"Mama naman!" sabay binato ang bag na hawak. Kagagaling lang kasi nito sa paaralan niya.
"Sana man lang inisip ninyo ho 'yun magiging reaksyon ko! 'Yun sasabihin ko at 'yun mararamdaman ko po!" Inis na inis na sigaw niya sa nanay niya na tahimik lang habang nakayuko na nakikinig sa kanya.
Flashback
Nang naglalakad na pauwi si Emilio ay naka-receive siya ng text galing sa chismosa niyang baklang kapatid.
From: Kyah beklang kulangot
Emilio my baby brother! I have bad and good news for youuu! Unahin ko yun bad since alam ko naman na yun ang first thing na gustong malaman ng halos lahat ng mga tao. Kaya ang bad news ay tinuloy nga talaga ni Mama ang plano na nababasa niya sa wattpad! Jusmeeeee sinubukan ko talaga siyang pigilan baby boy kaso pinagpapalo ako ng tsinelas! Sayang beauty ko noh! Ang good news naman ay grabe si mama na magsasabi sa'yo kaya umuwi ka na ngayon at kumalma okie? Lab you my only one cutie loving makulit na gwapo baby boy brotherrrr
*end text*
Pagkatapos na pagkatapos ay tumakbo na ito pauwi. Habang sa kanyang pagtatakbo na tila para bang may humahabol sa kanya ay kinakausap niya ang sarili
"Hindi ito pwedeng mangyari! Marami pa akong plano sa buhay! AYAW KO PA NG ASAWA! LORD HELP ME BAT KASI NA-ADIK SI MAMA SA WATTPAD-WATTPAD NA 'YAN PATI AKO NA 'DI NAGBABASA NADADAMAY! NAKAKASAL AKO SA WALANG ORAS! PLEASE NAMAN AYAW KO PAAAAAAAAAAA!"
End of flashback
Napahingang malalim si Emilio at umupo sa kahoy na upuan nila na nasaktan ng slight dahil sa pabagsak niyang upo. Ang gulo-gulo na ng isipan niya. 'Di na niya alam ang gagawin. Parang gusto niyang pumapak nang maraming asin sabay inuman ng RC. Parang gusto niyang tumalon sa tulay kaso naalala niya di nga pala siya marunong lumangoy. Basta gan'un na ang tumatakbo sa isipan niya. Habang nangyayari ito sa utak ni Emilio ay lumapit ang kanyang nanay at hinawakan ang buhok niya. Sa ayaw man o sa ayaw ni Emilio ay 'di siya umaamin na nasasarapan kapag may naghihimas sa buhok niya kaya naman ang naging palayaw ng nanay niya sa kanya ay "Mingming".
"Mingming" malambing na sabi ng nanay
" 'Wag ka na galit sa akin. Hayaan mo muna magpaliwanag si Mama" sabay himas pa sa buhok ni Emilio. Alam ni Emilio na nasasarapan na siya kaya tinulak niya ang kamay ng nanay niya. Huminga naman ng malalim ang nanay na naging dahilan sa pagsimula ng pagluha nito
"Patawarin mo si mama 'nak. Ito nalang kasi ang naiisip kong paraan para man lang mabayaran kahit 'yun utang lang natin sa bangko"
YOU ARE READING
Ang Kontrata ni Madam
FanfictionA 17-year-old boy who's forced to be a servant of a woman who is older than him and the CEO of a famous clothing company. Paano kaya magkakasundo ang dalawa? Posible bang maging komportable ang dalawa sa isa't-isa? Posible din bang ma-inlove ang isa...
