Chapter 4: Sa ilalim ng katauhan ni Luke Ainsgate.

Începe de la început
                                    

 

“Asa ka pa gago! Sa dami ng pinagdaan ko ay sobrang hirap na ang umiyak para sa’kin! Mga naipon kong luha ang ginamit ko syempre.” Inis na pagkakasambit ni Luke.

 

*Hahaha! Wag kang magalit! Alam ko naman ang bagay na yon eh! *Hahahah! Masayang pagkakasambit ni Carl.

Ilang sandali pa ay sabay napalingon ang dalawa sa may pinto, dahil nagbalik na sila Eimi at Krystine.

 

“Mabuti naman at gising ka na, Luke.” Nakangiting pagkakasambit ni Eimi.

Matapos magsalita ay sabay ng lumapit ang dalawa kila Luke at Carl.

“Hello, ako nga pala si Carl Culwen. Kaibigan ako ni Luke at katulad niya ay isa din akong transfer student dito. Nabalitaan ko kasing nawalan daw siya ng malay, kaya nagpunta ako dito.” Sambit ni Carl sa dalawa.

 

“Hello, ako nga pala si Krystine Verdandi, classmate ako ni Luke.” Magalang na pagkakasambit naman ni Krystine kay Carl.

 

“Eimi Vladimirs, kaklase din ako ni Luke.” Sambit naman ni Eimi.

 

“Kayo ba ang nagdala sa’kin dito sa clinic?” Tanong naman ni Luke.

 

*Uhm! Nawalan ka kasi ng malay kanina matapos kang tamaan ng suntok ni Sese.” Tugon naman ni Eimi kay Luke.

 

*Ahh! Naalala ko na, nasuntok pala ako! Lokong yon, hindi ba niya alam na isa akong tao!?” Galit na pagkakasambit ni Luke.

Sa mga oras na ito ay pinipilit ni Carl ang kaniyang pagtawa. Napansin naman siya ni Luke, kaya nainis siya dito ng konti. xD

“Wag ka ng mag-alala sa bagay na yon, ako na ang bahala sa kaniya. Maiba ako, kamusta na nga pala ang pakiramdam mo?” Sambit muli ni Eimi kay Luke.

“Okay na ako. Nakakapagtaka nga at wala na akong nararamdamang sakit, parang hindi ako nasuntok.” Tugon naman ni Luke.

 

“Mabuti naman, agad ka kasing ginamot ni Krystine. Isa kasi siyang mythical shaman ng elf.” Sambit muli ni Eimi.

 

“Talaga? Whoa! Maraming salamat ah!” Sambit muli ni Luke.

 

“*Fuwahahahahahaha! *Buwahahahahaha! *Wahahahahahaha!” Malakas na pagtawa ni Carl.

Agad namang napalingon sila Eimi at Krystine kay Carl at nagtaka kung bakit ba ito malakas na tumatawa. Nabadtrip naman bigla si Luke dito. xD

School of Myths: Ang ikalawang aklat (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum