"Pahiram nga 'yang camera mo" sabi ko habang inaabot ang camera. Inilag naman ito ni Jacob. Kahit kailan hindi niya talaga to ipinapahairam. Naiinis na nga ako eh. "Sige na please" pakiusap ko.
"Tss. Pakialaman mo lang ang lahat ng gamit ko Athena, huwag lang ang camera ko" naiiritang sabi nito. Psssh. Ano ba kasi ang tinatago niya diyan. Nalungkot ako habang tinitignan ang camera na nasa table niya. Nacu-curious kasi ako sa laman nun.
NARITO kami kasi sa kwarto niya. Abala kasi siya sa pagnunuod ng tv, at ako, nalumbaba. Tss.. Gusto ko na ngang umuwi. Ano ba talaga ang gagawin ko dito. Tatanga ? Hindi niya naman ako pinapansin. Pinapunta niya lang ako sa wala. Hmmmp.
Tumayo ako. Nag-angat siya ng tingin. Nakataas ang kilay nito. Sinimangutan ko siya.
"Saan ka pupunta" tanong nito. Tinalikuran ko lang siya. "Huy" natataranta siyang tumayo. Akmang lalabas na ako ng hinawakan niya ang door knob at ni-lock ang kwarto.
"Ano ba ? Open the door Jacob" naiiritang sabi ko at napakamot sa ulo.
"NO! What's the matter of you Athena ?" Natatawang sabi nito.
"Why ?"
"Anong Why ?"
"Why didn't you let me borrow your camera ? Even at once." Malungkot na sabi ko habang nakayuko. Tiniklop ko ang aking kamay. Napakamot siya sa ulo. Ang cute pero grrrr nakakainis.
"Hahahah. Hindi pwede. Dahil ibibigay ko yun sa SPECIAL SOMEONE ko." sabi niya at hinila ako tapos inakbayan. Napasimangot ako. "Ang cute mo talaga kapag naiinis ka. Hahaha" sabi niya sabay pinch sa cheeks ko. Tinapik ko iyon. Lintek na SPECIAL SOMEONE na yun.
"Tsss"
PUMUNTA kami sa mall, niyaya niya ako. Pambawi siguro. Hinila niya ang kamay ko papuntang World Of Fun. Nakangiti siya sa akin. Napangiti na lang din ako. Nakakadala ang ngiti niya. Hindi ko din siya matitiis eh.
Kahit ganun siya KADAMOT SA CAMERA niya, mahal ko parin siya. Hahahha. MAHAL ? Matagal na. Pero sinekreto ko lang dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Kontento na ako sa ganito.
"Tara. Bump Car tayo" tumango ako. Pumila kami, tiniis namin kahit mahaba. Oo ang haba talaga. Nang makarating na kami sa cashier, nainis ako dahil nagpapacute si Ateng pangit kay Jacob. Kulang nalang tutulo ang laway nito.
Hinampas ko ang table nang dalawang beses na nasa harapan niya. Mabuti't hindi glass kundi masisira talaga ito. Nagulat ang babae, at bumalik sa katinuan. "Bilisan mo ang bagal, marami pa kaming puntahan ng BOYFRIEND KO" namula ang mukha niya sa hiya. Maraming nagtawanan. Tsss. Nakakainis. "Trabaho muna bago landi" bulong ko.
Natawa naman ang nasa likuran ko. "Easy Babe" natatawang sabi niya. 'Babe ?' Tsss. Nakisabay rin. HUWAG MO AKONG PAASAHIN. Sigaw ng utak ko. "O miss. Narinig mong sabi ng GIRLFRIEND KO. Trabaho muna bago landi" natatawa nitong sambit.
Sumakay na kami sa bump car. "Boyfriend pala ah" nakangiting-asong pang-aasar niya. Uminit ang pisnge ko. Inakbayan niya ako habang inaasar.
"Tumahimik ka nga" sabi ko't tinanggal ang kanyang braso. Ang bigat. Hihi. Pero okay lang.
"Hahahahahaha." Tawa kami ng tawa dahil marami kaming nagkabungguan. Umikot siya at nabunggo naman ang isa. "Kyaaaaaaah" sigaw ko. Grabi. Ang saya. Kumapit ako sa braso niya. Tumawa siya ng malakas. Tumingin ako sa kanya, kumikislap ang kanyang mga mata. Napangiti ako. Ang gwapo niya talaga kahit kailan. Bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Napasulyap siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Napailing nalang siya.
