Teka, tangina. Bakit ang pogi at sexy niya? Pero shet!

"Don't joke with me like that!" saad ko nang makabawi at sinamaan siya ng tingin. Doon na siya tuluyang bumulanghit ng tawa. He dissolved in a ripple of laughter as his chest moved up and down.

"If you could only see your reaction!"

"Ang happy mo naman!"

"Eh 'di, sorry!" natatawang saad niya. My eyes went huge and a gasp escaped from my mouth as I recalled what he said. Teka, that was a Filipino expression! Shuta?

"Nakakapagsalita ka ng Filipino?!"

"At nakakaintindi rin." He winked at me and flashed me a goofy smile. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata. Holy fuck?

'Di ko mapigilang kunin ang isang unan at itapon ito sa kanya na mabilis niya namang nailagan. Pinanlakihan ko siya ng mga mata at dinuro-duro.

"Three days! Gano'n ako katagal sa madugong labanan ng pag-e-English tapos nakakaintindi ka pala!" Ano ba! Pinaglalaruan ako ng gago!

Muli akong kumuha ng unan at hinampas nang hinampas sa kanya. Tawa lang siya nang tawa habang iniilagan ang bawat hampas ko. Shit!

"Sorry na! Sinasabayan lang kita! Ang cute, eh!"

"Che!"

I leaned towards him and was about to give him a hard blow when my balance suddenly became unsteady. Nanlaki ang aking mga mata at nabitawan ko ang unan. Tila bumagal ang takbo ng oras.

Lumipad sa ere ang unan at kumawala ang sigaw sa aking lalamunan. Akmang kakapit na ako sa headrest ng couch nang tuluyan na akong mag-landing.

Mag-landing sa itaas ni Morpheus.

My mouth let out a gasp as my heart kicked inside my ribcage. I can see myself in Morpheus' dilated eyes. Ramdam ko ang init ng mga palad niya na nakahawak sa magkabilang gilid ng aking bewang. Ang init ng kanyang mabangong hininga ay tumatama sa aking labi.

Gano'n kami kalapit.

For a moment, none of us moved. Kapwa lang kami nakatingin sa isa't isa na halatang gulat na gulat sa pangyayari. Nahihirapan akong igalaw ang katawan ko at napako ako sa aking kinaroroonan dahil sa mga mata ni Morpheus na tila nilulunod at binabasa ang kasulok-sulukan ng puso ko.

Damn. What is happening?

Kita kong bumaba ang kanyang mga mata sa aking mga labi, and his pupils dilated even more. My eyes landed on his Adam's apple when it moved, at doon tuluyang nawala ang halina na ibinuhos ng kung sino sa akin.

Fuck!

Mabilis akong bumangon nang hindi siya tinitingnan. I could feel my cheeks burning. Paulit-ulit na naglalaro sa aking isip ang posisyon namin kanina. Damn! This is so fucking awkward!

I cleared my throat and distanced myself from him. "Kwarto muna ako," saad ko sa mababang boses at mabilis na tumayo. Dali-dali akong naglakad papunta sa aking kwarto at nang makapasok, napasandal ako sa dingding at napahawak sa puso ko.

Kumakabog ito nang mabilis. My heart is screaming inside my lungs. Sino ba naman kasi ang hindi makakaramdam ng ganito? Kahit yata manhid, kapag napunta sa gano'ng sitwasyon tapos si Morpheus pa, talaga namang sisipa ang puso, eh!

Pinikit ko nang mariin ang aking mga mata at kinagat ang aking mga labi. Pinilit kong ialis sa isip ko ang pangyayari kanina.

Damn! This is going to be so awkward!

PERO HINDI NANGYARI ang inaasahan ko.

"Kain na! Luto na ang kanin!"

Kumunot ang aking noo nang makitang kanin lang ang nasa lamesa. Umuusok pa ito at halata talagang bago pa ito inihain. Bakit kanin lang?

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now