So, there. Natapos ang movie nang hindi namin namamalayan. Grabe, mas natuwa pa ko sa live action nina Kevin at Vano. Winner! V(^o^)V
“Hala, hapon na pala. Uwi na ko mga fre.” Paalam ko nang mapansin ang wall clock ni Vano. 4:40 na pala. >.<
“Nooooo. Can you stay for a bit longer?” Blaire requested.
“Ano, hindi pwede e. Baka kasi dumating na si Kuya Liam eh tinakas ko lang yung motor nya.”
“Tinakas pala.” Biglang singit ni Vano. He’s smirking while giving me the isusumbong-kita look. SHEEP! Nalimutan kong may extension si kuya Liam dito. Paktay na.
“So pano, una na kami ng baby ko.” Sabi ni Kevin sabay akbay sakin. Ano bang meron ngayon at napakaclingy ng ulupong na to? -________-
“Tigil nga ng kabebaby mo. Kasura.” Sagot ko sabay tanggal ng braso nya sa balikat ko.
“Baby naman. Ang ganda nga ng bagong endearment natin e.”
“Endearment my ass.” Sagot ko. Kanina pa kasi sya dikit ng dikit nauumay na ko. >.<
“Leeanne Faye.” Si Vano.
“What now?”
“Did you just...”
“Ay nako kelangan na talaga naming umuwi! Tara na baby ko! Babye!” Sabi ko sabay hila kay Kevin palabas ng bahay, bago pa ko sipain ni Ivan dahil sa sinabi kong ‘ass’.
Kainis talaga yung lalaking yun. Pag sya nagmumura, keribumbum. Pag ako bawal!? Nasan ang hustisya?
I started the engine. (Naks maka engine, motor lang naman.)
“Sakay.” Utos ko kay Kevin.
Ngumiti naman ang loko, “Alright, baby. Ipagkakatiwala ko sayo ang buhay ko.” Tapos umangkas na sya sa likod ko.
“Sabing wag mo kong tawaging baby e.”
“What? Kanina nga tinawag mo kong ‘baby ko’ e.”
“Nadala lang ako ng emosyon no.”
“So baby,” Bwisit talaga to. “San tayo pupunta?” he asked, wrapping his arms around me.
“Eh di sa inyo. Idadaan lang kita tapos uwi na ko. Baka dumating na si kuya. Chaka wag ka nga sa’kin kumapit. Dun ka sa hawakan sa likod.”
Sa halip na bumitaw, lalo nyang hinigpitan ang yakap sa’kin. Nananadya talaga tong isang to e. “I want to meet your brother. Ihahatid na lang muna kita sa inyo. Tapos ihatid mo ko pabalik.”
“Ano ka sinuswerte? Ano ko driver mo?”
“Perhaps.”
“Ewan ko sayo. Sabing sa likod ka kumapit naiilang ako baka maaksidente pa tayo.”
“No. I love this position.” Tapos sinandal nya yung ulo nya sakin.
POTEK
“Kevin Natal! Umayos ka na dyan at baka abutan na ko ni kuya!”
“I love it when you call me by my whole name.”
“Oh shut up! Hindi tayo aandar hangga’t di ka umaayos dyan. AHH. Hindi na lang pala kita ihahatid.”
“Sige na hindi na ko lalaban.” He held his hands up. “Tara na sa bahay, baby. Gawa tayo ng baby.” He wiggled his brows.
“KEVIN!” I admonished.
“Kidding.” At last. Kumalas na sya sa pagkakayakap sakin. Hindi naman sa pag iinarte pero... Kayo ba hindi kayo maiilang pag may manyak na nakayakap sa inyo habang nagmomotor?
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----46th string-----
Start from the beginning
