CHAPTER 1: KAREN DELA FUENTE: "FIRST ENCOUNTER"

21.1K 325 15
                                    

"Study hard is the key to SUCCESS"

Yan ang palagi kong pinapasok sa kukoti ko para ganahan sa pag-aaral.

Sabi kasi ni nanay na ang edukasyon ay ang tanging kayamanan na hindi makukuha nino man.

Hehehe... Kanina pa pala ako dada ng dada dito hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo.

*(Daldal mo kasi.)

oyy! umepal si author este si deekee.

*(Dali magpakilala ka na sa kanila. Mahaba pa ang estoryang to.)

Ito na oh! wag ka ng epal.

*(Tss!.)

Pasensya na kayo. :)

Ako nga pala si Karen dela Fuente. Anak ako ng nanay at tatay ko. *(umayos ka.)

Sar...rey!

Ito na, 18 years old at kasalukuyang nag-aaral dito sa Sykes University nasa 3rd year na ako ng college taking up Business Management. Sabi kasi nila madali daw yumaman kapag business ang kurso mo.

*(Magbibusiness na rin siguro ako. hehe)

JOKE LANG! Epal talaga tong si deekee.

Kahit naman anong kursong kunin mo basta magpursige ka. Gagaan talaga ang buhay mo.

*(Napakaseryoso mo naman karen. hehehe)

Tsek!

Balik tayo sa LIFE STORY ko... hehehe... Isa akong working scholar dito sa University. Di man kasi kami mayaman na afford ang tuition fee dito. Binigyan naman ako ng puong may kapal ng katalinuhan kaya ako nakapasok dito. :-).

Nandito ako ngayon sa canteen hinihintay ko ang magaling kong bestfriend na tatlongpung minuto ng late. Kakainis talaga tong mga taong hindi marunong magpahalaga sa oras kaya nga hindi umunlad ang pilipinas.

*(may pinaghuhugutan te?!)

Ssshh! wag kang maiingay diyan deekee.

*(zip!)

Makaorder na nga... Nagugutom na ako. Papunta pa lang ako sa counter ng may bumangga sa akin.

"Naku miss sorry!" -at tumakbo na yung lalaki palabas ng canteen. Ngayon ko lang din napansin halos lahat ng estudyante dito sa canteen nagmamadaling lumabas.

Kaya lumabas na rin ako. May fire drill kaya. hehehe. Kasi kapag may fire drill eh walang pasok pati trabaho kaya makapagpahinga ako. hehe. Eh hindi naman naginform kanina at wala naman akong narinig na WANG WANG WANG. *(ambulansya lang) hehehe

Tumakbo na lang din ako at nakita ko ang mga estudyanteng nagkukumpulan.

So, ibig sabihin walang fire drill? kay kung may fire drill diretso ang mga estudyante palabas ng unuversity. eh wala eh..

Ano kayang meron diyan? May artista kaya? Sino? Si Xian Lim kaya? hehehe

Lumapit ako dun at nakikisingit para malaman kung Xian Lim ba ang nand'yan.

Singit.

Singit.

Singit.

"Excuse me po! Ano po bang nanguayari?" Tanong ko dun sa lalaki na nakatingin lang diritso dun sa harapan.

"May binugbog na namang estudyante... kawawa naman yung lalaki kibago-bago pa lang dito na bugbog na agad," Sagot nong lalaki.

Nadismaya ako sa sinabi nong lalaki. Hindi pala Si Xian Lim. Hindi pala artista. Hmmmp wala akong paki sa binubugbog d'yan. As long as di ako involved o di kaya si Jenny. Akmang tatalikod na sana ako ng may biglang bumagsak sa paanan ko.

MY WORST ENEMY TURNS MY GREATEST LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon