Nasa byahe na si Kate papunta sa destinasyon ng kanyang bakasyon sa buwan na ito. Sa tagaytay ang next stop niya.
Huminto ang bus na sinasakyan niya para bigyan ng oras ang mga pasahero upang kumain at umihi.
Kumain siya ha isang eatery doon ..
" aalis na ang bus" sabi ng konduktor.
Tarantang tumayo si kate.
"Ano ba yan nakaka tatlong subo palang ako " sabi niya habang sumasakay.
Nahuli kasi siya ng bili dahil ang daming nakapila doon.
Nung makaupo na siya sa kanyang upuan kanina. Inilagay niya ang sukli ng perang pinagbilhan niya ng pagkain ngunit ang isang libo ay inilipad ng hangin palabas ng bus.
" manong sandali lang po yung pera ko. " sambit niya at nagmadaling bumaba.
Inilipad ng hangin ng kanyang pera doon sa itaas na haligi ng bridge kung saan naka hinto ang bus.
Pinipilit niya itong abutin. Pero hindi niya kayang abutin dahil mataas ito masyado.
" miss sasama kapaba? " tanong ng konduktor kay kate.
Malungkot na tinignan niya ang konduktor at palipat lipat ang tingin niya sa pera.
"hindi nalang ho ".sabi niya habang inaabot ang pera na nasa itaas parin.
Umalis na ang bus at naiwan si kate doon sa bridge.
Sa kabilang banda naman nakasakay si Dave sa kanyang kotse.
Bakasyon ngayon kaya napagisipan niyang umuwi sa provincia nila.
Inihinto niya ang kanyang sasakyan sa may eatery at kumain doon.
Habang nag aantay sa order niya nahagip ng kanyang mata ang isang keychain na nasa mismong mesa na inaakupa niya.
" Let me keep this baka lucky charm " bulong ni dave sa kanyang isip.
Pagkatapos kumain . Inilagay ni Dave sa rearview mirror ang keychain na nakita. Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho ng napansin niyang mukhang tatalon ang isang babae sa bridge.
"Miss miss mag hulus dili ka. " sigaw ni dave habang nagmamadaling pinarada sa gilid ang sasakyan.
Tumakbo si dave papalapit sa babae at agad na niyakap ito sa bewang at inilayo doon.
" Aaaarggghh.. yung pera ko " sabi ng babae nang makitang nahulog na sa tubig ang kanyang pera na inabot kanina pa..
Bumaling nang tingin ang dalaga sa lalaking humila sa kanya.
"Walang hiya ka!! " sabay pinagpapalo ang binata. " wala na yung pera ko dahil sa pakikialam mo "
" hey miss . Teka lang aww-" habang pinipigilan ni dave ang kamay ng babae. " look! Hindi ko sinasadya kung nahulog ko yung pera mo. Nagmamagandang loob lang naman ako sayo. Akala ko tatalon ka".
"Tatalon mukha mo!! " Sabi ng babae at sumakay sa bus na huminto sa harap nito.
"Aish" ginulo ni dave ang buhok niya at sumakay sa kotse at pinaharurot ito .
-------------
Nakarating na si dave sa resort nila.
" Senorito nandito pala ho kayo " bati ng caretaker nila na si manang Anita.
" hi manang, kamusta ho?" Sabi ni dave pag katapos mag mano sa matanda.
"Naku maayos naman hijo . Buti naisipan mong dumalaw naman dito." Sagot ng matanda habang kinukuha ang mga dalang gamit ng binata.
" yes manang .. i miss this place at gusto ko rin makapag relax. Badtrip nga po sa byahe eh. " sabi ni dave habang inaalala ang nangyari kanina.
"Ganun ba? Naku mas mabuting mag pahinga kana .. nga pala kumain kana ba at ipaghahanda kita."
"Hindi na ho manang. Matutulog nalang po ako".
Pumasok na si dave sa kanyang kwarto at sumalampak sa kama hanggang sa dalawin ng antok.
---------------------☆☆
Dumating narin sa wakas si kate sa pagbabakasyunan..
Lumapit siya sa isang matanda.
"Hi po .. dito po ba yung bahay bakasyunan ?"
"Sino sila? .." tanong ng matanda kay kate.
" ahh si kate po .." nagmano sa matanda.
"Ikaw ba ang papalit kay bianca dito?"
"Papalit na ano po? Hmmm ... "
"Katulong iha"
"Ahh hindi po magbabakasyon lang po"
" ganun ba? Pasensiya na may inaantay din kasi ako ngayon.. halla sige tumuloy ka doon sa ikalawang palapag."
------------☆☆☆☆☆
Pagkagising ni kate mula sa nakakapagod na tulog ay bumaba na siya kung saan ang kusina.
Naabutan niyang nagluluto si manang anita.
"Hello po manang, pwede po bang makitawag? Naubusan na po kasi ako ng load" sabi ni kaye habang bitbit ang kanyang cellphone.
"Oo naman. Andun ang telepono " turo ni manang sakanya.
Habang busy sa telepono si kate ay siyang baba naman ni dave. Napansin niya yung babae sa telepono.
"Manang sino ho siya?" Umuopong tanong ni dave kay manang.
"Ahh bakasyunista.." tipid na salita ni manang.
Saktong pagkatapos ni kate tumawag ay siya ring pag tayo ni dave sa upuan ay sabay nilang tinignan ang isat isa.
"IKAW!!?? / IKAW??!!!" Sabay nilang bitaw.
Naguguluhan man ang matanda ay pumagitna ito.
"Magkakilala kayo?"
"Siya po kasi manang yung pakialamerong nakawala ng pera ko" galit na sabi ni kate.
"Kinuha mo ang pera niya?" Tanong ni manang at tumingin kay dave.
"NO! " pasigaw na salita ni dave " alam niyo po manang nagmagandang loob lang naman po ako kasi nakita ko siyang umakyat sa bridge".
"magpapakamatay ka?" Baling naman ng matanda kay kate.
"Hindi.!..Inaabot ko lang naman po yung pera ko at hindi ako magpapakamatay .. masyado lang po kasing pakialamero". Ismid ni kate.
Umalis si manang sa pagitan nang dalawa at nag bigay ng makabuluhang ngiti.
"Fine . Its my fault. Magkano ba ang pera na nawala sayo. Ill change it."
"Wag na!" Sabi ni kate at umakyat ulit papuntang kwarto.
---------☆☆☆☆☆☆-------------♡♡♡♡♡♡♡
YOU ARE READING
Serendipity
RomanceKate Evangelista is an advertising secretary girl and the bread winner of the family. Dave Thompson is a frustrated businessman who dreams to own his restaurant. The two started on the wrong foot. Nonetheless became friends while on vacation.Finds a...
