa ni ate at naglakad papasok ng aming bahay.
"Hindi po ako papasok bukas.. sasamahan po kita." -ate grid
"Ako rin po." -wika ko. Gusto kong samahan si mama at pasayahin ito. Alam kong malulungkot siya lalo kapag naiwan siyang magisa rito sa bahay.

"Ano ba kayo.. wag niyo kong alalahanin. Kaya ko na ang sarili ko. Marami na kong pagsubok na pinagdaanan. At isa pa ayokong maapektuhan yung pag aaral niyo sa nangyayari sa atin.." -nakangiting wika ng aming ina.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jan 22, 2018 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

THE BADASS NERDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora