"Okay then, sa Monday magiging official ka ng secretary idadaos pagkatapos ng flag ceremony. Make sure na gumawa na ng speech mo okay?" Inilahad niya ang kamay niya sa akin.

"Deal?" Dagdag niya
Kinuha ko ang kamay niya at marahang nakipag-shake hands

"Yup Pres bye I have to go" tumango siya.

Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa library. Nilapitan ko si Xion we're not close but still I need to give this brown envelope.

"Uhm excuse me Xion pinabibigay ni Felly" sabi ko

"Oh! Thanks Aiglentine" sabi niya ngumiti lang ako at tinalikuran sila.

Tumingin na ako ng libro para sa topic na na-assigned sa akin.

Secretary na ako ng SC sa school shucks. Dito  kasi sa school namin namely Willmere College of Christians ang President ng student council mismo ang mag-aappoint ng sarili niyang secretary. Tapos ang mga SC officers hangga't hindi pa sila graduated sa school na ito hindi sila matatanggal like si Jerome Lim siya yung treasurer dati pero gumraduate na kasi siya kaya mag-eelect nanaman sila this coming Monday din.

Bigla naman akong kinabahan. Pagkatapos kong gawin yung task ko, pinicturan ko iyon at sinend sa GC ng subject na ito. Ganon kasi ang sabi ni Mr Caltinomos. Na-seen niya agad at nagsend lang ng like emoji.

Umalis na agad ako doon iniwan ko muna sa locker room ang mga gamit ko at dumiretso sa rest room.

Pinasadahan ko ng tingin ang Dark blue coat ko inalis ko muna iyon dahil naiinitan ako. Naka sky blue long sleeves nalang ako. Inayos ko din yung dark blue skirt ko na hanggang tuhod ang haba.

Naglagay ako ng ka unting powder sa mukha at inayos ang salamin ko. Tinignan ko ang features ko. I have black eyes, pointed nose, thin lips, properly place cheeks, long brown straight hair na naka French braid and a fair skin. Sakto lang din ang height ko 5'4 pag walang takong 5'6 pag meron.

Lumabas na ako at dumiretso sa cafeteria. Tahimik akong umorder at tahimik din naman akong umupo sa lagi kong inuupuan.

Honestly speaking, hindi ako nakikipag-communicate kung hindi naman kinakailangan. Kaya ang resulta wala rin akong nakakausap sa school.

Nakatuon lang ang pansin ko sa pagkain nang may tumabi at biglang umingay sa table ko.

Inangat ko ang tingin at inayos ang salamin ko.
Andito si Jennifer Uson, Jhon Mark Pineda, Mikael Fernandez, Helen Jamesmith. Sila ang mga SC Officers.
Inilipat ko ang paningin ko sa katabi ko si Pres naman ang narito.

"Zander? Kailangan dito talaga tayo uupo? Like gosh! Pwede namang sa usual spot natin" maarteng sabi ni Jennifer ang Vice president ng SC
Umupo siya sa tabi ni Pres at tinignan ako ng masama.

Ipinagwalang-bahala iyon Ni Pres at tinignan nalamang ako.

"Mind if we join you?" Tanong niya.
Narinig ko ang ilang kantyawan nila John Mark at Mikael samantalang si Helen nakatingin lang sa amin.

"Uhm not at all. Patapos na rin naman ako" sabi ko at ibinaling nalang sa pagkain ang atensyon.

"From now on lagi ka ng sasama samin sa lunch. You know? Meeting para sa school and on and on" sabi niya at naramdaman ko ang titig niya sa akin.

"Uh? Pero hindi panaman official ang pagtalaga sa akin kaya pwede naman sigurong huwag muna?" Nag-aalinlangan kong sabi.

"Tsk, ikaw na nga ang nilalapitan ayaw mo pa?" Masungit na sabi ni Jennifer

"Can't you just shut up please?" Mariin na sabi ni Pres. Nakita kong umigting ang panga niya at ang mga mata niya ay biglang dumilim.

Bumaling siya sa akin

Kisses On CheeksWhere stories live. Discover now