-----46th string-----

Start from the beginning
                                        

“You, doing what I did to you to me, doesn’t make you like me, protecting you.”

“A...Ansaveh?” she frowned.

“Never mind. It’s something an obtuse like you will never, ever understand.”

“Whatever you say, Mister.” She narrowed her eyes. Her arms are still cornering me when I responded,

“You know what, If you’d like to kiss me, might as well take me to your bedroom.”

“A...ano!?”

 “Don’t be like this, Leeanne Faye. I didn’t know you’re that desperate.”

“Ano bang pinagsasasabi mong tukmol ka? Nababali...”

Ugh. How obtuse can she become? I’m obviously referring to our position. Well, I kinda like it.

“Hoy pre. Ano yan? Bat mo hinaharass si Ivan?”

T’was kuya Liam.

LEEANNE’s POV

“Hoy pre. Ano yan? Bat mo hinaharass si Ivan?”

Pareho kaming napatingin ni Vano sa lalaking nagsalita. Si Kuya Liam lang pala. Teka, sinabi nya bang hinaharass ko si Vano?

Binalik ko ang tingin ko kay Vano. Ang lapit pala ng mukha nya sakin. Yung mga braso ko nasa magkabilang gilid ng ulo nya.

WHAT THE PECK! Hinaharass ko nga si Ivan!

Dali-dali akong lumayo kay Vano at tumakbo kay kuya Liam.

“Hoy kuya, nagkakamali ka! Ako yung hinaharass nya! Dalhin ko daw sya sa kwarto ko! Sapukin mo nga”

Tapos pinalupot ko sa braso ni kuya yung braso ko.

BWAHAHAHAHA It’s my time to shine, Vano. Lagot ka kay kuya ko!

“Parang di naman pre. Wag mo ngang binabaliktad yung sitwasyon. Kitang-kita ng dalawa kong mata kung pano mo sya kinulong sa mga braso mo.” Sabi ni kuya Liam na halatang hindi naniniwala sakin.

“Pe...pero kuya! Mali ka! Kaya ganun kasi... kasi...”

POTEK. Sasabihin ko pa bang ginaya ko lang yung ginawa sakin ni Vano kanina? Sa bahay nila? Sa kusina? Sa may ref? Kung saan pinagsamantalahan nya ang kahinaan ko? Kung saan kinulong nya din ako sa kanyang mga bisig? Kung saan pinagbintangan nya kong malandi!?

Nagulat na lang ako nang nilagay ni kuya Liam ang mga kamay ko sa likod at hinawakan ng mahigpit na para bang isa kong nahuling magnanakaw.

“Hoy kuya! Anong ginagawa mo?”

“Sige bro, lumakad ka na habang hawak ko pa to at baka hindi makapagpigil. Pagpasensyahan mo na tong kapatid ko, hindi namin alam na hayok pala to sa lalaki.”

WHAT THE!?

“Thanks, bro.” sabi ni Vano at sumakay na sa motor nya. Ngumiti sya ng nakakaloko bago sinuot ang helmet.

“Kuyaaaa bitiwan mo ko uupakan ko yan!” at nagpumiglas ako, nagwala, nagtumbling, lahat na!

“Bilisan mo bro, hayok na hayok na to.”

Tumango naman ang kumag. Pinaandar nya na yung motor at bumusina tapos humarurot na sya paalis. Saktong binitawan na ko ni kuya Liam.

“What the heck, kuya!?”

“Bakit?”

“Sino bang kapatid mo ha? Bat sya yung kinampihan mo?”

“Wala kong kapatid na nanghaharass.”

“Kuya, maniwala ka sa’kin! Ako yung hinarass nya! Sabi nya dalhin ko daw sya sa kwarto ko kung gusto ko daw sya halikan!”

“Oh sayo na nanggaling. Gusto mo syang halikan.”

“KUYA!”

“Wag ka na tumanggi pre. Alam kong patay na patay ka kay Ivan.”

And right then and there, I felt my cheeks burn.

“YUUUUUUUUUUCK! Kuya! Kadiri ka!”

“Ikaw pa choosy ah.”

“Grabe ka! Pano mo nalamang may crush ako sa ulupong na yun ha?!”

“Oh sayo na ulit nanggaling. Tingnan mo nga yung sarili mo. Sasabog ka na sa kapulahan.”

“Ka...kaya ko namumula kasi... Nahihiya ako! Nilagay mo ang kapatid mo sa matinding kahihiyan!”

“WEH. Wag ka na ngang mag-inaso dyan. Parang bata. Tara samahan mo na lang ako sa tindahan.” Tapos pinatong nya ang nakakadiring braso nya sa balikat ko at nagsimula na kaming lumakad.

Crush ko daw si Vano?

OVER MY DROP DEAD GORGEOUS BODY.

Kung magkakacrush na lang din ako, kay BB na lang no. Ang ganda ganda ganda kaya nya. Buti na lang makakasama ako sa Tagaytay. Mas makikilala ko na si BB pag nagkataon. Buti na lang pinagpaalam na ko ni Vano, wala na kong poproblemahin. Akala ko naman kaya sya pumunta dito para isumbong ako kay kuya Liam.

Pero teka, hindi nga ba yun yung rason nya? Nagbago lang daw yung isip nya e. Pero siguro nga. Hindi naman iiwan ni Vano si Blaire mag-isa sa bahay para lang ipagpaalam ako. Syempre, alam ko naman sa sarili ko na mas mahalaga si BB sa kanya kesa sa’kin. Matagal na silang magkaibigan. Kami? 1 yr pa lang. Ano namang laban ko dun diba? Tapos nagkagusto pa sa kanya si Vano dati... Or Hanggang ngayon? Nako wala na talagang pag-asa.

Teka, san naman galing yun? Anong pag-asang pinagsasasabi ko?

Aish. GUTOM LANG TO!

“Kuya Liam bili ka Red horse one-on-one tayo!”

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now