2 am Talks

232 8 4
                                    

"Dios mio!" Nagkanda untog-untog ako sa loob ng aking sasakyan nang dumulas ang mga gulong nito sa basang daanan ng Loboc Manmade Forest.



Natigil ang sasakyan ko sa gilid ng daan sa tapat ng isang sharp right turn sign. Bumaba ako sa aking Trailblazer at sinubukang tignan ang makina, kahit wala akong kaalam-alam sa ganitong bagay. Great! Sa gitna ng ala una y media ng madaling araw, masisiraan ako sa madilim at walang taong daanan. Hindi naman siguro galit sa'kin ang mundo para mangyari 'to, 'di ba? Sinubukan kong mag-abangan ng sasakyan sa daanan para mahingian ng tulong, pero mukhang maaga 'ata ang dalaw ng kamalasan sa'kin, walang dumadaan.



"Kailangan mo ba ng tulong, miss?" Lumingon ako sa isang matangkad na lalaki na bumaba sa kanyang Pajero Sport, bahagyang magulo ang buhok niya, at moreno ang kulay ng balat niya.

"Dumulas yung gulong ng sasakyan ko, eh, hindi naman ako marunong mag-ayos. Eh, ikaw? Kaya mo bang ayusin ang sira kong puso na dinurog niya? Bakit hindi ka sumagot, ha?" Makikita na ang ekspresyon sa kanyang mukha na bahagyang gulat at lumingon siya sa paligid.

"Ayusin na lang natin yung sasakyan mo. Doon tayo sa gasoline station, mas maliwanag 'dun." Wika naman niya at inayos na ang chain na ikokonekta niya sa sasakyan ko. Sumakay ako sa Trailblazer ko at sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan niya.


Nang marating namin ang gasolinahan, sarado na ang services, kaya siya na lang ang nag-ayos. Seryoso ang mukha niya at mukhang hindi siya ngumingiti, mukhang abala pa 'ata ko sa lalaking 'to, eh! Siya naman yung nag-alok, siya yung pumasok sa sitwasyong 'to, tapos hindi naman pala bukal sa loob niya?!


"Tapos na." Nakita kong pagtulo ng pawis niya mula sa ulo at bahagyang nadumihan ang damit niya sa pag-aayos ng sasakyan ko.

"Oh, buti naman pala naayos pa, eh yung puso ko, kailan naman kaya? Sige, thank you, ha! So, alis na ako, ah? Salamat." Pamamaalam ko sa kanya.

"Wait! Do you wanna eat?" Simple niyang alok, gusto kong tumanggi, pero biglang kumalam ang tiyan ko kaya pumayag na lang ako.


Biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan kaya pumasok na ako sa loob ng convenient store sa gasolinahan na ito. Natanaw ko ang lalaki na tumulong sa'kin na, na sa counter.


"'Eto yung ramen at juice mo. Okay lang ba 'yan sa'yo?" Napatingin ako dala niyang pagkain.

"Kapag ba sinabi kong hindi okay, papalitan mo ba?" Inirapan ko siya at kinuha yung ramen na dala niya.

"Ano bang meron sa lahat ng hugot mo? Akala mo ikaw lang? Hindi lang ikaw ang heartbroken dito." Kinuha niya ang alak na binili niya at agad uminom dito. Bahagya akong lumingon sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Oo, heartbroken rin ako at sa bawat hugot na sinasabi mo, pinapaalala mo lang lalo sa'kin ang lahat ng sakit." Uminom ulit siya ng alak at nilingon ako, na umiihip sa mainit na sabaw ng aking ramen.

"May 7, 2013, tandang-tanda ko ang araw na nakilala ko siya. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, parang bumagal ang buong mundo, at parang naka inom ako ng isang baldeng kape sa sobrang kaba nang makita ko siya." Bahagya akong napalingon sa seryosong kwento niya. Ayokong i-bida nanaman ang lahat ng hugot ko sa kanya. Ngayon, alam ko nang nasasaktan rin siya, at ayokong maging insensitive.

"Matangkad, mapayat, maputi, at parang diyosa yung kagandahan niya. Sa bawat kurap ng mga nagnining-ning niyang mga mata, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Na sa bar kami 'nun, at kahit pa maraming babae sa paligid namin, siya lang ang tangi kong nakikita. Sa malakas na musika at tunog sa loob ng bar, boses niya lang ang tanging mga naririnig ko." Bigla akong napaisip sa mga sinasabi niya, pinapantasya rin kaya ako ni Kieffer kagaya ng pagpapantasya ng lalaking 'to sa ginugusto niya?

One Shot: 2 am TalksHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin