Part 2

11 0 0
                                    

Christine's POV

Hay tapos na naman klase namin. Wala naman masyadong ginawa. Nagmamadali na akong umalis sa room. Nagbabye lang ako sa mga Love birds at nauna na.  Habang palabas na ako ng gate saka ko lang natandaan na nakalimutan ko ang earphone ko kay Joemel pero hinayaan ko na lang at nagsimula nang maglakad ulit. Tatawid na sana ako nang tinawag ako ni Joemel, alam kong ibabalik niya na yung earphone ko pero tumingin ako sa kanya at sinigawan na lang siya na " Bukas na lang. " Nagpatuloy pa rin ako paglalakad habang tinitignan ko sya nagbababye na ulit kasi ako nun ng 'di ko namalayan na nasa kalsada na ako. At ayun nabangga ako ng kotse. Napapapikit na ako pero nilabanan ko lang at pinilit tumingin sa mga taong nagkukumpulan at nagbubulungan sa tabi ko. Nakakarindi yung pagbubulungan nila. Pero may mga naaninaw pa akong mukha at ito ay ang mukha nina Joemel at AJ. Di ko alam na pinuntahan pala ako nun ni Joemel kasama si AJ at sinugod nila ako sa Ospital. Hanggang sa tuluyan ko nang maipikit ang mata ko.

Joemel's POV

Nandito ako ngayon sa Ospital dahil nga nabunggo si Ate Christine at sinugod namin siya dito. Binabantayan na rin namin siya dahil siya lang pala ang tao sa bahay nila at walang magbabantay sa kanya. At nakakatawang isipin na kung sino pa yung tinuring na BESTFRIEND ni Ate Christine yun pa yung nakabunggo sa kanya. Tanga tanga talaga nun. Tatanungin nyo pa ba kung sino?. Edi malamang si RAYMOND! Tsk. Tutulungan na sana niya kami na isugod sa Ospital si Ate Christine kaso hindi ko siya pinayagan kasi nga naiirita lang kami, ako to be specific. Kasi nakakairita naman talaga e. Buti na lang at di nakita ni Ate na si Raymond pala yun. Na si Raymond na BESTFRIEND niya ang nakabunggo sa kanya. Hinintay na lang namin yung doctor para malaman kung ano ang resulta nung X-Ray ni ate. Sabi ng doctor ay ok lang daw sya buti na lang daw at Minor Injuries lang ang natamo ni ate. Salamat sa Diyos at nakuuuu kung malala yung natamo niya baka makapatay ako ng tao. Sorry po Papa God.

AJ's POV

Dito kami ni Joemel magpapalipas ng gabi sa Ospital kawawa kasi si Christine. Naghiwalay na sila ni Raymond. Nabunggo siya ni Raymond tapos ngayon wala pa palang kasama sa bahay. Hay nako. Tapos si Joemel naaawa kay Christine dahil nga ayun nabunggo sya ni Raymond. Tsk! Buti na lang daw talaga at minor injuries lang ang nakuha ni Christine dahil baka magkapatayan lang silang tatlo kasama si Erinn. Sinabi na rin ng doktor na pwede na raw siya makalabas within 2 days o kaya kinabukasan pwede na siyang lumabas. Nagising na si Christine at parang normal na araw lang yun para sa kanya at kung magreact siya or kumilos at magsalita ay parang hindi siya nabunggo. 

" Buti na lang may ipon pa akong pera kundi tatawag pa ako sa Mama at Kuya ko. Bubulyawan lang ako ng mga yun. " natatawang sabi ni Christine.

Nakakatuwang isipin na kahit madami na ang nangyari kay Christine sa simula pa lang ng taon na pag-aaral niya dito. Nagagawa pa rin niyang ngumiti at tumawa. Nagagawa pa rin niyang magpagaan ng loob ng kaibigan niya. Mabuti na lang at naghiwalay sila ni Raymond hindi niya deserve ang kabaitan ni Christine.

" Lalo na si Mama! Nakuuuu. Pag nag-alala yun ng sobra mahihimatay yun kahit maliit na bagay lang yung nangyari sayo. Hahaha. " kuwento pa ni Christine.

" Nga pala, kilala niyo ba yung naka bunggo sakin? " tanong ni Christine habang tinitignan kaming dalawa ni Joemel.

Oh shemay. Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Nagkatitigan lang kami ni Joemel dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kay Christine. Tinignan ko si Joemel na para bang sinasabi ko na " Ikaw na magpaliwanag or gumawa ng istorya. " mukhang naintindihan niya din naman kaya nagpaliwanag na siya. 

" Ah kasi... Di namin alam e. Naging busy kami agad nung dadalhin ka na sa Ospital. " palusot ni Joemel. 

" Weh di nga? " pagdududa ni Christine. 

Oh God bakit po kasi ang hirap magsinungaling?

" Di talaga namin kilala Ate. Maniwala ka na lang please? " pakiki-usap ni Joemel

" Ohkayyyyy. If you say soooo. " sabi ni Christine na para bang nagdududa pa rin. 

Nagpatuloy kaming tulungan si Christine sa mga kailangan niya. Inayos na din namin ang gamit ni Christine dahil bukas ng umaga ay babalik na rin kami sa school. Mabuti na lang at di na kinulit ni Christine si Joemel kung sino ang nakabunggo sa kanya. Ayaw nga kasi ni Joemel na malaman ni Christine na si Raymond ang nakabunggo sa kanya. Di talaga siya makaget over dun sa nangyari na yun. Wala e. Kaibigan at Ate - Atehan nila yung involved sa nangyari at sa kamalas-malasan naman ay si Raymond ang nakabunggo kay Christine na siya ring kinaiinisan ni Joemel at Erinn. Hayy hayy.

My Ex Will Always Be My NextOù les histoires vivent. Découvrez maintenant