Pwede nang gawing salamin.

A chuckle came out from him. Kita ko ang pagyugyog ng matitipuno niyang balikat. Damn! Bakit ba ang sexy niya tumawa?

"You really think you're dreaming?" He asked amusedly, his eyes twinkling. Kumikinang ang kanyang mga bughaw na mata gaya ng kung paano kuminang ang karagatan sa ilalim ng sikat ng araw.

Hay, may new crush ulit ako!

"Hey, Three A's."

Napakurap ako nang pinitik niya ang aking noo. Pero ano raw? Three A's? What's that?

"Three A's?" tanong ko na may pagtataka.

He shrugged. "Your name. You have three A's in your name." He caressed the side of my waist which almost made me jump. Muntik na akong mawala sa katinuan dahil sa kanyang ginawa kung 'di lang ako naging maagap na gumising.

Putakte. Bakit ba siya nangyayakap, ha?

Pero gusto ko naman!

"That's a cute nickname, Morpheus," nangingiting-saad ko at niyakap siya pabalik. Oh lala, ang yummy niya naman!

I tilted my head upwards to meet his eyes. "Can I call you Murphy?" Masyadong mahaba kapag Morpheus!

Kita kong para siyang natigilan habang nakatitig sa akin. Sobrang lapit ng mga mukha namin na siyang nakapagpatuyo ng aking lalamunan.

Tangina. Hooh, Lord. Panaginip lang 'to, pero bakit naman ganito? Hindi pa ako ready sa matured roles!

Aalisin ko na sana ang aking pagkakayakap sa kanya nang bigla siyang magsalita,

"Yeah, you can, Three A's."

I smiled upon hearing that nickname. Three A's and Murphy. That's such a cute nickname! Feeling ko tuloy, upgraded na ang relationship namin kahit wala kaming label!

I was about to say something when I heard my alarm ring. Natigilan ako at napatitig sa kanya. Rinig na rinig ko ang tunog ng alarm ko.

Pero. . .

Bakit hindi ako nagigising?

I mean. . .

I blinked my eyes. Nakatitig pa rin sa akin si Murphy, and I'm staring back at his blue eyes. Kumabog nang malakas ang aking puso at nanigas ang aking katawan.

Shit. 'Di kaya. . .

Nanlaki ang aking mga mata at malakas akong napasinghap. Sunod-sunod akong napalunok habang pilit pinagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.

"Your alarm clock is ringing, Three A's. Time to move."

Malakas akong napatili at napabalikwas ng bangon nang bigla siyang magsalita. Wait, what the fuck?

Nakahiga pa rin siya sa kama, but he propped himself up using his elbow without taking his eyes off me. Ang kanyang pisngi ay nakadikit sa kanyang kamao at may ngisi na sumilay sa kanyang mga labi.

"See? I told you, you're not dreaming," he said, chuckling.

Putangina! Paano?

"HOY! ANYARE? GUSTO mo i-shat natin 'yan mamaya?" saad ng isa sa mga kaibigan kong si Cane. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa akin. Bigla akong na-bother sa eyeliner niyang hindi pantay kaya mabilis kong iniwas ang aking tingin.

"Nah. Hard pass." Iniwasiwas ko ang aking kamay at umiling.

"Mukhang problemado ka, ah. Mamaya, pagkatapos ng klase. Inom na 'yan. Saturday naman bukas," ani naman ni Manel. Ang kanyang mga singkit na mata ay nanlalaki.

The Dreamer's NightmareWhere stories live. Discover now