Simula

22 4 6
                                        

Simula

Medyo matagal tagal narin simula nung huling beses akong maligo. Char lang.

Matagal tagal ko narin palang tinatago tong nararamdaman ko sa kanya. Siguro kung naging kami simula nung nagustuhan ko siya baka naka ilang anniversary na kami hahaha. Pero mukhang malabo bes.

Bakit kasi ang isang Keanna Vertosa na kagaya ko pa ang magkakagusto diyan sa nag iisang Sammuel Marquez na yan. Nakakaloka.

Bakit kaya ganun? Kung sino pa yung taong malabong makatuluyan natin, sa kanila madalas nahuhulog yung mga puso natin. Adik ata tong si Kupido eh...lakas ng tama kung sino sino nalang pinapana.

Actually kaya nga HRM kinuha ko kasi HRM din siya eh. Kaso lang di pwedeng matupad ang propesiya. charot. Dahil nauna siyang pinanganak sa akin kaya impossibleng maging mag classmate ang 3rd year College sa 4th year College. Kaya hanggang sulyap lang sa room kapag mapapadaan.

Ewan ko ba sa lalaking yan. Masipag naman ako, masipag din siya. Magalang naman ako, magalang din siya. Wala naman akong bisyo, wala din naman siyang bisyo. Ang pogi pogi niya pa, ako din naman maganda rin este mabait naman hahaha. Diba perfect match kami. Kaso may mga bagay talaga na pwede naman kayo kaso kung iba ang tinitibok ng puso niya, wala kang magagawa dun.

Hayysss!!! Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why? char lang. Di bale balang araw baka ikaw rin at ako...pagdating ng panahon, baka na traffic lang kaya hindi pa pwede ngayon.

Basta tiwala lang, family friends naman kami eh. Tapos every weekend nandun naman kami sa bahay nila. At close ko pa mga ate niya lalo kay Mommy este kay Tita, kaya hintay lang...mai-inlove din sa akin yang si Bebe Sam.




Papasok papala ako.....

Same Name But Different StoryWhere stories live. Discover now