(Oneshot) "Tanungin Mo Nga Ako"

Magsimula sa umpisa
                                    

Napatingin siya sa akin atsaka tumungo at dali-daling kinuha yung ballpen at notebook na nasa silya niya. Mukhang naiwan niya kaya bumalik pa siya.

Agad naman siyang umalis.

Ako? Ayun, pasimpleng kinuha yung bag ko para kunwari, wala siyang effect sa akin.

Pero sa totoo lang, halos mangisay ako.

May pagka-awkward kasi kaming dalawa sa isa't isa.

Napaka-active kasi niya. Maingay rin siya at pala-tawa. Ka-close niya nga lahat ng mga kaklase namin eh... maliban sa'kin.

Saklap di ba? Kaklase ko nga yung crush ko, hindi naman kami close -__-

Gusto ko siyang maka-close bago grumaduate. Pero... hindi talaga ako nagkakaroon ng chance na makausap siya kasi nahihiya ako.

* * *

1 week before summer break.

Nagising ako ng maaga. Wala lang, trip ko lang. Exam kasi namin mamaya tapos hindi ako nag-aral masyado. Kaya plano kong sa room na lang mag-aral. Finals din yun kaya kailangang mataas para naman sure graduate ako.

Pagbukas ko ng pinto ng classroom, nakita ko si Mica.

Napatingin rin siya sa akin habang may hawak na notebook.

Shiii-t. Ito na ba ang chance para makausap siya?!

Ok.

Chill.

Baka mangatog boses ko! Napaka-pangit tingnan kung yun ang mangyari!

"Aga mo ah," sabi ko habang sobrang lakas ng kabog ng puso ko.

Tumingin lang siya sa akin at mukhang nagtataka dahil kinausap ko siya. Shiii-t! Nakakahiya! Sana hindi ko na lang siya kinausap!

Umupo na lang ako sa may upuan ko.

So... susuko na ba ako?! Hindi pwede!

Kinuha ko yung isang notebook ko atsaka tumayo at lumapit sa kanya.

Napatingin siya sa akin kaya kinuha ko yung upuan na malapit sa kanya.

Hanggang wala pang tao, alam kong kaya ko ito! 

"Tanungin mo nga ako" sabi ko sa kanya habang inaabot sa kanya yung notebook ko.

"H-huh?" sabi niya naman atsaka kinuha yung notebook ko.

Nagsimula naman siyang buklatin yung notebook ko.

Sana tama ang maisagot ko para hindi siya ma-turn off sa'kin. Gusto kong isipin niyang matalino ako! Uh... may utak naman ako kahit papaano... Hindi nga lang pang honor roll... pero ayos na rin yun.

"Uhm..." panimula niya kaya kinabahan ako. Sana alam ko ang sagot, please!

"Sino ang crush mo?" tanong niya kaya napatingin agad ako sa kanya.

Bigla akong namula kaya umiwas ako ng tingin. Shiii-t. Ba't niya yun naitanong?! Sasabihin ko ba? Aaminin ko ba?! Pero... paano kung mabasted ako?! Shiii-t lang talaga!!!

"Yung tanong naman na related sa subject..." pasimple kong sabi.

Tumingin siya sa akin, "Ah... yun lang kasi ang nakasulat sa notebook mo."

Napaisip ako sa sinabi niya. "Ha?"

Napa-ubo siya at tumingin siya sa notebook ko. "Nagsusulat ako ngayon kasi ang boring. Atsaka wala pa kasing laman itong notebook ko sa history."

Huh?

"Ang tagal kasing dumating ni Ma'am. Sana hindi ako antukin."

Parang...

"Pero ang mas matagal pala ay ang pagdating ng aking crush."

Napatingin agad ako sa kanya. "T-teka!" sabi ko at kinuha sa kanya yung hawak-hawak niyang notebook.

Pakshii-t! Ba't yun pa ang nakita niya?!

Nakita kong napakagat siya sa labi niya. Nagbuklat siya at saka inabot ng kanyang notebook sa akin. Kinuha ko na lang yun kasi nahihiya na talaga ako.

"Tanungin mo nga rin ako" sabi niya kaya napatingin ako sa notebook niya.

Pinigil ko naman ang ngiti ko nang makita ko yung scribble doon sa notebook niya. Nasa gilid lang ito at mukhang sinulat niya habang nagdidiscuss si Ma'am.

I ♥ Joshua

Mica ♥ Joshua

Mishua ♥♥♥♥♥♥

Tumingin ako sa kanya habang siya ay hindi makatingin sa akin.

"Complete the sentence," sabi ko kaya napatawa siya. "I ♥ ___?"

"You." sagot niya sabay takip ng mukha.

"Ang haharot!!!" sabi pa niya kaya di ko na napigilan at napangiti na ako ng sobra.

Gusto ko lang mapalapit sa kanya pero tingnan mo yung nangyari! Shiii-t!

(Oneshot) "Tanungin Mo Nga Ako"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon